Chapter 60: His Side

814 28 0
                                    









CHAPTER 60








-Chelsea's POV-





" Huwaaat?! Seryoso ka?! "- Gulat na sigaw saakin nina Jerica at Grashella. Monday na ngayon at shempre may pasok na. Nandito kami sa room namin. Si Clarence at si Alex ay wala pa.




" Hmmm. Hindi nga rin ako makapaniwala."- Sagot ko. Naikuwento ko na kasi sa kanila yung sinabi sakin ni Jocel sa 7-11 kahapon. Halos di na nga ako makatulog kagabi dahil sa mga nalaman ko. 



Masakit sakin lahat. Itinuri ko narin kasing kaibigan si Ashley tapos malalaman ko na lang na hindi pala ganun ang tingin nya sa'kin.




" Grabe Chelsea. Seryoso talaga? Si Ashley na mahinhin at mala anghel ay isa palang bruhilda? Like what the fvck? Ano yun? Pinaplastic nya na pala tayo simula una? "- Bakas sa muka ni Jerica ang pag kairita sa nalaman nya.



" Tama ka. Kaya ba hindi na sya sumasama satin sumasama? Tsk. Hindi ko aakalain na ganun pala sya? Wala kasi sa itsura nya."- Dag-dag pa ni Grashella. Napabuntong hininga nalang ako. Pano kaya kung harapin ko si Ashley at tanungin kung bakit nya ginawa sakin yun?




" Uyy guys! Guys! Anyare sa mga muka nyo? "- Napalingon kami sa nag salita at si Alex pala na kararating lang.



" Haay nako akala namin hindi ka na papasok. Marami kaming iku-kwento sayo tungkol kay Ashley. Tara dito."- Aya ni Jerica kay Alex saka nag hila sya ng isang upuan sa kung saan at nilagay sa pwesto namin.



" Ay oo nga pala, speaking of Ashley. Chelsea? Anyare sa inyo ni Oliver? Tsaka bakit kasama nya si Ashley na pumasok ngayon? Diba dapat ikaw? "- Takhang tanong ni Alex na kinalingon naman nila Grashella at Jerica sakin. Hindi pa nga pala nila alam.


" Wala na. Tumigil na sya. Nung time na sinagot ko sya, nakipag break din agad."- Sagot ko. Napadiin nalang tuloy ang hawak ko sa nilalaro kong ballpen. Okay Chelsea, huwag ka ng umiyak. Tama na.



" Ha?! Abah! Bakit? Ang bilis naman?! "- Iritang sabi ni Jerica pati narin nung dalawa. Hindi ko naman sila masisisi dahil naiintindihan ko sila.

The Past and The Present [ Completed/Unedited ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon