Chapter 27

26 6 2
                                    

This chapter is dedicated to: SapphireGaze

Kurt's POV

"Mabuti nalang Uncle at nakita ko si Kuya Clint kanina at nagpatulong nalang sa kanyang hanapin ka. Di ko alam na kasama mo pala si Teacher Shanie." Ani Jason na ngayon ay hawak-hawak ang kamay ko sabay naglalakad kami papuntang parking lot.

Nung nakita ko kanina si Clint ay bigla nalang kumulo ang dugo ko.

"Yun ba ang tinotukoy mong manliligaw ng teacher mo?" I faced Jason as I asked the question. Napakunot ito ng noo at sumagot.

"Oo."

"Tama ang sinabi mo kahapon. Na mas gwapo pa ako dun." Pagmamayababg ko kasi tama naman eh. Mas gwapo pa ako tsaka mas gentleman!

Tumango-tango naman si Jason. Naging tahimik na kami at tugtog nalang mula sa radyo ang umiingay hanggang sa makarating kami sa bahay nila.

"Bye Uncle K! Ingat ka!" Pagpapaalam ni Jason nang nakababa na ito sa sasakyan.

"Bye." Wika ko. Nagdrive na muli ako pauwi. While driving, the image of Shanie and Clint holding each others hand flashed in my mind. The image of them hugging too, flashed back.

Dapat ako yun. Dapat ako ang humahawak sa malalambot niyang kamay. Dapat ako ang yumayakap sa kanya at maparamdam na ligtas siya sa piling ko.

Dala ng iritasyon ay nasuntok ko ang manebela ng kotse. Hanggang ngayon, nagagalit ako kay mama... pero hindi lang kay mama kundi sa sarili ko din.

The night when I left them in the beach resort and got home, Mom is already waiting outside na para bang inaasahan na niyang uuwi ako at nakipagbreak na ako kay Shanie. Hindi ko alam kung pano niya nalaman na umuwi ako at ayaw kong malaman pa.

"How was it, son?" Galit akong napalingon kay mama na nakapamaywang pa.

"Masaya kana ba, ma? Hiwalay na kami ni Shanie!" She walked towards me pero umatras ako kaya tumigil siya.

"Yes son, I'm happy! Ecstatic to be exact." Napakuyom ang kamay ko sa sinabi nito. She became mad!

"Oo.. masaya ka nga pero ang tanong ma..." napabaling ako sa kanya. "...masaya ba ako? Pinasaya ba ako ng desisyon mo? Naging masaya ba ako sa resulta? Hindi ma! Imbis na sumaya ang nag-iisang anak mo, nasasaktan ito!" Hindi ko na mapigipan ang galit ko kaya napasigaw na ako.

Nagulat ito sa pagsigaw ko kaya sinampal niya ako. Hindi ko maramdaman ang sakit at hapdi nito dahil ang sumasakit at humahapdi lang ngayon sa akin ay ang puso ko.

"Aba't! Kita mo na! Dahil sa babaeng yan, naging ganyan ka! You look like a mess at sinigawan mo pa ako?!"

At si Shanie pa talaga ang sinisisi niya? Hindi ko na talaga alam kung papaniwalaan kong nanay ko ito.

"It wasn't her fault why I became like this mom, it's your fault." Pagkatapos kong sabihin yon ay hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at dumiretso na ako sa aking kwarto.

The next day, dad told me that he has talked to mom about what happened and is sorry for my break up with Shanie. When grandma heard about what happened, the accident of Shanie's brother and my break up because of her threat, she told dad to put mom in a mental hospital but dad didn't agree instead, hindi na pinayagan pa ni papa na lumabas ng bahay si mama.

In school, I started ignoring Shanie. It's for her sake. Oo, hindi na nga makakalabas si mama sa bahay pero alam kong may mga kuntsaba pa ito kaya kahit masakit, ay tiniis ko para sa kapakanan ni Shanie.

A year later, dad bought me an apartment and told me that I am free to live in there. Dahil hindi pa nawawala ang galit ko kay mama at sa rasong ayaw ko narin siya munang makita, nagdesisyon akong manirahan nalang sa apartment. Nagtransfer narin ako ng school para hindi ako mahirapan. Bruce is the last person I talked to. Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari pagkatapos at ibinilin narin si Shanie sa kanya.

Beauty in SimplicityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon