Chapter 35

18 2 0
                                    

This story is dedicated to all of you who enjoyed to read this story up to now until the end. Thank you... even though this story is not so good but still you red it.😊 I love y'all and always.

Shanie's POV

It has been a month and a half since Kurt has revealed his Mom's secret to why she hates me. It feels good to know her deepest reason. Nagwoworry lang pala ang Mommy niya kay Kurt at pati narin sakin.

Ang experience niya ay nireflect niya sa kanyang sarili at buhay pati narin sa kanyang pamilya. Ngayon at alam ko na ang kanyang rason, sana sa susunod na pagkikita namin, okay at komportable na kami sa isa't isa.

Isang buwan narin pala ang nakalipas simula nung naging kami ulit ni Kurt. Oo, we are now a couple at monthsary namin kaya nandito kami ngayon sa beach! Itong beach na ito, dito winasak ang aking puso ngunit wag na nating balikan iyon dahil ngayong araw, dito magsisimulang maging ligaya ang aking puso.

"Shanie naman kasi! Ba't ayaw mong suotin tong two piece na binili namin para sa iyo?!" Si Lizzie na mula kanina pa ang pagrereklamo. Kung hilig ng mga kababaihan ngayong panahon ang magtwo piece, ako hindi.

"Hindi pwedeng mag two piece ang Shanie ko." Ayan na. Dumating na ang tagapagligtas kong boyfriend na ikinatuwa ko naman at nagpadismaya sa mga kaibigan ko.

And speaking about my boyfriend, naging weird si Kurt. Oo parang normal lang na protective sakin kagaya ngayon pero hindi iyon ang tinutukoy ko.

Parang madalas siyang umaalis at di man lang sinasabi kung saan siya pupunta. Minsan nga ay pag magtatanong ako sa kanya'y simpleng "Maglilibot lang.", "Basta importante." ,"Ah... may gagawin lang ako." Ang kanyang sagot. Minsan nga parang nararamdaman ko na dumidistansya siya sa akin. Nag o-overreact na siguro ako pero... di ko kasi talaga alam kung ano ang iisipin.

"Shanie." Napaangat ako ng tingin kay Kurt. Simpleng ngumiti siya. "Hindi ka paba magsi-swimming?"

"Mamaya na lang, eh ikaw? Mamaya ka na lang rin ba magsi-swimming?" Lumingon ito sa dagat tsaka tumawa ng mahina.

"Ah... haha... oo, mamaya nalang. Ah tsanga pala, maglilibot-libot lang muna ako." Ayan nanaman ang lilibot-libot niya. Ilang beses na niya kayang nalibot ang beach. Kanina pa siya pabalik-balik eh.

Huminga ako ng malalim. "Sama ako."

Gulat na tumingin ito sakin na para bang mayroon siyang ayaw ipaalam sakin.

"Huh? Ah eh... wag na. Mainit eh baka mangitim ka." Oo nga noh? Pero hindi! Ang weird kasi eh! Isa pa, ba't ayaw niya akong isama?

"Okay lang. Sama na ako." Pagpipilit ko at bigla naman itong pinawisan.

"Wag na talaga Shanie. Isa pa mag la-lunch na oh? Kailangan mong kumain."

"Eh kailangan mo rin namang kumain."  Pagtataka kong wika.

Bumuntonhininga siya. "Shanie... sige na. Hindi pa naman ako gutom eh. Maghanda na kayo para sa tanghalian. Di naman ako magtatagal sa paglalakad at babalik agad ako. Fiancé- este girlfriend kita kaya ayaw kong magutom ka. Alis na ako kaya dito kalang at magsaya, okay?"

I sighed in surrender. "Sige." Ngumiti siya ng malapad tsaka lumapit sakin at hinalikan ako sa noo. "Mag-ingat ka."

"Palagi naman eh. Mahal kita." I chuckled at what he said.

"Mahal rin kita." Kasabay non ay ang pagbitiw niya sakin, gumawad ng ngiti at umalis na.

Napatingin ako kay Ate na lumalakad palapit sa akin. Si Junior na kasa-kasama niya kanina ay buhat-buhat ngayon ni Jon.

Beauty in SimplicityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon