Chapter 74: The Truth

981 31 0
                                    







  CHAPTER 74





 -Chelsea's POV- 





 " Labas na muna ako ha? "-Paalam ni Ian sakin na may ngiti sa kanyang labi. Maayos ang pag bi-break namin dalawa so walang problema. 



 " Okay sige. Bababa nalang ako mamaya. "-Sabi ko naman sa kanya bago sya tuluyang makalabas ng kwarto ko. Pag kasara ko ng pinto ay tumalikod na ako para maka balik na sa kama ko kaso napalingon uli ako sa pinto dahil narinig kong bumukas ito at pumasok si Kuya. Nakapag usap kaya sila ni Mama? 

 Walang salita ang lumalabas sa bibig nya, tuloy-tuloy lang syang nag lalakad hanggang sa naupo sya sa gilid ng kama ko. Hindi ako umimik at naupo lang rin ako sa tabi nya. Mga ilang minutong katahimikan ang bumalot sa kwarto ko. Akala ko di na sya iimik pero nag salita sya. 



 " Andun yung mga kaibigan mo sa baba. Hindi ka ba lalabas? "-Akala ko tungkol kay Mama ang sasabihin nya. 

 " Mamaya na siguro kapag medyo okay na pakiramdam ko. "-Sabi ko. Nanlalata parin kasi ako ngayon. 



 " Ahh okay."-Tipid na sagot nya. Sa kinikilos ni Kuya, mukang di nya pa nakaka usap ng matino si Mama.



 " Ku-kuya, nahuli ba yung mga mag nanakaw? "-Pagtatanong ko para makapag simula ng topic namin dalawa. Hindi ako sanay na di kami nag babangayan sa totoo lang, kaso sa sitwasyon ngayon? Hindi mangyayari yun.



 " Oo nahuli sila. "-Sagot nya at tumango tango nalang ako. Ayaw atang humaba ang usapan kaya ang ikli ng mga sinasabi ni Kuya. 

 " Bunso? May sasabihin sana ako sayo. "-Sabi nya at nag taka ako dahil mukang kinakabahan pa sya.

 " A-ano yun? "-Tanong ko. Napahilamos sya ng muka at himinga ng malalim. 

 " Tung-tungkol kay... Sh*t."-Tumayo sya at pumamewang. Naguguluhan ako sa kinikilos nya. Ano kayang sasabihin at hirap na hirap sya? Balak ko pa sanag mag tanong nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Mama. 



 " Oh? Mu-mukang seryosong usapan to ah? May problema ba? "-Inosenteng tanong ni Mama. 

 " Meron nga."-Sagot ni Kuya. Parang wala lang sa kanya na si Mama ang kausap nya ah? 



 " Pwedeng i-share? "-Tanong nya. Napatitig ako kay Mama ng matagal. Hindi halata na tumanda sya dahil sa itsura nya ay parang bumata pa sya. Ang ganda ng kutis ng balat nya. Gusto kong yakapin sya ngayon at mag sabi ng mga gusto kong sabihin sa kanya. 



 " Baliktad ata Ma? Mukang ikaw ang may kaylangang i-share."-Sagot ni Kuya. Napakunot ako ng noo ganun rin si Mama. Ano bang sinasabi ni Kuya?







 " Dante Aoyoma."-Sa sinabi ni Kuya, nakitang kong pag kabigla ni Mama. Na o-OP ako sa pinag uusapan nila. 



 " A-anak please wag mo ng ituloy. "-Nilapitan ni Mama si Kuya at hinawakan ang magkabilang balikat nito. Dante Aoyoma? Mukang hapon at sino naman yun? 

 " Ma please,sabihin mo na hanggat maaga pa, wag mo ng patagalin."-Inis pero halatang nag pipigil si Kuya.  



  " A-ano ba yang pinag uusapan nyo Kuya? Pwede ko bang malaman? "-Naguguluhang tanong ko kay Kuya. Nakita kong tumingin sya kay Mama bago mag salita.



 " Tungkol sa Papa mo. "-Sagot nya. Ah kay Papa? Oh ano meron sakanya? Tsaka diba patay na sya? Bakit inuungkat pa nila? Teka sandali lang, Dante Aoyoma? Yun ba ang pangalan nya? Ang pangalan ni Papa?



The Past and The Present [ Completed/Unedited ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon