Chapter 27: May RED

1K 40 1
                                    



CHAPTER 27


-Chelsea's POV-



" Kuya! Hindi nga eh, pang ilang tanong nayan? "- asar at medyo pasigaw na sabi ko kay kuya.


" Nako! Siguraduhin mo lang, oras na malaman ko na may boyfriend kana, tsk. Ewan ko nalang. "- pa iling iling na sabi ni kuya.


" Sus! Saan ka maniniwala kuya? Sa nakita mo kanina o sa kapatid mong nag sasabi ng katotohanan? "- taas noong tanong ko kay kuya. Tagalog na tagalog ang huling word na sinabi ko.


" Daming alam. Basta,ang saakin lang huwag kang mag lilihim sakin mas lalo na kayla lolo at lola. Baka mamaya nyan kasi buntis kana, hindi namin alam. "- pailing iling ulit na sabi nya sabay pat ng ulo ko.


Napasimangot naman ako sa sinabi nya. Aba! Buntis agad? Wala pa nga akong nagiging boyfriend eh, tapos buntis agad? Advance mag isip si kuya. =__=


" Kuya? Masyado kang advance mag isip. NBSB po ako.Tska di naman ako ganung babae na ibibigay agad ang perlas ng sinilangan ko sa ibang lalake no! Ibibigay ko to sa taong papakasalan ko. Nyahaha~" - pagtatangol ko sa sarili ko tapos sabay tawa ng pang asar.

Napansin kona nakatingin lang sakin si kuya. Seryosong nakatingin sakin. Oh? Anyare dito?


" Kung makapag salita ka parang di mo kaharap ang kuya mo ah? Tsaka lalake kausap mo Chelsea, minsan mag preno ka naman sa pananalita mo moh? "- seryoso nyang sabi. Okay, serious ang peg ni kuya.


Chelsea na ang tawag sakin eh. Kasi kapag Chelsea ang tawag sakin ni kuya, seryoso yan o kaya naman wala sa mood. Bunso naman ang tawag nya sakin kapag nasa mood yan. Gulo nya noh?


" Sorry naman. Ehh ikaw kasi eh. Ayaw mong maniwala sakin. "- sabay pout. Pa cute ang peg ko ngayon kay kuya.


" Huwag ka ngang gumanyan, humahaba ang nguso mo. "- pang-aasar nya sakin. Basag trip ang kuya ko! Umupo naman sya sa tabi ko. Nakaupo kasi ako sa kama ko at sya nga pala, nasa kwarto ko sya ngayon at simesermunan nya ako ng bongga dahil sa nakita nya kanina. Mamaya kuna i-kukwento sa inyo okay? Katatapos lang rin naming kumain ng hapunan ngayon.


" Basta bunso, wag kang mag lilihim sakin ah? "- sabi nya sabay akbay sakin. Diba? Gulo nya noh? Bunso na ang tawag sakin ngayon.


" Opo kuya. Wag kang mag alala, ikaw o kayo nila lola at lolo ang una kong sasabihan kapag nagka boyfriend nako."- sabay ngiti kong nang pagkalaki-laki.


" Pati narin si Mama."- dag dag ni kuya at sa sinabi nya nayun ay parang napatigil ako. Oo nga pala si Mama? Tagal ko ng di sya nakikita. Yung huli ko syang nakita nung umuwi sya dito nung 1st year ako.


" Ahh oo nga pala, sya pa. "- me


" Mukang nakakalimutan muna na may nanay kapa? "- tanong sakin ni kuya.


" Eh kasi naman eh. Miss kona sya kuya. Nung huli nyang uwi dito eh nung 1st year ako diba? Diko rin maiwasan na mag tampo kay mama. "- paliwag ko sa kanya. Totoo naman kasi eh, nakikita ko naman sya minsan kaso sa isang screen lang. Nag s-skype kami. Pero iba parin kapag personal mo syang kaharap.

The Past and The Present [ Completed/Unedited ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon