Chapter 50: F4

813 32 0
                                    







CHAPTER 50





-Chelsea's POV-




Today is hell day---- I mean tuesday.
Nakahiga parin ako sa kama ko habang nakatingin sa kisame. Hindi ko alam kung papasok ako ngayon. Masama parin kasi ang loob ko sa mga kaibigan ko. Well, hindi naman masama. Nag tatampo lang pala ako.

Simula kasi nung mga nag silayas sila kahapon sa canteen at iniwan kami ni Louie na naka tunganga ay hindi na talaga sila mga nag sibalik. Mukang mga umiiwas sila sa mga posibleng maging topic. Kaya ayun, mag hapon ko silang dinededma sa room. Tapos nung uwian naman ay di ko parin sila pinapansin at nauna akong umuwi.

Si Oliver naman ay hindi ko alam kung may toyo sa utak dahil hindi na sya nag pakita after nung recess, kaya na cutting sya sa attendance. Mukang nagalit ata sakin eh. Pero naiintindihan ko naman, sabihin ko raw ba kasi na hindi naging maganda ang pag sama namin sa field trip dahil nga sa mga weird na kinikilos ng mga kaibigan ko? Tss, sinong di maiinis dun diba? Kasi yung time rin nayun ay kinausap nga ako ni Oliver at liligawan raw nya ako. So para ko naring sinabi na hindi ko gusto na ligawan nya ako? Gets nyo ba yung point ko? Aysh! Feeling ko mababaliw nako. Bakit ko ba kasi sinabi yung bagay nayun?








*Tok Tok Tok*






Napalingon ako sa pinto nung may narinig akong kumatok. Bumangon ako sa pag kahiga at nag lakad sako ko pinihit ang doorknob para mabuksan yung pinto.






" Iha? Bakit di kapa gumagayak? Hindi kaba papasok? "- Takhang tanong ni lola.




" Ahm hindi po lola. Masama po pakiramdam ko eh."- Pag sisinungaling ko. Tinignan ko yung wall clock na naka sabit at 7:30 na pala, so wala rin kung gagayak ako ngayon dahil male-late rin ako.





" Nako ganun ba? Uminom kana muna kaya ng gamot? Ano ba masakit sayo? "- Pag aalalang tanong ni lola. Shems! Nakunsensya tuloy ako.





" Uh yung ulo ko lang po. Mamaya nalang po ako iinom."- Nakangiti kong saad.






" Oh sige, mag pahinga kana muna dyan. Bababa na ako at sasabihin ko nalang sa kanya na hindi ka makakapasok."- Saka tumalikod si lola at akma na sanang mag lalakad para makababa ng hagdan ng hawakan ko braso nya.






" Wait lang po la. Sino pong sasabihan nyo? "-Kunot noo kong tanong.






" Ahh si... ano nga ba ngalan nun? Yung manliligaw mo? "- Nanlaki ang mata ko sa sagot ni lola. Gosh! Si Oliver nandito?




" Ah wait lang po lola. "- Sabi ko then pinalitan ko yung suot kong sando ng t-shirt bago bumaba. Takte! Anong ginagawa nya dito? Galit sya sakin diba?






Bumaba na kami ng hagdan ni lola at nung pag kababa ay nakita ko si Oliver na naka upo sa supa namin. Nung nakita nya kami ay tumayo sya.



" Ba-bakit ka nandito?/Bakit di kapa naka gayak? "- sabay naming sabi. Naramdaman ko naman tinapik ako ni lola na parang sumenyas sya na aalis muna sya. Tumango nalang ako bilang sagot. Nung naka alis na sya ay lumapit ako sa harap ni Oliver.






" Anong ginagawa mo dito? "- Tanong ko.





" Malamang sinusundo ka."- Seryosong sagot nya.





" Bakit di kapa naka bihis? "- Tanong naman nya.






" Naka bihis ako."- Pamimilosopo ko. Naka damit kaya ako. =___=






The Past and The Present [ Completed/Unedited ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon