Chapter 4: FRIENDS

2.8K 88 6
                                    

EDITED

CHAPTER 4

-Chelsea's PoV-

Tahimik kaming nakaupo sa isang bench. Walang nagsasalita saamin mula pa kanina at gustuhin ko mang ako ang unang kumibo, hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Tanungin ko kaya sya kung galit pa ba sya saakin hanggang ngayon? Itatanong ko ba kung saan na sya ngayon nakatira? Ano ba sasabihin ko? Bakit ba kasi ang awkward ng atmosphere?

" Uh Christian--"

" Ilang beses ko bang ipapaalala na ayoko ngang tawagin akong Chrisitian? " napalabi ako. Sungit.

" Bakit ba kasi ayaw mo? Maganda nga ang Christian eh. "

" Pero hindi maganda ang alaala ko sa pangalan nayan, " aniya. Matagal nag loading saakin yung sinabi nya pero bago pa ako muling makapag tanong, tumayo na sya.

" Teka saan ka pupunta? " Lumingon sya saakin.

" Uuwi na. Bakit? Gusto mong sumama? "

" Ha? Syempre hindi no! Ano ka ba Christian--este Oliver. " napangiwi ako. Hindi ako sanay na tawagin sya sa second name nya.

Tumalikod na sya at naglakad na paalis. Pinagmasdan ko lang syang palayo saakin at hindi ko alam kung bakit bigla kong naalala yung nangyari dati. Yung tumakbo sya palayo saakin na hindi man lang ako hinahayaang makapag explain.

Tumayo ako at nagpasyang sumunod sa kaniya. Hindi ako nagsasalita habang naglalakad malayo sa likuran nya dahil baka pigilan nya lang ako. Gusto ko ring malaman kung saan na sya nakatira ngayon.

Napahinto ako nang bigla syang tumigil sa paglalakad at lumingon saakin. Nanlaki ang mata ko at umiwas ng tingin saka nagpatuloy sa paglalakad.

" H-hindi kita sinusundan, " sabi ko nang makalapit sa kinatatayuan nya. Hindi sya kumibo pero ramdam ko ang tingin nya saakin. Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad hanggang sa maramdaman kong sya naman ngayon ang sumusunod saakin.

Napa buntong hininga ako at saka sya nilingon. " G-gusto mong gumala? "

Nakita ko ang pag ngisi nya. " Taong gala ka na pala ngayon? " aray naman.


" Hindi ah. Baka kasi gusto mo lang naman? Ang tagal nating hindi nagkita, siyempre kumustahan? "

" Kailangan ba 'yon? " tumango ako. " Gawin mo mag-isa, " saka sya nagpatuloy sa paglalakad. Hinabol ko sya at hinila ang bag nya para pigilan sya.


" Gawin nating dalawa. " hindi sya nagsalita. Unti-unti kong binitawan ang bag nya. " Friends pa rin naman tayo diba? "

" Friends? Matapos ng ginawa mo noon, ngayon sasabihin mo friends? " tumawa sya at ramdam ko ang pagiging sarcastic nya.

" I'm sorry okay? Hindi ko naman kasi talaga--"

" Tama na. Hindi ko kailangan ng explanation mo. "

" Napaka daya mo naman. Paano tayo magkakaayos kung ayaw mo akong pakinggan? "

" Sino bang may sabi na gusto kong makipag ayos? "

Tuluyan ng na blanko isip ko. So ayaw nyang makipag ayos saakin. Okay sige.

" Okay. " inalis ko na ang tingin sa kaniya. Naglakad na ako at nilagpasan sya. Kung ayaw nya, edi wag nya. Ako na nga tong nakikipag bati eh! Hindi ko na sya susuyuin bahala sya!


***

Pero syempre joke lang. Hindi rin ako nakatiis.

Umalis ako sa pinagtataguan ko nang mawala na sya sa paningin ko.

Nasaan na sya? Bakit ang bilis nyang mawala?

Hindi ko alam kung saang lugar na ako dahil sa kasusunod ko nang palihim kay Christian. Hindi ako pamilyar sa lugar na'to dahil masyado 'tong tago sa kalsada. Nasa looban kami at hindi ko alam kung paano na ako makakauwi samin. Leche flan, paano na ako nito?

" Ano kaya pa? " Napalingon ako sa likuran ko.

" Christian! "

" Oliver. " pagtatama nya. " Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo? "

" Naiintindihan ko sinabi mo kanina pero hindi ko sinabi na papayag ako. " ngumiti ako sakaniya saka ako lumapit sa kaniya. " Alam kong malaki ang galit mo saakin at naiintindihan ko 'yon. Pero ayokong matapos yung friendship natin dahil lang sa bagay nayon. Ako ang may kasalanan nito kaya ako rin ang aayos. "

Binigyan nya ako ng tingin na what-the-hell-are-you-talking-about?

" Friends pa rin tayo. Hindi ko na sasayangin 'to. "

" Bahala ka sa buhay mo. " Tumalikod sya at naglakad ulit paalis. Bakit ba ang hilig nyang mag walk out?.


" Teka lang Christian--este Oliver! " Pumunta ako sa harap nya. " H-hindi ako pamilyar sa lugar na 'to. Baka pwedeng samahan mo ako palabas? "

" Mag isa ka. " hinampas ko sya sa braso na kinagulat nya.

" Ganyan ba ang friends? Tulungan mo na ako. Baka nag aalala na sila lola saakin. " sabi ko pero tinapunan lang nya ako ng tingin saka nagpatuloy sa paglalakad.

" Huy sandali naman. Sisigaw ako kapag di mo ako tinulungan. "

" Go. " agad na sabi nya kaya ginawa ko. Napatingin sa pwesto namin yung mga tao na bakas ang pagtataka sa mukha.

" Shut up. " Mabilis tinakpan ni Christian--este ni Oliver ang bibig ko. " Hindi ko akalaing magbabago ka ng ganyan. " rinig ko sakaniya. Imbis na ma offend, natuwa ako dahil napansin pala nya 'yon.

Hindi ko alam kung saan tutungo itong pagiging suplado nya pero gagawin ko lahat para bumalik kami sa dati.

---




The Past and The Present [ Completed/Unedited ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon