BONUS CHAPTER part 2

1.1K 33 0
                                    




BONUS CHAPTER part 2



*****--*****



Kyle & Grashella CHAPTER


-Kyle's POV-


" Nga pala? Lilibre kita ngayon diba? Ano gusto mo? "- Tanong ko kay Grashella

Nag lalakad nga pala kami ngayon sa Mall. Kagagaling lang namin sa Greenwich. Duon kami bumili ng pizza, pero iniwan na muna namin duon. I mean, pag ka order naming ng 2 pizza, sabi namin babalikan nalang namin yun, sure kasi ako na matagal pa namin makukuha yung inorder namin kasi madaming taong nakapila. Kaya marami din silang aasikasuhin diba?

So pwede naman daw kaya ayun, babalikan nalang namin mamaya. So para nga di kami ma bored sa pag hihintay, nag libot muna kami ni CRUSH. Este ni Grashella..


" Huh? Ikaw, bahala ka? Ay, basta kahit ano."- Sagot naman nya.


" Kahit ano? Saan ba nakakabili nun? Tsaka meron ba dito nun? Mag kano kaya? "- Me


" Ahh! Eto naman oh?! Joke lang.."- sabi ko sabay himas sa may braso ko.


Hinampas nya kasi ako sa may braso eh. Pero di naman sya malakas.


" Ikaw kasi eh. Pilosopo mo.Kinakausap ka ng maayos eh.. "- sabi nya sabay irap sakin.


" Galit ka na nyan? "- me


Di sya umimik. Tapos binilisan nya yung lakad nya.

Tae!! Mali ata nasabi ko ah? Nakalimutan ko na ayaw nga pala nya sa mga pilosopong tao. Lalo na kapag nag tatanong sya ng maayos tapos di mo aayusin yung sagot mo.

King ina lang! Great! =_=

Hinabol ko naman sya agad at nag salita naman ako.


" Uy? Joke lang naman. Masyado kang seryoso. Sorry."- me


" Psshh.."- sabi nya sabay lakad ulit ng mabilis.

=_=


Nice. Galing mo talaga Kyle. Imbis na gumawa ka ng mag papasaya sa crush mo, nainis pa sya sayo.


*sigh*

Hayaan ko na nga muna. Papalamigin ko muna siguro ang ulo nya. Mamaya ko nalang sya kakausapin.

( Naks! Kung maka pag salita parang SILA ah?! Hahaha >_< )

Psshh. Makisakay kanalang! =_=...

( Nyahaha!! Okaaaaay~ ^_^v )



Good.

So nagpatuloy nalang ako sa pag lalakad. Nauuna sya saakin habang ako naman sinusundan sya.

Habang nag lalakad ako napa tinggin ako sa may bandang kaliwa ko. Nakakita ako ng mga pang babaeng accessories.

The Past and The Present [ Completed/Unedited ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon