Chapter 57 and 58: SIDESTORY

594 24 0
                                    






CHAPTER 57 and 58



CHAPTER 57: Boy's Talk


Kyle & Grashella CHAPTER



-Kyle's POV-






" Pre, pwede bang mag usap tayo? "- Napalingon ako sa likuran ko nang may narinig akong nag salita.

" Pre, pwede bang mag usap tayo? "- Napalingon ako sa likuran ko nang may narinig akong nag salita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


" Bakit? Ano ba pag uuspan natin? "-Tanong ko kay Louie.
Nasa tapat na'ko ng gate nang bigla nya akong tawagin.


" Marami. Marami akong gustong tanungin at sabihin. "- Seryosong saad nya.

" Saan ba? "- Tanong ko. Sa halip na sagutin nya ako ay nag signal nalang sya na sundan ko sya.

Nag tuloy-tuloy lang kami sa pag lalakad hanggang sa nakarating kami sa kanto malayo ng konti sa skwelahan.

Huminto sya sa pag lalakad kaya huminito narin ako. Lumingon sya sakin at nabigla ako nung bigla nya akong suntukin sa muka. T@ng*na mukang alam ko na kung san pupunta to.

Hinawakan ko ang panga ko at saka ginalaw-galaw dahil aaminin ko na masysadong malakas ang bira nya sa muka ko.

" Ano gusto mo pa ng isa? Sabihin mo para magising ka."- Walang emosyon nyang sabi.

" Tss. Ano ba sasabihin mo? Diretsuhin mo na'ko. "- Sabi ko pa.

" Pre, ayusin mo yang sarili mo. Hindi porque nasaktan ka ng isang babae, gagawin mo ng g@go yang sarili mo. Umayos ka Kyle."- Bakas sa muka nya ang pag kaka galit o inis sakin.

" At isa pa, below the belt na yung nasabi mo kay Grashella nuon. Ano bang nangyari sayo? "- Tanong pa nya.

" Tinatanong mo pa kung ano nangyari sakin? T@ng*a pre, nasaktan lang naman ako ng isang babae. Nag paka martyr lang naman ako sa kanya. "- Bulyaw ko sa kanya.

" Nang dahil lang sa kanya, nag bago kana? Lumayo kana rin sa barkada? "- Inis na sabi nya.

Umiwas nalang ako ng tingin dahil di ko alam kung ano ang isasagot ko.


" Kyle. Ayusin mo yang sarili mo. Ibalik mo yang dating ikaw dahil di namin gusto yang ugali mo ngayon. At ayusin mo yung gusot na ginawa mo. Kausapin mo rin si Grashella dahil di maganda ang mga sinabi mo sa kanya."-Saka nya ako nilapitan.


" Kung kaibigan lang talaga ang tingin nya sayo, tanggapin mo na hindi yung gagawin mo pang g@go yang sarili mo. Isa pa, sana bukas bumalik na yung Kyle na kilala namin dahil ayoko sa Kyle na sira ulo ngayon at yung kaharap at kausap ko. "- Then tinapik nya ko sa balikat bago umalis.

Natulala lang ako sa mga sinumbat nya sakin. Walang lumabas sa bibig ko.

Sh*t! Bakit parang nasaktan ako sa mga sinumbat nya sakin? Oo tama sya pero... p*ta!

The Past and The Present [ Completed/Unedited ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon