Chapter 48: Suitor

910 39 0
                                    






CHAPTER 48











-Oliver's POV-










" Una na'ko."- Paalam ko sa kuya ko habang umiinom sya ng kape.





" Oh ang aga mo naman ata? 6:30 palang naman ah. Tsaka di kapa sumusubo aalis kana agad?"- Takhang tanong nya. Pero tinanguan ko nalang sya bago ako tuluyang lumabas ng bahay.





Nakasalubong ko pa si---yung matandang lalake na sa pintuan at mukang galing sya sa labas. Napansin ko rin na may dala syang supot at may lamang pandisal.



" Oh anak, aga mo naman? Kumain kana ba? "- Tanong nya. Pero hindi kona sya sinagot at nilagpasan nalang sya. Bastos ba? Tsss, gantihan lang. Ginawa ko lang yung ginagawa nya sakin dati.

Tinignan ko yung relo ko at 6:33 am palang nang umaga. Huminga ako ng malalim bago ako tuluyang makalayo sa bahay namin.









" Tsk. Putek."- Sabi ko sa sarili ko. T@ngn*, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at pupuntahan ko yung maingay na babae sa bahay nila ngayon-- mas malinaw siguro kung sasabihin kona sa inyo kung ano talaga ang pakay ko.






Aakyat ako ng ligaw.




Sh*t! Corny putek! Ako ba talaga to?!
Ni hindi nga pumasok sa isip ko na liligawan yun tapos ano ginagawa ko ngayon?!

Huminto ako sa pag lalakad nang biglang kumulo ang sikmura ko. Hindi nga pala ako kumakain pa.
Nag hanap ako ng malapit na tindahan at may nakita naman agad ako. Agad akong pumunta ruon at saka bumili ng isang biscuit at bumili narin ako ng mineral water.


Nang nakabili nako ay nag patuloy nako sa pag lalakad habang kinakain yung binili ko. Sh*t kinakabahan ako sa gagawin ko. Talaga bang liligawan kona yun? Napadiin ang hawak ko sa biscuit na kinakain ko. Tsk. Mas kinakabahan ako sa magiging reaction nang mga kasama nya sa bahay. Mag papa alam kasi ako sa kanila na liligawan ko yung maingay nayun.

Bigla ko tuloy naalala nung nasa Star City kami. Tsss. Si Ashley pala ang gumagawa nang bagay nayun? Hindi ko lubos na maisip na kaya nyang gawin yun?







=FLASHBACK=








" Christian wait lang ha? "- Paalam ni Ashley.



" Saan punta mo? "- Tanong ko.




" Ha? Ahhh dyan lang. W-wait mo nalang ako. Saglit lang."- Saka sya nag lakad palayo. Nag tataka nako sa kinikilos nya. Kanina pa sya ganyan at parang hindi mapakali sa isang tabi. Sinundan ko sya ng tingin at mukang may hinahanap tapos bigla nalang syang nawala sa paningin ko dahil lumiko sya. Dahil sa na wiwirduhan nako sakanya ay agad rin akong umalis sa pwesto na kinatatayuan ko at saka sya sinundan.

The Past and The Present [ Completed/Unedited ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon