Chapter 33: Seriously?!

837 37 0
                                    







CHAPTER 33





-Ashley's POV-


Papunta ako ngayon sa room nila Christian para sabay sana kaming kumain sa canteen. Yung kami na munang dalawa. Gusto ko na muna syang masolo dahil miss ko na talaga sya. Hindi pa kasi kami nag kakausap ng matagal. As in yung magdamagan at wala umiistorbo samin.

Nang malapit nako ay nakita ko sa bandang room nila Christian ay parang may nag kakagulo. I'm not sure, pero ang dami kasing nakapalibot na tao. Dahil curious ako ay pinuntahan ko, tsaka papunta narin naman ako sa banda nayun.

" Ha? "-Nagulat ako nang nakita ko ang si Christian ruon pati narin si Chelsea. May isa pang guy pero diko sya kilala.
Sa tingin ko mukang may tense na namamagitan sa kanilang tatlo. Yung tingin ni Christian at nung guy sa isa't-isa ay parang hindi na maganda. Idag-dag pa na parehas silang nakahawak kay Chelsea na nasa gitna nila.
Ano kayang nangyayari dito?

Kinalabit ko yung nasa unahan kong babae at nag tanong.

" Ahhh miss? Anong nangyayari dito? "- Tanong ko sa kanya.

" Ahh may confession kasing nagaganap ngayon. Yung isa sa member ng Hot Five na si Ian ay umamin na may gusto sya sa girl. Tapos yung isa namang guy ganun rin. Sinabi rin nya na may gusto rin sya kay girl. Grabe! Ang haba ng hair ni girl. Dalawabg gwapo nag kaka gusto sa kanya. Omg! Hihihi! "- Kinikilig na sabi nung girl. Wait? What?! Ano sabi nya? May Confession dito? So it means na may feelings si Christian kay Chelsea? No! Hindi pwede!

" So sa tinggin mo matatakot nako? "- Sabi nung Ian. Ang seryoso nya. Seryoso syang nakikipag usap at nakikipag titigan kay Christian.

" Malay ko. Bakit ako ba ikaw para malaman ko kung ano ang nasa isip mo? "- Halatang iniinis ni Christian yung Ian dahil nakuha pa nitong ngumiti nang mapang-asar.

" W-wait nga. U-umayos nga kayo."- Nauutal na sabi ni Chelsea. Bakas sa muka nya ang pag ka gulat.

No! Hindi pwede. Hindi pwedeng wala lang akong gawin dito at panuorin sila tapos abangan kung ano ang mga susunod na pang yayari. Kung kaylangan maging kontrabida sa buhay nila, tatangapin ko. Dati nakong nag bulag-bulagan at tumahimik nung kay Chi pero ngayon ayoko na.

Hindi nako papayag na matalo at makuha na naman ang loob nang isa sa mga importante sa buhay ko.

" Christian! "- Sigaw ko na may kasamang ngiti. Naka maskara ako ngayon actually. Pinapakita ko na naka ngiti ako pero sa loob ko ay ang sakit. Ewan koba.

Nabaling ang atensyon nilang tatlo sakin kasama narin ang ibang mga studyanteng nanunuod. The hell i care?

Nag lakad ako papalapit sa gawi nila at saka ako kumapit sa braso ni Christian. Nakita ko na nagulat si Chelsea sa ginawa ko pero nginitian ko lang sya ng pilit. Sorry Chelsea, unang kita ko palang sayo alam kong mabait kana pero sorry talaga. Gusto ko kasi si Christian, at kung kaylangan kong agawin at maging kontrabida sa paningin mo? Okay lang. Tatanggapin ko.

" Ahh Christian, tara na? Sabay tayong pumunta sa canteen please. Libre kita! "- Hindi kona sya hinintay pang sumagot at agad ko syang hinila palayo sa pwesto ni Chelsea. Ang awkward dahil ang daming matang nakatingin sakin. Tsss.

From now on, dapat lagi ko nang kasama si Christian para mawala ang atensyon nya kay Chelsea at shempre kapag nag work yun, posibleng mabaling ang atensyon nya sakin gaya ng dati at pwede ring malipat ang feelings nya para kay Chelsea at mapupunta sakin.
Minsan nakong naagawan ng pwesto at ngayon, hindi ko na hahayaan pang may umagaw pa. Selfish na kung selfish, pero ano magagawa ko?











The Past and The Present [ Completed/Unedited ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon