Chapter 3: FLASHBACK

4K 107 11
                                    


EDITED

CHAPTER 3

-Chelsea's PoV-

Nagsimula akong tumakbo nang unti-unting pumapatak ang ulan. Mataaas ang sikat ng araw nang umalis ako sa bahay kaya di ako nag abalang magdala ng payong. Hindi ko naman akalain na aambon kaya wala akong choice kung hindi mag hanap ng masisilungan. May isang puno ang malapit sa gawi ko kaya doon ako sumilong muna. H'wag naman sanang lumakas ito dahil siguradong mababasa ako.

" Asar wala akong payong. " Napatingin ako sa gilid ko nang may magsalita. Saktong napatingin din sya gawi ko. Awkward akong ngumiti at ganon rin sya. Base sa school uniform nya, mukhang pareho kami ng pinapasukang skwelahan.

" Late na tayo, " biglang sabi nya.

" K-kaya nga eh. " sagot ko. Hindi kami magkakilala at ngayon ko lang din sya nakita.

" Takbuhin na kaya natin? " suggest nya pero agad akong umiling.

" Ayoko. Ang layo pa eh. Tsaka baka lumakas. " tumawa sya at hindi ko alam kung bakit may kakaiba akong naramdaman sa tawa nya.

" H'wag kang mag alala hindi naman yan lalakas. Kaysa mag hintay ka dito, edi mas lalo kang ma l-late. Isa pa, mas okay ng may kasama kang mapagalitan sa school  kaysa mag isa kang pagalitan. Nakakahiya 'yon. "

Bigla akong napa isip sa sinabi nya.

" O-okay pero--" hindi na nya ako hinintay pang magsalita dahil agad nyang hinila ang kamay ko ay sabay kaming tumakbo.



Napangiti ako nang maalala ang una naming pagkikita. Hindi pa namin kilala ang isa't-isa nung araw nayon pero mabilis kaming nagkapalagayan ng loob at naging mag kaibigan. Masaya syang kasama at sobrang kulit nya. Hindi lumilipas ang araw na hindi ako tumatawa kasama sya. Lagi rin syang naka ngiti at mahahawa ka sa pagiging masiyahin nyang tao. Kaso nagbago lahat ng yon dahil sa isang pagkakamali ko.


" B-bakit mo ba ako sinusundan? " naglakas loob akong harapin ang taong kanina pa sumusunod saakin. Hindi ko sya kilala at iba rin ang school uniform nya.

" Ah eh pwede mahingi number mo? " Napakunot ako ng noo pero imbis na sagutin sya, tumalikod na lang ulit ako at muling nagpatuloy sa paglalakad.

" Miss teka kausapin mo naman ako. Number mo lang naman ang hinihingi ko eh. Ang sungit mo naman. " Napahigpit ang kapit ko sa bag.

" Sorry pero hindi ko ibibigay sayo ang number ko. Hindi kita kilala, " nagulat ako nang humarang sya sa harap ko.

" Dali na h'wag kang KJ, " sinubukan nya akong hawakan pero umatras ako. Malakas ang kabog ng dibdib ko pero ayokong ipahalata sa kaniya na natatakot ako. Mas lalo lang lalakas ang loob nya kapag nakita nya.

" Ano bang problema mo? Sabi ng ayokong ibigay eh. "

" Aba ang tapang mo naman, " tatawa-tawang wika nya. " Number mo lang naman ang kinukuha ko hindi naman yang virgini--" isang malakas na sampal ang natanggap nya mula saakin.

" Bastos ka, " nanginginig ang kamay ko sa galit. Hindi ko akalain ma magagawa kong sumampal ng taong hindi ko kilala pero hindi ko rin akalain na mauuwi sa pang babastos ang ginagawa nya.

" Akala mo kung sinong Maria clara. Inosente ka pa kunwari.  " naiyukom ko ang kamao ko.

" Bastos ka. Hindi ko akalain na sa edad mong 'yan, nagagawa mo ang ganyan. Ibang klase ka. "

The Past and The Present [ Completed/Unedited ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon