Chapter 70 and 71: SIDESTORY

672 27 2
                                    






CHAPTER 70 and 71



CHAPTER 70: Ulitin o Baguhin?




Kyle & Grashella CHAPTER



-Grashella's POV-




Pailing-iling ako habang pinipigilan kong mangiti. Grabe yung mga narinig namin sa kwarto. Nakakapangilabot. Akalain mo nga naman na yung parang daga at pusa na kapag nagkita ay nag kakainitan na tapos malalaman lang namin ngayon na may gusto pala silang dalawa sa isa't-isa? How nice. Iba talaga nagagawa ng pag-ibig.



" Sh*t. Hindi ko kinaya yung narinig ko kanina. Hahaha! "-Natatawang sabi ni Louie nung nakalabas na kami mula sa loob. Pagkatapos kasi nung pag uusap nila at sa kasamaang palad ay nahuli kami na nakikinig ay dumeretso nalang kami dito sa likod. Apat kaming magkakasama kanina sa loob. Ako, si Alex, si Louie at si Jack.


Pano ba naman kasi ay nasa kusina kami kanina at naririnig namin na nag sisigawan yung dalawa kaya na curious kami at lumapit kami sa pinto then ayun, duon kami nakinig. Hindi naman namin narinig lahat eh. Sayang.


" Oh bat nakangiti kayong apat? Anyare? "-curious na tanong ni Chelsea nung nakarating na kami sa gawi nila. Tapos na pala sila mag ihaw ng hotdogs.


" Wala naman. Hahaha! "-Natatawang sabi ni Alex. Napangiwi naman si Chelsea.


" Uy ikaw Jack? Anyare ba? Kwento naman oh. "-Baling ni Chelsea kay Jack. Kahit natatawa ay sumagot si Jack.


" Ahhm. Hahaha! Kasi---pffft. Ano. Hehe. "-Sumagot nga kaso di matuloy yung sasabihin. Si Louie ay umalis dahil tinawag ni... Ni Kyle.



" Ay nako sige. Naintindihan ko kayo. Oh andyan na pala sila Jerica kasama si Bryan? Teka? Close na sila? "-Takhang tanong ni Chelsea kaya napalingon kami sa likod. Papunta sila sa gawi namin. Si Bryan ay daldal ng daldal habang si Jerica ay ang sama ng tingin samin. Oh shet, patay na



" Nasa kanila ang sagot. "-Sabi ko saka ko sya nilampasan dahil nararamdaman ko ang black aura kay Jerica.


" Guys luto na, kain natayo para makapag babad natayo sa pool! "- Biglang sigaw ni Ashley na inihahanda na ang mga pinggan sa lamesa. Mga excited na nag siupo ang lahat sa upuan at nag kanya-kanya na sila ng sandok ng kanin.



" Teka kulang ng pinggan. Wala ako."-Sabi ko sa kanila.

The Past and The Present [ Completed/Unedited ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon