Kanina ko pa iniisip ang lalakeng nakilala ko kagabi. Sayang at hindi ko natanong kung ano ang pangalan niya. Hay... sana kung makita ko siya ulit, maitatanong ko na kung ano ang pangalan niya. Kagabi kasi pagkatapis kong sumang-ayon sa kanya, pumaligid na ang katahimikan sa pagitan naming dalawa kaya doon ko nakuha ang chansang magpaalam at umalis nalamang. Di naman niya ako pinigilan at nagpaalam nalang rin. Nang makauwi sa bahay doon ko nalang namalayan na... di ko manlang naipakilala ang sarili ko at di naitanong iyong pangalan niya.
Naglalakad ako ngayon papunta sa classroom ko. Hay....gusto ko pang matulog. Sana hindi ako maaantok mamaya. Kailangan kong makakuha ng mataas na grades kaya kailangan kong magsikap! Whoo! Kaya ko toh! Lalabanan ko ang antok ko! Sana lang di rin ako mabigo rito.
Pagkapasok ko ng classroom, sinalubong agad ako ng mukha ni Micha, ang aking best friend. Matanda pa sya sa akin kaya minsan, tinatawag ko siyang ate.
"Morning Shanie!!" Bati sa akin ni Micha
"Good morning ate." Sabi ko saka ngumiti
"Eto kananaman, nag aate sa akin pwede mo naman akong tawagin sa pangalan ko eh! Hmp!" Parang bata siya na padabog na kumausap sa akin. Ikinatawa ko nalamang ito at ngumiti.
"Sorry, nasanay na kasi akong tawagin kang ate..." pag hihingi ko sa kanya ng paumanhin tapos ay lumakad na ako papunta sa aking upuan.
"Sus, sige na nga pinapatawad na kita." sabi niya tapos yinakap ako sa aking likuran "Alam mo Shanie, hindi ko magawang magalit sayo ng matagal. Ang cute mo kasi eh!" Bumitiw siya sa pagkayakap sakin at ang pisngi ko naman ang kanyang linaro. Kahit na mas matanda pa si ate Micha sa akin, isip bata parin siya. Palagi siyang happy go lucky.
"Okay class please settle down!" Biglang dumating si Miss Galyegos kaya mabilis na tumakbo ang mga classmates ko papunta sa mga upuan nila. Dahil nandito naman ako sa upuan ko, umupo nalang ako ng maayos. Ang upuan ko ay nasa bandang gilid sa may bintana. Minsan feeling lonely ako dahil wala akong katabi. Walang nakaupo sa katabing upuan ko rito pero okay lang naman, atleast hindi rin maingay.
"Okay class, we have a new student please kindly welcome him, okay?" Anunsyo ni miss na ikinakuha naman ng interedt ng lahat, pati narin ako, sabay lapag ng kanyang libro sa kanyang mesa. "New student, please come in and introduce yourself."
Pagkatapos niyang sabihin iyon, isang gwapong lalake ang pumaloob sa classroom namin na ikinihiyaw ng mga babae at ikinihanga naman ng mga lalake. Iba talaga ang epekto sa lahat basta gwapo o maganda ang isang tao.But looking closely at his face, he somewhat looked familiar.
"Good day everyone! My name's Kurt Sigmund Lacson. My previous school was..." He started to introduce himself but I wasn't really paying attention to whatever he's saying cause I am really trying to remember if I know him. Hindi ako sure pero parang kilala ko talaga siya!
"Nice to meet you all." Hanggang sa wakas ng introduction niya ay pinipiga ko parin itong utak ko, pilit na inaalala itong pamiliar na lalaking ito.
"Thank you for introducing yourself Mr. Lacson! Please give him a round of applause." Kahit na may inaalala ay nakayanan ko paring pumalakpak kasabay ng mga kaklase ko. "Well, hearing about your introduction, I expect that you will become a role model to the other boys here in the classroom."
"Hala, miss!" Biglang sumigaw ang isa naming classmate na si Raynold "Ang unfair mo naman ata. Bagong estudyante pa nga lamang eh pinupuri mo na tapos gagawin mo pang role model." Inggit na dugtong niya
"Kesa sa ikaw ang gawin kong role model, Mr. Dagelio." Tumawa ang lahat dahil sa sinabi ni Miss Galyegos "Okay Mr.Lacson,you may sit beside...ah! Yes, please sit beside Ms. Mendez." Nabigla ako sa anunsyo ni Miss. Masaya ako't may katabi na ako ngunit... ngunit... Ah! Bahala na. Habang naglalakad siya palapit sa direksyon ko, agad naman atang tumigil ang oras nang tinitigan niya ako diretso sa mata. And on the depth of his eyes, it made me remember as to why this guy is so familiar. As to why this guy is making me feel some weird feeling inside of me too.
BINABASA MO ANG
Beauty in Simplicity
Roman d'amourHave you met a simple girl before? A girl who is smart, beautiful in her own way, kind and is prioritizing her studies first for her family? If you haven't, meet Shanie Rose Mendez, a simple girl studying at Climent High School. She's a beauty and b...