Chapter 41: Her Birthday

838 34 0
                                    



CHAPTER 41








-Chelsea's POV-



Tatlong linggo na ang lumipas simula nung mangyari yun. Walang nakaka alam kundi ako lang. Hindi ko sinasabi sa mga kaibigan ko at kayla lola,lolo at kuya dahil sure ako na mag alala yun. Oo normal lang yung pag aalala nila pero basta, ayokong malaman nila yung bagay nayun. Tsaka na kapag malala o sobra na yung gagawin nung nang t-trip sakin.



At sa tatlong linggo nayun, madalas tuwing gabi sya nag t-text sakin. Halos makbisado ko na nga yung number nya eh. Sinusubukan ko syang tawagan pero nag ri-ring lang. Minsan naman sinasagot pero hindi sya nag sasalita kaya pinapatay ko nalang. Sayang yung load. =_____=

Pero ang pinag tataka ko lang. Alam nya ang bawat kilos ko. Kung nasaan ako, at kung ano ang ginagawa ko. Sa totoo lang, natatakot ako. Baka kasi mamaya nyan eh kung ano na ng gawin sakin. Nakakaka kilabot talaga.

Sa pananakot sakin nung tao nayun, may nakukuha akong clue. Sa loob ng campus, duon ko madalas napapansin na lagi syang nag te-text. Like for example, may pupuntahan akong lugar, tapos bigla syang nag t-text nang 'nag kasa lubungan tayo'.
So malaki ang possibility na dun sya pumapasok sa pinpasukan ko. Tapos sure rin ako na babae yung nag t-text sakin nayun.



Pero may pinaka malaking clue akong nakuha. Nung time kasi na kinausap ko si Oliver ay nag text sya sakin ng layuan kona raw yung kausap ko. Shempre sino ba kausap ko nun? Edi si Oliver. So meaning, malapit sya kay Oliver. Isa lang naman ang kilala kong babae na malapit rin sa kanya eh. Si Ashley. Pero imposible. Dahil may time na mag kakasama kami nila Ashley sa canteen tapos bigla syang mag t-text. Kaya malabo.








" Haaay nakaka stress. "- Nag lalakad nga pala ako ngayon sa corridor ng school namin. Sa loob rin ng tatlong linggo nayon. Ni isa sa mga tinuturo ng mga teacher namin ay wala akong naiintindihan. Promise. Leche naman kasi eh. May oras kasi na nag t-text sakin yung unregistered number nayon kapag may klase pa kami, kaya di ako nakakapag focus sa tinuturo ng teacher namin.


May time nga na napalabas ako dahil nahuli ako na ginagamit yung cellphone ko sa oras ng klase eh. Panong hindi, eh tumatawag yung unregistered number nayun at malas ko dahil hindi ko na silent yung cellphone ko kaya ayun.
Oo may araw na tumatawag sya kaso pipe ata eh. Hindi kasi nag sasalita. =____=











" HAPPY BIRTHDAY CHELSEA JANE MERCADO!! "- Nagulat ako sa biglang salubong sakin ng mga classmate ko. Pag bukas ko kasi ng pinto ng room namin ay bigla silang sumigaw ng ganyan at nag hagis pa sila ng ginupit-gupit na papel sakin. Napansin ko rin na may naka sulat sa pisara ng 'HAPPY BORN DAY! ' at may mga design design pa.
Teka? Ano raw? Birthday ko?



" Ha? "- takang tanong ko sa kanila at nagulat naman ako dahil pinitik ako sa noo ni Alex.





" G@ga ka! Yan lang ang reaksyon mo? Matapos naming pag paguran tong mga kaeklavuhan na to, yun lang?! "- Sabi ni Alex sakin.





" Teka nga lang. Sino ba may birthday? Ako? "- Takang tanong ko at mukang nagulat naman sila. Ano bang nangyayari? Ang gulo!




" Hoy Chelsea! Naka drugs kaba? October 15 ngayon! So birthday mo po."- Sabi naman ni Jerica.





The Past and The Present [ Completed/Unedited ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon