Chapter 4

33 9 6
                                    

Shanie's POV

Pagkatapos ng aming usapan ay nag patuloy na kami sa pagkain hanggang sa nabigla kami at dumating si Chelsea sa table namin.

"Oh? Ano ginagawa mo dito?" Tanong ni Ate kay Chelsea. "Ililibre mo ba kami?" Napatawa nalang ako sa paghuka nga rason kung bakit napadpad rito si Chelsea.

"Kung manlilibre man ako, si Shanie nalang ang i-lilibre ko hindi sa mga katulad mong matakaw. Baka maubusan pa ako ng pera eh." Pagtatanggol naman ni Chelsea sa sarili.

"Aba ikaw ha!! Alis! Alis! Ayaw kitang kausapin!" Pagmamaktol ni Ate.

"Hindi naman ikaw ang kakausapin ko eh! Si Shanie lang naman!" Pagmamarason ni Chelsea na ikinataka ko kung bakit niya ako gustong kausapin.

"Eh bakit mo ako kinakausap aber?!"

"Kasi po nagtanong ka. Eh anong gusto mo hindi kita sasagutin?! I sa-snob kita ganun?!"

"Oo!!" Iritang sigaw ni Ate kaya naman halos lahat sa Cafeteria ay nakatingin na samin. Napagdesisyonan kong tigilan sila sa kanilang pag aaway.

"Guys, please tama nayan. Nakatingin lahat ng tao sa inyo oh." Sabi ko sa kanila kaya tumingin sila sa kanilang paligid bago ulit tumingin sa akin.

"Eh sino ba naman ang nagsabi sa kanila na tumingin samin? Diba wala?" Cross arms na tanong ni Chelsea.

"Oo nga! Mga chismoso at chismosa lang mga yan!"

"Tama!" Pagsasang ayon ni Chelsea sa sinabi ni Ate. Di na nga nila na malayan na ngayon ay nagkasundo na sila.

"Hayst. Umupo kanangalang Chelsea at ikaw Ate, i pagpatuloy mo nalang ang pagkain. Maguusap lang kami muna dito." Sabi ko at umupo naman si Chelsea sa tabi ko.

"Psh!" Rining kong sabi ni Ate bago nagpatuloy sa pagkain.

"Ano ba ang paguusapan natin Chelsea?" Tanong ko kay Chelsea saka itong tumingin sa akin.

"Alam mo naman diba na part ako ng journalism club?"

"Hmm oo. Bakit?"

"Kasi kailangan ko ng taong i-iinterview para magshare kung ano ang tingin nila sa school ngayong semester. Eh, ikaw lang kasi ang alam kong matinong kausapin sating grade 10 students eh..."

"Ah... ganoon ba. O sige. Kailan ba ang interview?" Ngumiti naman si Chelsea sa sagot ko.

"Yes! Salamat Shanie ha. Bukas pa naman sa dismissal ang interview mo."

"Bukas panaman pala eh. Bakit ngayon mopa siya tinanong kung pwede namang bukas?"  Nabigla kami ni Chelsea nang magsalita si Ate. Hay ate... nagsisimula kanaman ng away.

"Ba't ka ba nagsusulpot sa usapan namin ha?!" Inis na tanong ni Chelsea ngunit hindi sumagot sa kanya si Ate nag ring narin ang bell. "Hay bahala ka nanga diyan. Alis nako bell na eh. Bukas Shanie ha!" Sigaw ni Chelsea habang tumatakbo ng patalikod palabas ng Cafeteria.

"Sige! Bye!" Sigaw ko tsaka kumaway. Nung nakalabas na si Chelsea sa Cafeteria ay binalingan ko ng tingin si Ate. "Ate dali na at lumabas na tayo baka malate patayo sa next dubject natin." Tumayo agad si Ate at kinuha ang gamit niya.

"Nakakainis yung bookworm nayon! Ang daming alam!" Napahalikhik nalang ako sa sinabi ni Ate tsaka na kami lumabas ng Cafeteria.

"Hija, pasok ka" sabi ng mommy ni Ate na si Tita Michelle. Nasa bahay kami ngayon ni ate para tapusin ang project niya. Pagkadismissal agad kase ay mabilis akong hinila ni ate para pumunta na sa bahay nila.

Pumasok kami ni ate sa bahay nila at nilapag ang mga bag sa sofa.

"Shanie, pasensya na at magulo ang aming bahay. Hindi pa kasi ako tapos magligpit ng bakuran eh..." pagsasalita ni tita habang inaayos ang mga unan sa sofa.

"Tita okay lang naiintindihan ko naman po." Sagot ko kay tita. Hinanap ng aking mga mata si Ate na ngayon ay tumatakbo na papuntang kwarto niya.

"Hay naku hija, ito naman kasing anak ko, hindi ako sinabihan na pupunta ka rito. Ay sana naman ay nakapaglinis pa ako ng bahay..." knowing na may kasalanan rin ako dahil di ko pinatawag si ate kay mama niya para magpaalam ay mahiyaing napatawa nalang ako ng mahina.

Hindi nagtagal, lumabas din si ate sa kanyang kwarto dala-dala ang manipis na kahoy na may nakapatong na mga toothpick na hindi pa masyadong halata na bahay ang ginagawa.

"Shanie, eto siya oh." Sabay lapag niya nito sa mesa. "Hindi ko matapos-tapos dahil ang hirap..."

"Well...ngayon matatapos mo na to." pabida kong sagot.

"Syempre andito ka eh!" Napatawa kami sa sagot niya."Ma, ano po ang merienda?" Sabay lingon ni ate kay tita sa aming likod na ngayon ay hinahanda ang mesa.

"Ay ikaw na bata ka, niluluto palang ang merienda't maghintay ka muna."

"Eh gutom natong si Shanie eh.."

"Oh? Gutom kana ba hija?" Tanong ni Tita sa akin. Sa totoo lang... oo at ginugutom na ako pero nakakahiya naman at hindi pa luto ang pagkain kaya umiling ako kay tita at sinabing "Hindi naman po." sabay ngiti.

"Hija... pasensya na't hindi pa luto ang pagkain... Mae!" Sabi niya sabay lingon kay ate

"Po?!"

"Tulungan mo nga ako dito! Naku!! Ikaw na bata ka ang mga project mo palagi nalang si Shanie ang tumatapos!"

"Pumayag naman si Shanie ah!"

Tumawa nalang ako at tinapos na ang project ni ate. Inabot kami ng tatlong oras nang paggagawa ng project ni ate kaya ngayon, ginabihan na ako ng uwi.
Pagkarating ko ng bahay ay agad bumungad sa akin si mama na nakaupo sa upuan na halatang galit sa kakahintay.

"Hi mama..." sabay bigay ng ngiti

"Saan ka nanggaling?" Taas kilay na pagtatanong ni mama.

"Sa bahay ni ate... may tinapos lang na project."

Huminga ng malalim si mama. Siguro kampante siya dahil kina ate lang naman ako pumunta at dahil magkasundo ang mga nanay namin, okay lang kay mama na pumunta ako kina ate.

Tumayo bigla si mama at niyakap ako. Nabigla ako do'n pero niyakap ko naman siya pabalik.

"Ma? M-may problema ba?"

"Sa susunod magsabi ka... wa'g mo kong ipinag-alala ng ganito." Ang sarap. Ang sarap sa pakiramdam na may nag-aalala sayo at kahit na meroon kaming konting alitan ay nagawa niya pang mag-alala para sakin.

"Opo ma." Sabi ko sabay bitiw sa yakap at ngumiti. "Si kuya ho... asan?"

"Ay nanonood sila ng sine ni Leo. kinulit kasi ang ama na manood ng bagong pelikula kaya ayon. Napadala sa pilit." Sabay hagikhik ni mama

"Sweet naman! Kung ako magkakapamilya... every sunday, family day namin. Ay, wala bang trabaho ngayon si kuya? Kaya pumayag siyang manood ng sine?"

"Hmm... wala yata eh." Tiningnan ako ni mama at nag salita. "O sya magbihis kana at maghahanda na ako ng makakain natin."

"Opo ma." Sabi ko sabay takbo papunta sa kwarto ko.

Pagkatapos kong magbihis, napagdesisyunan kong mag online at hanapin sa messenger ang account ni Kurt para i confirm kung siya ngaba to.

As soon as i saw his account and saw that he's active, i then messaged him

: Hi

Medyo matagal bago siya makareply

Kurt: Hello
: Uhm... can i ask you something?
Kurt: Sure😊

What a cute emoji. I thought.

: Uhm... I just wanna confirm if you're... Kurt Sigmund Lacson?

I was feeling nervous when i typed that but at the same time, I am also excited for his answer.

Kurt: Hahaha! Yes, glad you got it right.

Hala! Tama nga ako! He is Kurt.

I opened my facebook account then i pressed the 'Confirm'  button to accept Kurt's friend request.

I then replied to him the words I can only think of suitable to be my reply to him.

:Thank you.









Beauty in SimplicityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon