Chapter 40: Unregistered Number

819 35 1
                                    







CHAPTER 40





-Chelsea's POV-




Nakatitig lang kami sa isa't-isa ni Oliver. Yung mga mata nyang nakatitig sakin ay kakaiba. Hindi ko ma explain eh. Ang hirap ipaliwanag. Nabigla ako nang haplusin nya ang pisngi ko.




" Chelsea."- Tawag nya sa pangalan ko. Shet! Hindi ko alam kung nag aakit ba tong lalake na to o ano eh.



" Chelsea"- May biglang tumawag sa likuran ko kaya't napalingon ako. Si Ian.



" Mamili ka. Sya o ako."- Seryosong tanong ni Ian na kinabigla ko
What the hell? A-ano bang tong nangyayari?




" Hoyyy! Bata! Anong oras na! "- May bigla nalang umepal na boses mula kung saan. Napadilat tuloy yung mata ko. Shesh! Panaginip lang pala. Akala ko totoo na!



" Tulog mantika ka na naman. Bumangon kana nga! "- Sigaw nang magaling kong kuya. Tumagilid naman ako ng higa at nag taklob ng kumot. Sabado naman ngayon ah! Wala naman kaming pasok eh. 



" Tsk. Inaantok pa ako."- Sabi ko kay Kuya. Pero mukang walang narinig dahil hinampas ako ng unan sa ulo. Tae! Pag naalog yung utak ko!



" Bumangon kana dyan! Walang tao sa bahay! Wala dito sila lola at lolo. Papasok ako kaya ikaw lang ang maiiwan sa bahay."- Rinig kong sabi nya. Bumangon na ako. Baka umiyak pa to.


" San sila nag punta? "- Tanong ko saka ako hikab. Tinignan ko yung wall at 9:20 na pala.



" Mag hilamos kanga! Para kang hindi babae."- Sabi sakin ni Kuya.




" Sus. Maya na nga. Pero saan nga sila nag punta kuya? "- Tanong ko. Sinabi naman nya na nag date raw sina lolo at lola. Una ayoko pang maniwala dahil di naman talaga kapani-paniwala pero bandang huli ay naniwala nako. Anniversary pala nila ngayon kaya nag date. Haaay nag pi- feeling teen ager ata sila. Pero bayaan na. Matanda na eh, kaya pag bigyan. Lol!



" Sige pasok nako. Ma le-late pako nang dahil sayo. Kung aalis ka nang bahay, siguraduhin mo na naka lock yang pinto at yung mga naka saksak bunutin mo."- Paalala naman sakin ni Kuya. Ang daming alam!

The Past and The Present [ Completed/Unedited ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon