Chapter 18

22 8 0
                                    

Shanie's POV

Kahapon ay January 10. Biyernes. Walang espesyal na nangyari. Nagpractice lang kami buong araw. Pagkatapos kong magpractice para sa Ms. Climentallian ay umuwi na ako at natulog... pero syempre, JOKE lang yun! Ahahaha.

Kahapon ay 18th birthday ko at para sa akin ay espesyal na araw iyon. Diba pagbirthday mo, espesyal talaga iyon dahil iyon ang araw kung saan pinanganak ka ng nanay mo at biyaya ka sa kanila ni Lord.

Marami ang nag-greet sa akin. Mga kaibigan ko, pamilya ko at meron ring mga tao na hindi ko kilala pero nag-greet parin sila. Thankful ako kasi kahit na hindi ko sila kilala at hindi ko alam kung kilala talaga nila ako ay nakayanan parin nilang maggreet sa akin and that makes me happy.

Binigyan ako nina Jon at Micha ng regalo. Kay ate ay isang teddybear. Yung si Ice bear sa We Bare Bears habang kay Jon naman ay isang keychain. Truth to be told, I was expecting a gift from Kurt pero wala. I was a little bit disappointed but when he greeted me yesterday afternoon, my disappointment disappeared. Para bang may magic siya na magpapasaya agad sa iyo.

I was glad when mama did not throw a party for my birthday. Gusto kasi talaga niyang magcelebrate ako ng debut ko ng kaygara pero dahil alam kong wala kaming malaking pampagastos para diyan ay tumanggi ako sa naisip ni mama. Pagkatapos non ay hindi niya naman ako pinilit.

"Shanie hija, halika ka rito." Rinig kong tawag sa akin ng aking trainor sa pagrarampa. Kakatapos ko lang magpractice ng dinagdag na steps sa sayaw ko para sa talent portion.

Lumakad ako papunta sa kanya na nakaupo sa isang plastic chair na may dala-dalang kahon. I frowned.

"Uhm... ano po ang nasa kahon?" Tinuro ko ang box sabay tanong sa kanya. Napangiti ito.

"Ito ay isang long gown. Magpapractice tayo ng pagrarampa mo habang ikaw ay nakasuot nito upang pagkarampa mo ay komportable kana rito." I raised a brow at him/her. Mweee! I don't know! It's confusing to use he/she because he's a gay. Ugh!

Pero, ngayon talaga? As in ngayon na? I glanced at my wrist watch. It's already quarter to 5. Alas singko kasi dapat matatapos ang practice ko.

"Ngayon na po? Pero ate Joshepen...." Right. Ate Jow-she-pen.

"Walang reklamo! Reklamo! Sige na. Magbihis kana. Magpasama ka kay inday Micha na nasa labas at naghihintay sa iyo." Yeah. Inday Micha. I sighed deeply, surrending. Lumabas ako sa room at nandoon nga si ate. Nakaupo sa isang bench. She is wearing a white floral dress that teally suits her.

"Ate!" Napalingon ito sa akin at ngumiti. Naglakad ako palapit sa kanya at ngumiti rin.

"O Shanie, may kailangan ka ba?" She smiled wickedly and that made me thought like she's acting weird.

I faked a laugh. "Ahh... ahahaha... ate kasi magpapalit ako ng long gown at sabi ni ate Joshepen ay magpapasama raw ako sa iyo. Pwede ba?" Sabi ko tapos pinakita ang kahin na may lamang gown sa kanya.

"Ofcourse! Do you mind if I do your hair? And oh, i me-make up narin kita!" She excitedly said. Make up? Kailangan ba yon?

Mahiyaing ngiti ang ginawad ko sa kanya. "Hindi naman kailangan ang hair style at make up...."

"Ofcourse kailangan mo yan!" Sagot nito na parang walang pake sa sinabi ko at agad-agad naman akong hinila papunta sa malapit na Ladies comfrt room.

Pagkadating namin don ay agad akong itinulak ni ate papasok sa 2nd cubicle.

"Magbihis kana diyan at may kukunin lang ako sa classroom. Babalik rin ako agad!" Sabi nito sabay takbo palabas ng CR.

I sighed as I open the box. When I saw the gown I gasped. Isa itong puting long gown na sleeveless tapos ay may mga kumikintab pa na mga diamonds sa colar nito. Mukhang early ang pagcecelebrate ko ng JS prom ah.

Beauty in SimplicityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon