EDITED
CHAPTER 5
-Chelsea's PoV-
Kinabukasan, maaga na akong nagising kaya maaga na rin akong nakapasok. Takot ko ng ma late dahil balita ko, medyo may pagka terror ang first subject namin ngayon. Habang naglalakad ako sa hallway, nakita ko ang isang pamilyar na likod kaya agad akong tumakbo saka sya inakbayan.
" Good morning--ay sorry po. " Mabilis akong lumayo sa lalakeng napagkamalan ko. Bakas ang pagtataka sa mukha nya kaya mas lalo akong nag sorry. Unti-unti rin akong lumayo sa kaniya at pilit kong tinakpan ang mukha ko gamit ang aking buhok. Shemay, umagang-umaga napaka epic na ng ginawa ko.
" Ay palaka! " halos mapatalon naman ako sa gulat nang may nakasalubong ako pagliko ko sa hallway. Si Christian.
" Tss. " iyon lang ang sinabi nya saka ako nilagpasan. Sumunod naman ako agad sakaniya at pasimpleng kumapit sa bag nya.
" Hi Christian."
" Oliver. " Napangiwi ako. Oo nga pala Oliver ang dapat itawag sa kaniya.
" Alam mo kanina napahiya ako. Akala ko ikaw ang inakbayan ko kanina, ibang lalake pala, " kwento ko.
" Ahh, " tipid na sagot nya. Akala ko wala na syang idadagdag pero nagsalita pa sya. " Mukhang kumportable ka na sa mga lalake ah. Akala ko ba ayaw mo saamin? "
Mukhang bubuksan na naman nya ang topic nayon. Hindi ba nya talaga makalimutan 'yon?
" Matagal na'yon. Kalimutan mo na, " sagot ko. " Tsaka bakit ba lagi mong binabanggit yon? Ayaw mo naman kasi akong hayaan mah explain eh. "
" Hindi ko na kailangan ng explanation mo. "
" Oh see? "
Huminto na sya sa paglalakad at binuksan ang pintong nasa harapan nya. Ngayon ko lang na-realized na nasa classroom na pala kami. Napatingin saamin yung mga kaklase ko at naiilang naman akong ngumiti sa kanila. Second day na pero wala pa rin akong nagiging kaibigan sa kanila. May mga nakakausap ako pero hanggang doon lang 'yon.
Binaba ko ang bag ko sa table ko saka pumunta sa table ni Christian.
" Uy tutal may ilang minutes pa tayo, bakit di tayo lumabas? Kain tayo sa canteen? Libre ko. " aya ko pero tinignan lang nya ako.
" Sige na tumayo ka na dyan, " pero imbis na kumilos, dumukdok sya sa mesa at pinikit ang mga mata.
" Ikaw na, may mga paa ka naman. " Napalabi ako. Hanggang kailan ba sya magiging ganito?
Dahil wala naman akong mapapala sa kapipilit sa kaniya, tumayo na lang ako at lumabas ng classroom. Hindi na ako nag abalang pumunta sa canteen dahil dumungaw na lang ako sa railings at pinanood ang mga tao sa ibaba.
Buong gabi akong nag isip tungkol dito. Hindi ko alam pero binalikan ko lahat ng alaala na pinagsamahan naming dalawa. Ang dami kaya naming memories at di ako papayag na hanggang doon lang yon. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ako susuko sa pagsuyo sakaniya kahit anong mangyari. Ayokong sayangin ang pagkakataon na'to dahil mukhang sign ito para ipagpatuloy ang friendship naming dalawa.
" Miss? " Napatingin ako sa gilid ko. May dalawang lalakeng lumapit sa gawi ko.
" Ah diba dito classroom mo? " sabay turo nya sa room ko. Tumango ako at tinanong kung bakit.
BINABASA MO ANG
The Past and The Present [ Completed/Unedited ]
FanfictionThe Past and the Present Genre:Fan Fiction ( PAST ) Si Guy, Makulet,Palabiro at masayahing bata noon. Habang si Girl naman ay mahinhin, mahiyain at napaka tahimik noon. ( PRESENT ) Pero ngayon. Si Guy ay tahimik, walang paki alam sa mga nakapali...