Chapter 52: 3 Words

843 33 3
                                    








CHAPTER 52










-Chelsea's POV-








Nagising ako dahil naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko naman ito sa itaas ng unan ko at tinignan kung sinong tao ang nag istorbo ng ganitong oras. Tinignan ko yung bintana na nasa bandang gilid ko pero hindi pa naman masyadong maliwanag.



" Tsk. Istorbo naman nito."- Nakakunot noo kong tinignan ang cellphone ko at may one new message.






From: Mr.Antipatiko

Hey my princess. Good morning. Gising ka na?




Kung itatanong nyo kung sino yang Mr.Antipatiko, shempre yung manliligaw ko. The one and only. Mr. Christian Oliver Fernandez. =____=

So back to reality.  Nakita nyo yang message nya sakin? Ang sweet no?


Mwahaha! Shempre joke lang yan. Asa naman akong ganyan ang sasabihin nya sakin? Wala ata sa bokabularyo nya ang salitang sweet. 

So ito ang totoo nyang message.


From: Mr.Antipatiko.

Oy, gising ka na


Oha? Ang sweet nya diba? Kinikilig nga ako sa text nya eh. Pero wait, ang aga pa naman ah. Madilim pa sa labas oh.

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at kung pwede lang lumuwa ang mata ko, naluwa na.


" Shet! 7:15? What the? Baka mali lang ang oras nato? "- Gulat na sabi ko. 7:15? Ehh wala pa nga atang araw oh!

Chineck ko yung wall clock na naka sabit at boom! Shemay! 7:15 na nga!
Bakit di nag alarm to?!





" Aysshh! Takte."- Bumangon na ako sa kama ko at kinuha kona agad ang twalya na nakasabit sa likod ng pinto then dumeretso na ako sa banyo. What the hell! Bakit ganun? Anong oras na pala? Tae, baka hindi pa ako makapag almusal nito ah? Ang bagal ko pa namang kumilos.







FAST FORWARD...






Time check--> 7:45 am.

Di na ako nag suklay pa at agad na akong lumabas ng kwarto ko at bumaba. Ngayon alam ko na kung bakit madilim-dilim pa. Ber months na nga pala ngayon at bukas ay December 1 na. Ang bilis ng oras.


" Oh iha, ang tagal mo naman. Hindi ka pa nag susuklay ah. Tinanghali ka ng gising? "- Tanong ni lola nung na salubong ko sya.




" Ihh lola parang ganun na nga, di tumunog yung alarm clock ko eh. Si Oliver po ba? "- Tanong ko. Wala kasi sya sa supa kung saan ko sya laging nakikita kapag nakababa na'ako mula sa kwarto ko.



" Ah nag pa alam na lumabas. Baka nauna na? "- Sagot nito. Nanlumo tuloy ako narinig ko. Ugh! Na inip siguro. Kasalanan ko to eh.



" Sige po lola. Una na ho ako. "- Paalam ko. Pinigilan pa nya ako dahil di paraw ako kumakain ng umagahan pero sinabi ko na busog pa ako kahit di totoo. Ma le-late na kasi ako eh.

Lumabas na ako samin at nag simula ng mag lakad. Mamasahe na kaya ako? Tsk. Kasi naman ang layo pa ng kanto kung saan naka parada ang mga tricycle eh.


" Ay tipaklong! "- Nasabi ko nalang nang wala sa oras dahil may biglang humila ng bag ko paatras kaya muntik nakong mabuwal.



" Oy Oliver."- Banggit ko sa pangalan nya nung nalaman ko kung sino yung nang hila nayun.



The Past and The Present [ Completed/Unedited ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon