Special Chapter ( part 1 )

1.1K 24 8
                                    





Basahin nyo po yung author's note sa ibaba. May announcement ako hihi





Special Chapter (part 1)

-Chelsea's POV-



Kapag may usapan ang babae at lalake na mag kikita sila sa isang lugar. Laging lalake ang nauuna para hintayin ang babae. Pero kung trip ng babae na mauna sya ng ilang minuto, ay malamang excited yun.

Kasi ako? Nauna akong dumating sa lugar kung saan kami mag kikita at aaminin ko na excited ako. Excited ako na makita at makasama sya ng mag damag. Today is February 14 at lahat tayo ay alam kung ano meron sa araw na'to. Valentines Day! Mag lalabasan ang mga couples at lalabas rin ang mga bitter.

Exactly 10 am ang usapan namin ni Oliver at dumating ako dito sa mall ng 9:40 am. At hulaan nyo kung anong oras na ngayon?





10:30 am.



10:30 na mga bess pero wala pa sya! Kaya ito ako ngayon naka upo mag isa, parang kawawa na nag hihintay sakanya. Hindi ko naman sya maitext dahil naiwan ko yung cellphone ko sa kwarto ko. Ni-full charge ko pa yun kanina pero hindi ko naman nadala. Oha? Sino ang tanga?



" Bwisit, ang tagal naman nun. "-Bulong ko. Kapag 11 na at wala pa sya, uuwi na ako. Ngayon ko pa naman sya balak sagutin. Yes, ngayong araw ko na sana sya sasagutin sa panliligaw nya ang kaso, asaan yung mokong? Wala pa diba? Okay lang naman saakin na mag hintay ng 10 minutes pero grabe naman yung 30 minutes. Abuso na'yon oy!

Bumuntong hininga ako at binalik ko nalang ulit ang pansin ko sa mga tao dito sa loob nung mall. Daming mga couples sa tabi-tabi, mga magkakaibigan, at ilang grupo ng pamilya. Haayss, namiss ko tuloy sina Lola at Lolo.

" Miss, paupo lang saglit ha? "-Nabaling ang tingin ko sa lalakeng biglang umupo sa tabi ko. Mukha syang natataranta at hindi mapakali dahil lingon sya ng lingon sa paligid. Hindi naman sya mukhang holdaper or what dahil base sa itsura nya, para syang artista. Tsaka sa tingin ko mag ka age lang kami.

" Kaasar naman takte. "-Rinig kong bulong nya. Hindi ko sinasadyang mapatingin ng matagal sakanya at dahil sa ginawa ko na'yon ay parang naging familiar yung mukha nya. Teka, may nakita na akong ganyang mukha dati eh. Saan nga ha?

" Miss ganda, pwedeng favor? "-Napakurap ako ng dalawang beses nang bigla nya akong tanungin. Miss ganda ha? Feeling close at nang uto pa.

" Ahm ano? "-Tanong ko. Familiar talaga yung mukha nya eh.

" Pwedeng mag panggap ka bilang girlfriend ko? Ngayon lang oh. Kaylangan lang talaga."-Napataas ang isang kilay ko sa sinabi nya. Ano?! Ako? Mag panggap bilang girlfriend nya?

" Ha? Te-teka bakit? Tsaka wag ako uy. Ang dami dyan na pwede oh. "-Sabay turo ko sa mga girl na nasa paligid.

" Wala ng oras para mag hanap pa. Ngayon lang talaga or baka naman gusto mo ng pang matagalan na? "-Tanong nya. What the heck! Baliw ba itong lalake na'to?

" Asa ka naman. Mag hanap ka nalang ng iba dyang pag ti-tripan. "-Sabi ko sakanya. Bumuntong hininga sya at napakamot ng ulo.

" Ikaw nalang nga. Tutal ayan kana tsaka ngayon lang nga sabi---takte ayan na sya. Miss, ngayon lang 'to promise. "-Natatarantang sabi nito. Para syang takot na takot na ewan. Jusko, nananahimik lang ako dito tapos may ganitong magaganap?

" Mag ready kana. "-Bulong nya. Napa buntong hininga nalang rin ako. Pag bigyan na nga tutal ngayon lang naman raw.

" Yung babaeng naka pink na dress at mahaba yung buhok. Ako ang target nya so makisakay ka nalang sa mga sasabihin ko. "-Bulong nito. Hinanap ko ang sinasabi nya at nakita kong may papalapit dito na babaeng naka pink dress. Hindi ko masasabing maganda sya dahil sobrang kapal ng makeup nya.

The Past and The Present [ Completed/Unedited ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon