Special Chapter ( part 2 )

1.4K 34 15
                                    






Special Chapter (part 2)





-Oliver's POV-



Valentines Day? Wala akong paki alam dyan dati. Para saakin, isa lang yan ordinaryong araw. Wala pinagkaka abalahan at tanging pag hinga lang ang iniisip ko.



Pero ngayon? Iba na. Busy ako sa kaiisip kung ano mangyayari sa valentines day na kasama sya. Iniisip ko kung ano ang bagay na pwedeng ibigay ko sa kanya.

Sinabi ko sa sarili ko, magiging perfect ang araw na'to para sakanya. Para saaming dalawa.

Pero iba ang nangyari ngayon. Hindi ko inasahan na ang babaeng dapat pasasayahin ko, ay sya pa ang sisira ng araw ko---ang sisira ng mood ko.


Ano mararamdaman mo kung yung tao na hinihintay mo ng isang oras, ay makikita mong may kasamang iba? Nakaka gago lang diba? Ilang beses ko syang tinetext at tinatawagan pero hindi sya sumasagot. Busy kasi sya sa gagong lalakeng kasama nya kanina. Kung hindi pa ako bumaba ng second floor kanina, hindi ko sila makikita. Gusto kong basagin ang mukha nung lalakeng kasama nya pero nag pipigil lang ako dahil ayokong gumawa ng gulo sa loob ng mall.


So ano ginawa ko? Sumandal sa pader at pinag masdan silang dalawa na nag uusap hanggang sa natapos at umalis na yung lalake. Nakita ko rin ang eksena na may sumampal sa lalake na babae kanina. Kung nasa mood ako nun, malamang pinasalamatan ko yung babae.


Pero alam nyo yung nakaka init talaga ng ulo? Yung akala mo mag i-explain sya sayo pero hindi. Sya pa nga ang galit kaysa saakin. T@ngina, ang saya ng araw na'to. Sobra.




Kumuha ako ng isang baso at nilagyan ng tubig para inumin 'to. Idadaan ko nalang siguro sa tulog ang pag ka bad trip ko ngayon. Bukas ko nalang siguro pag papaliwanagin si Chelsea at baka maintindihan ko ang sasabihin nya. Dahil kung ngayon sya mag papaliwanag, baka kung ano pa masabi ko dahil wala ako sa mood ngayon.


Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko saka pumasok. Kahit papaano malinis parin naman pala ang kwartong iniwanan ko.



Ilang linggo narin pala akong hindi nakaka punta dito sa apartment. Medyo nag kaka ayos narin kasi kami ni Papa kaya madalas na akong umuuwi ng bahay kaysa dito. Matagal na akong nangungupahan. Ano dahilan? Yun ay dahil ayokong umuwi sa sarili naming bahay, ayokong makasama si Papa nuon. Pero dahil nag kaka ayos na kami, sa bahay na ako madalas umuwi at minsan nalang ako pumunta dito kapag naisipan.

Tinanggal ko na ang earphone na kanina pa naka lagay sa tenga ko. Wala na akong naiintindihan na kanta simula kanina. Masyadong magulo ang isip ko at mas lalo lang yatang gumugulo dahil sa kanta na napapakinggan ko.


Hinagis ko sa kama yung cellphone at earphone ko. Hinubad ko ang T-shirt at pans na suot ko para mag palit dahil mainit dito sa kwarto. Tanging boxer short nalang ang suot ko ngayon.

The Past and The Present [ Completed/Unedited ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon