Chapter 53: Wala na

777 30 3
                                    






CHAPTER 53









-Ian's POV-








Nag lalakad kami ngayon sa corridor palabas ng school kasama ang apat na kabanda ko. Ala singko na mahigit pero ngayon palang kami uuwi. Nag pa-practice parin kasi kami para sa laban sa susunod na linggo. Nanalo kasi kami nung nakaraan kaya ito, lalaban pa kami sa ibang school.







" Buwiset nga kagabi eh. Nag lalaro ako ng LOL napaka log! Nang aasar yung katabi ko sa com shop. Nag yu-youtube pa ang putek."- Rinig kong sabi ni Lucas.





" G@g*, eh dat minura mo. Hina mo naman."- Sabi ni Bryan.





" Eh babae kaya yun. "- Sagot pa ni Lucas.




" Sus. Dapat nag parinig ka nalang. "- Sabat pa ni Gin.



" Oo nga tol. "- Dag-dag pa ni Ryan.


Maya-maya pa ay hindi ko na sila narinig na salita kaya napatingin ako.



" Bakit? "- Tanong ko sa kanila. Mga nakatingin kasi silang apat sakin.



" Kanina ka pa di umiimik pre. "- Sagot ni Lucas.

" Oo nga. Pansin ko rin na nitong mga nakaraang linggo, hindi kana dumadada madalas."- Sabat pani Bryan.


" Wala. Uso lang yun."- Walang gana kong sagot sa kanila. Tumango nalang sila at tinapik tapik pako sa balikat.


" Wag mong isipin yun, mahal ka nun."- Dag-dag ni Gin


" Tss. T@ng*na, mahal? Kalokohan."- Sabi ko sa kanila at naramdaman kong nanahimik sila at nag katinginan.

" Mukang alam ko na problema"- Sabi ni Lucas na sinang ayunan naman nila.



Hindi ko nalang sila pinansin. Taena, sa totoo lang masakit parin talaga. Nung nalaman kong nililigawan na nung Oliver si Chelsea ay araw-araw ata ay na ba-bad trip ako. Lalo na kapag nakikita ko silang sabay na pumapasok. Kahit iwasan ko na tignan at mapansin sila ay hindi ko magawa dahil nang aasar ata ang tadhana. Lagi ko silang nakikitang mag kasama peste.

Nung simula nung nalaman ko yun, ewan ko ba pero parang nanahimik ako bigla. Madalas akong napapag sabihan nung Mapeh teacher namin ( na nag ga-guide sa banda namin) dahil hindi ko maiayos ang pag tug-tog ko sa banda. Sa classroom rin hindi ako masyadong makapag focus. Taena lang! Kasalanan ko rin naman eh, ako kasi tong tanga na pilit inaamin sa sarili na may pag-asa pa ko sa kanya kahit wala naman talaga. Una palang alam ko ng busted na'ako pero di ko maalis sa sarili ko na umasa at humiling na ako nalang sana ang magustuhan nya.

Sa madaling salita. Hindi nya ako pina asa pero ako tong umasa. Bahala na, lalayo na ako at kakalimutan ko na lang siguro na nag ka gusto ako sa kanya.




The Past and The Present [ Completed/Unedited ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon