Wala akong maisip na title sa chapter na'to. Hehesh! =__=
CHAPTER 66
-Ian's POV-
" Maya ko nalang sayo ibabalik tong charger Kuya. "-Sabi sakin ni Rose saka sya lumabas dito sa kwarto namin ng mga lalake. Sinara ko na yung zipper ng bag ko kung saan ko kinuha yung charger na hiniram ng kapatid ko saka ako lumabas.
" Psst Yan! "-Napalingon ako sa kanan ko nung narinig ko ang boses ni Chelsea. Ngumiti sya at lumapit sakin.
" Yan? Hehehe! Hello Yan! "-Napakunot ang noo ko sa inasta nya ngayon. Weird. Si Chelsea ba'to?
" Uhm Chelsea? Hindi ka naman naka inom diba? "-Tanong ko at bigla namang nawala ang ngiti nya.
" Sus naman Ian! Never pa akong uminom ng alak no. "-Pag mamaktol nya. Eh bakit ganyan sya ngayon? Parang iba?
" Eh bakit parang iba ka ngayon? "-Tanong ko. Bumalik na naman sya sa ngiti nya kanina. Sh*t Chelsea wag ka ngang ngumiti ng ganyan. Baka matukso mo pa ako dahil sa ginagawa mo.
"Wala lang! Haha! "-Sya lang yung natawa sa sinabi nya.
" Guys tara na! Labas na tayo. "-Tawag samin nung si Jerica. Tumango nalang kami at sinabi na susunod na.
" Yan, wait lang ah. "-Paalam sakin ni Chelsea saka sya pumasok sa kwarto nilang mga babae. Teka? Bakit ba Yan ang tawag nya sakin?
" Oy Kuya pakidala yung natira sa lamesa."-Utos sakin nung kapatid ko. Mag iihaw na naman ata kami dahil nakita ko na hawak nya yung mga sticks ng barbeque.
Lumakad nako papunta sa kusina nang biglang beep yung cellphone ko. Kinuha ko naman sa bulsa at napakunot ang noo ko dahil sa nabasa ko.
From: +639*********
Labas ka. Kundi ka lalabas. Pasasabugin ko yang bahay kung nasan kayo.
BINABASA MO ANG
The Past and The Present [ Completed/Unedited ]
FanfictionThe Past and the Present Genre:Fan Fiction ( PAST ) Si Guy, Makulet,Palabiro at masayahing bata noon. Habang si Girl naman ay mahinhin, mahiyain at napaka tahimik noon. ( PRESENT ) Pero ngayon. Si Guy ay tahimik, walang paki alam sa mga nakapali...