CHAPTER 32
-Chelsea's POV-
" Okay, Chelsea. Kaya mo yan. "- Sabi ko sa sarili ko at saka ako huminga. Tae! Nakakahiya! Parang ayaw ko ng lumabas dito sa CR. Parang wala akong maihaharap kay Oliver. Huhuhu! T^T Bakit ba kasi sya nandito?!
Dahan dahan kong pinihit ang doorknob at nung medyo bumukas na ay sumilip muna ako.
" Pakshet."- Saka ko ulit sinara yung pinto. Naman oh! Bakit nandito pa sya? Inaantay ba nya akong lumabas?
Tsaka ang awkward kaya kung lumabas ako dito. Nakabantay kasi sya sa labas.
" Ay tae! "- Nagulat nalang ako nang narinig ko syang kumatok.
" Open the door."- Rinig kong utos nya. Waaaahhh! Ano na gagawin ko?!!
Kumakatok parin sya at ako ay natataranta kung ano ang gagawin. Shete naman kasi eh! Nakakahiya kayang lumabas matapos nang makita nya kanina. <(°∩°)>
Pero walang mangyayari kung mag damag akong mag kukulong sa CR nato.
" Ayyssh. Bahala na nga."- Saka ko pinihit ang doorknob at unti unti kong binuksan ito. Bumungad sakin si Oliver na naka cross-arms at diretsong nakatingin sakin habang hawak nya yung binato ko kaninang tabo.
Tinaasan nya ako ng kilay. Owwkeey? Ano na gagawin ko ngayon?
" Ahhh... H-hi? "- Pilit akong ngumiti. Grabe! Feeling ko ang pula ng muka ko. May gana pa talaga akong mag HI sa kanya matapos nang nangyari kanina.
Tsaka naaano akong lumabas dito sa loob. Ehh basta nahihiya ako!! >//_//>
"........."- Hindi nya ako pinansin, sa halip ay lumapit sya sakin ng konti, at nakita ko na hinagis nya yung tabo na binato ko sa kanya samay timba na pinag kuhanan ko nito.Lumayo na sya sakin nun at ako ay umalis ma samay loob ng CR at saka ko sinara na ang pinto nito.
*Silence*
Shesh! Ano ang sasabihin ko?!! Ang awkward ngayon.
" Ahhhh. A-ano.. ahm. K-kalimutan mo yung nakita mo k-kanina ha. "- Nakayuko kong sabi sa kanya. Wala akong narinig sa kanya. Ayy may kausap ba ako?
Inangat ko ang ulo ko at nakita ko na diretso parin syang nakatingin sa muka ko. A-ano bang tinggin yan! Nakakailang ho! Mas nagulat ako at nataranta nang naramdaman kong lumapit sya sakin. Tung unu lung! Ano bang trip nito?!
BINABASA MO ANG
The Past and The Present [ Completed/Unedited ]
FanfictionThe Past and the Present Genre:Fan Fiction ( PAST ) Si Guy, Makulet,Palabiro at masayahing bata noon. Habang si Girl naman ay mahinhin, mahiyain at napaka tahimik noon. ( PRESENT ) Pero ngayon. Si Guy ay tahimik, walang paki alam sa mga nakapali...