Chapter 49: Okay

863 38 1
                                    






CHAPTER 49









-Chelsea's POV-




Alam nyo yung feeling na nasa HOT SEAT ka? Yun yung nafi-feel ko ngayon eh. Nakakahiya. Nakaka ilang. Pinagpapawisan. At gustong-gusto ko ng bumuka ang lupa para kainin nako ngayon. Pano ba naman kasi nasa harap ka mismo ng mga kaklase mo at lahat sila ay nasa amin ang atensyon ni Oliver.




" Hindi ba kayo mag sasalita? Kating-kati na ako guys! "- Pag mamaktol ni Jerica.


" Oo nga! Bilis! Parang hindi tayo mag kaka-klase ha. Share nyo na! "- Hirit pa ni Gin at ginatungan pa ng iba naming mga classmates. God! Help naman oh!

" Speak na! Baka dumating na si ma'am. "- Sabi ni Alex.




Yan na nga yung hinihiling ko eh. Sana dumating na si Ma'am. Pero parang ang labo, dahil medyo kararating lang namin ngayon sa room namin at ang nakaka inis pa ay nag madali ka na ngang pumasok dahil late ka na ay wala ka pang maaabutang teacher na nag tuturo. Gets nyo ba yung point ko? Yung halos lumipad kana kamamadali dahil late ka na nga tapos wala ka palang maaabutang teacher sa room nyo. Oh ano mararamdaman nyo diba?






" 8:20 am na guys! Maya-mayang 40 minutes andyan na si maam. Bahala kayo, kayo rin mangangawit tumayo ryan."- Nakangiting sabi ni Alex. Shems! Ano ng gagawin ko?! Nakakahiya! Leche kasi tong si Oliver eh! Sinundo-sundo pa kasi ako kaya ayan, sabay kaming dumating sa room. Na curious tuloy yung mga classmates ko kung bakit kami sabay kasi naman dati diba, ni hindi kami nag papansinan na tapos ngayon sabay pang pumasok kaya ayan sila. Mga mala pulis kung imbestigahan o tanungin kami.

Naalala ko tuloy yung kanina sa bahay. Arrrggh! Nakaka ano si lola. Malamang totohanin nya nga na ipapa-develop nya yung picture namin ni Oliver. =____=







" Uhm guys ano... ehhhh----"- Natigil ako sa pag sasalita nung sa ginawa ni Oliver. Tae! Inakbayan na naman ako.





" Omg! Kyaaaaa~"



" Sila na?! Wahhh!"



" Nakaka kilig naman oh! "



" Shomai! Walang forever! "



" Teka, masakit na braso ko kahahampas mo!"








Napapikit nalang ako dahil sa ingay ng mga classmates ko. Hindi kaya mapagalitan kami nito? Napaka iingay kaya oh.






" Siguro sapat na yung ginawa ko para naman malaman nyo na yung sagot."- Seryosong saad ni Oliver at hayan na naman. Iba't-ibang ingay na naman ang mga naririnig ko. Shet! Baka kung ano isipin nila? Baka sabihin na kami na kahit hindi pa. Oo hindi PA. Abah shempre may plano akong sagutin to no, pero hindi pa ngayon dahil hindi ako yung taong easy to get.

Natigil sila sa pang iingay nung biglang bumukas ang pinto.






Shet! Si Ian! A-ano naman kaya ginagawa nya sa room namin?

Nakita ko na parang nabigla sya sa nakita nya. Nakita pa nya na naka akbay sakin si Oliver kaya napakunot ang noo nya pero bigla rin naman nag bago at bumaling ng tingin sa mga classmate ko.





" Uh sorry sa abala. Pero sino yung president ng room nyo? "- Tanong nito.





" Uhm ako bakit? "- Sagot ni Ms. President saka sya tumayo sa upuan nya at pumunta kay Ian.






The Past and The Present [ Completed/Unedited ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon