Epilogue

1.7K 37 3
                                    







Epilogue



-Oliver's POV-



Two months later...



Tahimik akong naka upo sa damuhan habang pinag mamasdan ang lapida na nasa harap ko. Tanging ihip ng hangin at mga huni ng ibon lang ang naririnig ng tenga ko. Napatingin ako sa bulaklak na dala ko. Ito ang bulaklak na gustong-gusto nya dati pa. Hanggang ngayon may konting inis parin ako sa sarili ko.

Sana pala nung una palang ay dapat di ko na sya binibigyan ng sakit sa ulo. Sana pala una palang mas pinahalagahan ko sya para matagal kaming nag kasama. Pero huli na. Wala na ang isa sa mga taong nag bigay kulay ng mundo ko. Nag tiis sa katigasan ng ulo ko. Wala na ang isa sa babaeng pinaka mamahal ko higit pa sa sarili ko.




" Kamusta na? "-Tanong ko saka ko hinawakan ang lapida nya. Kahit alam ko na walang sasagot sa tanong ko ay wala akong paki alam. Gusto ko syang kauspin dahil yun ang gusto ko. Napangiti nalang ako nang maalala ko ang masasayang pinag samahan namin kahit sa konting panahon.



" Ako? Okay lang naman ako dito. "-Sabi ko pa. Para akong t@nga na nag sasalita mag isa dito pero gaya ng sinabi ko kanina. Wala akong paki alam.

Napakurap ako nang may luhang lumabas mula sa mata ko.



" Tsk. Takte naman. "-Saka ko ito pinunasan at tumingin sa itaas para pigilan ang iba pang luhang lalabas.




" Oliiveerr! "-Napalingon ako sa likod ko nung may biglang tumawag sa pangalan ko. Napangiti ako dahil sa itsura nya. Hingal na hingal sya nang patakbo syang pumunta dito sa pwesto ko.


" My gosh Oliver! Ang inet ha! Hindi mo man lang ako tinext kung saan pwesto ka nanduon? Muntik na akong maligaw dito sa sementeryo ha! "-Inis at pasigaw na reklamo nya.


" Sorry cut na load ko. Tsaka hinaan mo nga boses mo. Bawal maingay dito "-Sabi ko. Umirap nalang sya sakin at naupo sa tabi ko. Kinuha ko ang isang malamig na tubig mula sa bag na dala ko at binigay sa kanya.



" Salamat. "-Saka nya ito diretsong ininom. Binigay naman nya sakin nung nangalahati na. Nice, nag tira pa sya.



" So... Uhm ano? "-Tanong nya. Ngumiti ako bago mag salita.


'' Ipapakilala na kita."-Sagot ko sa kanya saka humarap sa lapida na nasa harap ko.


The Past and The Present [ Completed/Unedited ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon