CHAPTER 73
-Chelsea's POV-
First year ako nung huling balik dito ni Mama at ngayon ay ito na uli sya. Nasa harap ko na. Pero diba dapat masaya ako ngayon? Dapat niyakap ko na sya kanina pa pero bakit ganun? Hindi ko magawang ngumiti sa kanya kahit nandito na ulit sya.
" Oh god ang lalaki nyo na. Hindi naman kayo ganyan nung huli ko kayong nakita ah. "-Lumapit si Mama kay Kuya at hinawakan ang mag kabilang pisngi nito. Gaya ko, nanatiling walang emosyon ang muka ni Kuya. Pareho kaya kami ng nararamdaman ngayon?
" Chelsea anak, mas gumanda ka ngayon ah. Ang tangkad mo na rin gaya ng Kuya mo. Namiss ko kayo ng sobra. "-Saka sya pumunta sa harap ko at niyakap ako. Hindi ko magawang yakapin sya pabalik. Bakit? Diba dapat masaya ako dahil nandito na si Mama kasi may masasandalan ako ngayong wala na sila Lola at Lolo? Nandito na si Mama para sabihan ko ng mga problema ko.
" Bu-buti naman po naisipan nyong umuwi ngayon. "-Sabi ni Kuya kaya't napabitaw ng yakap sakin si Mama.
" Anak sorry d-dahil ngayon lang ako nakabalik. Ah binalitaan kasi ako ng mga tita nyo sa nangyari dito sa bahay kaya di ako nag dalawang isip na umuwi. "-Paliwanag nya.
" Ah so may kaylangan pa palang may mamatay bago ka umuwi dito? "-sarcastic na sabi ni Kuya. Nabigla si Mama sa narinig nya maski ako, di ko aakalain na yun ang sasabihin ni Kuya kay Mama.
" Toper anak, ano ba yang sinasabi mo? Umuwi ako dito dahil gusto ko at alam kong kaylangan nyo ako. A-ano bang sinasabi mo? "-Gulat na tanong nya. Hindi ako makasabat dahil hindi ko alam kung kanino ako kakampi
" Tsss. Ewan ko. "-Saka padabog na lumabas ng kwarto si Kuya. Naiwan kami ni Mama dito sa kwarto na naka tingin sa pinto kung saan lumabas si Kuya. Dapat narin ba akong lumabas ng kwarto o manatili at kausapin ang Mama ko?
" Jusko anak. "-Rinig kong sabi ni Mama na halatang naguguluhan parin sa kinilos ni Kuya kanina. Humarap sya sakin at tinignan ako sa mata.
BINABASA MO ANG
The Past and The Present [ Completed/Unedited ]
FanficThe Past and the Present Genre:Fan Fiction ( PAST ) Si Guy, Makulet,Palabiro at masayahing bata noon. Habang si Girl naman ay mahinhin, mahiyain at napaka tahimik noon. ( PRESENT ) Pero ngayon. Si Guy ay tahimik, walang paki alam sa mga nakapali...