EDITED
CHAPTER 2
-Chelsea's PoV-
Christian Oliver Fernandez. Iyan ang full name nya at doon ko nasiguradong sya nga si Christian. Ang childhood friend ko pero base sa pagpapakilala nya kanina, ibang-iba sya sa kababata ko. Ang laki ng pagkakaiba nilang dalawa.
Mula sa kinauupan ko, tumingin ako sa pwesto nya. Tahimik lang syang naka dukdok sa mesa at nakapikit ang mga mata. Yung mga classmates ko, kaniya-kaniya na sila ng hanap ng mga kaibigan pero sya, parang walang paki alam. Hindi naman sya ganyan dati. Friendly sya at laging may ngiti sa mukha. Pero kanina, parang wala syang buhay. Para syang zombie na hindi mo malaman.
Napabuntong hininga ako at naglakas loob na tumayo ako at naglakad palapit sa pwesto nya. Kanina pa walang dumadating na teacher at hindi na yun bago saamin dahil unang araw pa lang naman ito.
Walang naka upo sa table na nasa harap nya kaya doon ako naupo at kinalabit sya. " Christian? " walang sagot pero gumalaw sya at binaling sa kabilang pwesto ang ulo nya.
Tumikhim ako bago ulit nag salita. " Uy ako 'to si Chelsea. Hindi mo na ako naalala? " dedma ulit. Nice talking.
" Snob ka na Christian ah? Hindi mo man lang ba ako na miss? Kasi ako oo, na miss kita. Ang tagal mo rin kayang nawala. Ni di ka man lang nagpaalam saakin o nagsabi na lilipat na pala kayo ng bahay. Ang unfair mo, " nagulat ako nang bigla syang dumilat at inangat ang tingin saakin.
" Sino ka ba? " Napakurap ako.
" Ha? Anong sinasabi mo--"
" Hindi kita kilala kaya kung pwede, umalis ka muna sa harap ko. " sa lamig ng boses nya, pakiramdam ko nag yelo na ako sa pwesto ko.
" O-okay sorry, " napakagat ako sa ibabang labi ko bago ako tumayo at bumalik sa upuan ko.
Ano 'yon? Bakit ganon? Sigurado naman akong si Christian 'yon kaya paanong hindi nya ako maalala? Tsaka bakit ba ang sungit nya?
Nilingon ko ulit sya. Hindi kaya may kakambal si Christian? Okaya baka maligno 'to? Impostor? Grabe, mababaliw ako sa kaiisip. Ang laki ng pinagbago nya! Pwede naman nya akong kausapin ng maayos, bakit kailangan ng ganon?
" Suplado. " Inalis ko ang tingin sa kaniya. Hindi nya ako kilala? Lokohin nya lelang nya! Ano sa tingin nya, maniniwala ako? Bahala sya. Di ko rin sya papansinin. Magkalimutan na.
***
" Chelsea, anong english ng well? " napalingon ako sa likuran ko nang marinig ang boses ni Christian.
" Bakit? "
" Basta sagutin mo, " kahit nagtataka, sumagot nalang ako sa kaniya.
" Well. " ngumiti sya.
" Eh ng balong malalim? " kumunot noo ko.
" Deep well? "
" Very well, " at sinabayan nya nang malakas na tawa.
Wala sa sarili akong napangiti nang maalala ang joke ni Christian saakin non. Akala ko kung anong seryoso ang sasabihin nya, mag j-joke lang pala sya. Napaka masayahin nya noon habang ako ay ilag sa tao. Ewan ko, mahiyain kasi ako noon peri ngayon, wala na ako sa stage na 'yon. Nilabanan ko na ang hiya ko at lumabas na ako sa kahon na pinagtataguan ko. Na realized ko kasing walang mangyayari saakin kung puro hiya ang paiiralin ko. Sa una hindi ako sanay pa makipag usap sa iba pero habang tumatagal nasasanay na ako at napapansin ko rin sa sarili ko na nagiging maingay na ako. Kabaliktaran naman kay Christian dahil kung gaano kaliwanag ang mukha nya noon, madilim naman ang aura nya ngayon.
Nilibot ng mata ko ang buong canteen at halos lahat ng mga nasa paligid ko, may mga ka grupo. Ako lang ata ang wala pa. Paano kasi, mag damag na kay Christian ang atensyon ko. Nawala sa isip ko na kailangan ko rin makipag friends sa iba para naman maging mas masaya ang high school life ko.
" Paupo. " Napatingin ako sa harapan nang marinig ko ang pamilyar na boses.
" Christian..." binaba nya yung tray na dala nya saka sya naupo.
Tumingin sya saakin. " Oliver. Iyon ang itawag mo saakin. "
" Second name mo? Eh diba dati ayaw mong Oliver ang itawag sayo? Christian ang gusto mong-"
" Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ako 'yon? " natigilan ako. Ano bang sinasabi nito?
" Naguguluhan ako sayo. Bakit ba nagkakaganyan ka? "
" Bakit di mo itanong sa sarili mo? " sa sinabi nya, bigla akong may naalala.
" Matagal na 'yon. Hindi ko rin naman sinasadyang sabihin yung bagay nayon. "
" Hindi sinasadya? Nagpapatawa ka ba? Sa bibig mo mismo lumabas tapos hindi sinasadya? "
" Christian--"
" Oliver. Hindi ko kilala 'yan Christian na sinasabi mo. " ramdam ko ang lamig sa boses nya. Tama sya, mukhang hindi ko na rin kilala ang taong nasa harap ko ngayon.
" Ang laki ng pinagbago mo. " bulong ko. Hindi ko maiwasang malungkot. Nakakainis. Bakit ba sya naging ganito?
" Christian--" nagulat ako nang bigla syang tumayo at dinala ang tray nya. Walang sabi-sabi, umalis na sya sa table namin.
Napabuntong hininga ako at pinagpatuloy na lang ang pagkain ko. Ang pangit naman ng first day of school ko.
***
Uwian na namin. Wala naman kaming masyadong ginawa pero bakit feeling ko pagod na pagod ang utak ko? Gusto ko na lang humiga sa kama ko at matulog. Grabe, si Christian kasi eh. Ayaw nyang tawagin syang Christian dahil Oliver na lang daw. Ang arte naman nya. Akala mo kung sino kanina. Napaka snob nya at napaka suplado.
Sa inis ko, sinipa ko yung manipis na sanga ng puno na nakita ko sa daanan ko. Lumipad ito sa ere at bumagsak sa taong nakatayo sa isang puno.
Teka, si Christian pala 'yon. Anong ginagawa nya sa puno? H'wag nyang sabihin na umiihi sya dyan? Kailan pa sya natutong umihi sa ganyang lugar? Ay nako, di ko na sya kilala!
Sa halip na pansinin ko sya, nagkunwari na lang akong hindi sya nakita. Tuloy-tuloy ako sa paglalakad pero yung mga mata ko, kusang gumalaw para tignan ang pwesto nya. Chelsea, magkaka guliti ka nyan sa ginagawa mo.
" Naalala mo 'to? " Napahinto ako sa paglalakad nang marinig syang magsalita.
" H-ha? Ako ba kinakausap mo? " tanong ko. Nilingon nya ako at bahagyang umatras. Sa ginawa nya, doon ko napagtanto kung saan puno sya nakatayo.
Lumakad ako at sa paglapit ko sakaniya, doon ko nakita ang pangalan naming dalawa na naka ukit sa katawan ng puno. Kusang nag flashback saakin ang lahat ng pinagsamahan namin noon. Kung paano at saan kami unang nagkita.
Itong puno na'to ang naging saksi sa pagkikita naming dalawa at hindi ko akalain na magkikita ulit kami dito pero ibang-iba na ang set-up naming dalawa. Bumalik ito sa dati na parang hindi namin kilala ang isa't-isa.
---
BINABASA MO ANG
The Past and The Present [ Completed/Unedited ]
FanficThe Past and the Present Genre:Fan Fiction ( PAST ) Si Guy, Makulet,Palabiro at masayahing bata noon. Habang si Girl naman ay mahinhin, mahiyain at napaka tahimik noon. ( PRESENT ) Pero ngayon. Si Guy ay tahimik, walang paki alam sa mga nakapali...