Chapter 59: Revelation

814 28 3
                                    






CHAPTER 59









-Chelsea's POV-









Tama ba ang naging desisyon ko?







Paulit-ulit ko na naririnig ang mga salitang yan sa isip ko. Feeling ko mali pero para sa kanya, tama ang ginawa ko.





" Arrgh, kaasar naman."- Tumagilid ako ng higa ko sa kama at pinang gigilan ang yakap kong unan.



Napaka martyr ni Ian. Kahit pauli-ulit na syang nasasaktan nang dahil sakin, patuloy parin syang lumalaban.

Ayokong gumamit ng tao para lang sa kapakanan ko pero pinilit talaga nya ako.

Matapos kasi nung pag hila ko kay Ian mula kayla Oliver ay hindi kami dumeretso sa school. Sa ibang lugar kami tumungo. Si Ian ang nag dala sakin, hindi ko alam kung saan ang lugar nayun pero gumaan ang pakiramdam ko matapos kong ilabas ang sama ng loob ko. Walang ibang tao duon kundi kami lang, kaya free akong mag wala at ngumawa ng ngumawa sa lugar nayon.

Kung itatanong nyo kung ano yung bumabagabag sakin. Well flashback tayo para malaman nyo.





=FLASHBACK=




Sa isang lugar na walang tao ako dinala ni Ian ngayon.


" A-anong ginagawa natin dito? Tsa-tsaka may pasok pa tayo ngayon. "- Kunot noo kong tanong kay Ian. Sa halip na sagutin nya ako ay lumapit nalang kami sa isang malaking puno at naupo sya, pinaupo narin nya ako. Damo naman yung inuupuan namin kaya no worries. Pero ano gagawin namin dito?


" Sige na. Ilabas mo na, ako lang naman makaka rinig at makaka kita."-Seryosong tanong nya. Huh? Ang gulo nya.


" Huh? W-wait. Hindi naman ako natatae Ian eh."- Naguguluhang sabi ko. Iyon kasi ang pag kaka intindi ko sa sinabi nya.



" H-hindi yun yung ibig kong sabihin. Tsk, nakuha mo pa talagang mag biro ha? "- Sabi pa nya.



" Eh naguguluhan ako eh. Ano ba kasi yun? "- Tanong ko pa.


The Past and The Present [ Completed/Unedited ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon