Shanie's POV
But... why?
Nung una ay gusto kong tanungin si Kurt tungkol do'n pero napaisip ako na baka pagtinanong ko iyon ay lalabas akong makasarili dahil iniisip ko na para pala sa akin yon kaya, nagdesisyon akong wag nalang.
Nagreready ako ngayon ng susuotin ko dahil inimbitahan ako ni ate na pumunta sa kanila dahil piyesta ng kanilang barangay.
Sa totoo lang ay excited na excited ako pero may kaunting kaba akong nararamdaman. Hindi ko alam kung bakit basta habang nag-aayos ako ay parang gusto kong mas magpaganda pa lalo at kinakabahan ako.
Binalewala ko ang pakiramdam kong iyon hanggang sa makarating na ako sa barangay nina ate.
Pagkadating ko roon ay nakikita kong maraming tao ang busy at naghahanda na para sa piyesta. Dahil malapit lang sa plaza ng kanilang barangay ang bahay ni ate, habang naglalakad ako ay maraming mga stalls ang nakikita ko.
Food stalls, mga panglaro at iba pa. Nang nasa tapat na ako ng bahay nina ate ay dumating nanaman ang kabang aking nararamdaman. My hands are shaking while I press the doorbell.
I tried hard to stretch my lips to form a smile without any single hint of nervousness when ate opened the door.
"You're early!" She said with a hint amusement in her brown eyes.
"Am I?" I asked coyly. Pumasok na kami sa kanyang bahay at nakita ko si Tita na naghahanda ng pagkain para sa lunch. Napansin ko na madaming pinggan ang nilagay sa mesa.
Is ate's whole family will be here too? I thought silently.
Nang makaupo na kami ni ate sa mesa ay napatingin ako sa kanya.
"May iba kapabang bisita ate? Like your whole family or some other friends?" I asked.
Nilahad sa akin ni ate ang kanin. "Some friends."
"Yours?" Tanong ko habang nilalagyan ng kanin ang aking pinggan.
Bago paman makasalita si ate ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan at ang pagwelcome ni Tita sa kung sino man ang dumating. Napalingon ako para malaman kung sino iyon at napabilog ang aking mata nang makita sina Kurt, Bruce at Jonathan na pumasok sa pinto.
"Ours." Sagot ni ate at napatayo. I wasn't sure if I also need to stand up and greet them but I did. My heart pounded wildy nang nadakip ng mga mata ko ang titig ni Kurt. He raised his right hand and waved it as a sign to say 'hi'. I did the same then smiled even though I can feel that the hand I am raising is shaking. Maybe this is why I'm nervous.
Ever since the last day of intrams, ang napagbusyhan ko lang ay ang pag-iisip kung bakit ginawa yon ni Kurt at sa kagustuhang matanong siya tungkol doon. Now that he's here, I'm doubting if I'm going to ask him about it or not.
Bumalik na kami sa mesa at nagsiupo rin sila. Sa harap namin ni ate umupo ang tatlo. Nasa gitna nina Bruce at Jon si Kurt at nasa harapan ko naman ito.
"Ba't di mo sinabi sakin na inimbitahan mo rin sila?" I whispered at ate who is sitting beside me. She looked at me with eyes frowned.
"Kailangan ba? I thought you'd expect them to come since they're our friends." She whispered back.
"How about Chelsea?"
"Alam mo Shan, kumain kanalang. Mamaya ko nayan sasagutin. Okay?" She insisted.
"Okay." I disappointedly answered then decided to just continue eating my food. I can't miss the way Kurt stared at me with an unreadable look. Is something wrong? I thought as I keep on eating my food.
BINABASA MO ANG
Beauty in Simplicity
RomanceHave you met a simple girl before? A girl who is smart, beautiful in her own way, kind and is prioritizing her studies first for her family? If you haven't, meet Shanie Rose Mendez, a simple girl studying at Climent High School. She's a beauty and b...