Dedicated to: KheaJoyJuanico
Shanie's POV
Tugtog lang mula sa radyo ang naging ingay sa loob ng sasakyan simula nung umalis kami mula sa school. Gusto ko mangmagsalita, hindi ko naman alam kung ano ang pag-uusapan at kung pano simulan.
"Punta muna tayo sa bahay ko." Nagulat ako sa biglaang pagsusuhestyon ni Kurt. Napatingin ako sa kanya.
"B-bakit?"
"Kukunin ko ang regalo ko para kay Jason." Sagot nito.
"Hindi ba't galing ka na kina Jason?" Tanong ko dahil... kung galing na siya roon, eh diba dapat nabigay na niya ang regalo niya kay Jason?
"Oo pero nung nakarating na ako sa bahay nila Jason, napagtanto ko na naiwan ko pala ang regalo. Uuwi na sana ako para kunin iyon nang pinakiusapan ako ng Ina ni Jason na sunduin ka." Wika nito at sumulyap pa sa akin. Kaya pala...
Pagkatapos noon ay pumaligid agad ang katahimikan sa loob ng sasakyan.
Habang tumitingin sa labas ng bintana, nakita ko ang daan na papunta sa bahay nila Kurt na natandaan ko nung pumunta ako sa kanila. Akala ko liliko kami papunta doon ngunit dumiretso lang kami.
I curiously looked at Kurt who's still driving calmly.
"Bakit di tayo lumiko?" Dapat kasi ay lumiko kami sa daang yon.
"That isn't the way to my house anymore." He answered still focused on the road. Hindi ko naintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin. Baka nagkamali ako ng pagkaalala na iyon yung daan papuntang bahay nila. O di kaya'y lumipat sila ng tirahan? Pero bakit?
Hindi na ako nagtanong pa at tinoon na lamang ang pansin sa labas ng bintana.
Chineck ko yung phone ko, nagbabakasakaling nagreply si Clint ngunit wala. Busy siguro kasi may meeting. Nag-aalala ako kasi baka magtaka iyon kung saang birthday party ako pupunta at kung sino man ang kasama ko.
Baka nag-aalala rin iyon sa aking kalagayan. O pwede ring baka magalit siya? Hindi. Hindi halata sa ugali ni Clint na madali siyang magalit. Iniisip ko rin kung ano ang sasabihin ko bukas pagtinanong ako nito tungkol sa nangyari ngayong araw.
Sa dami kong iniisip, di ko na namalayang huminto na ang sasakyan sa isang apartment building. Ito na ba ang bagong tirahan nila Kurt? Apartment? Bakit sa apartment eh mansion naman yung tinitirahan nila noon ah?
Lumabas na si Kurt sa kotse kaya sumunod narin ako. Nauna itong pumasok sa building habang ako naman ay napalibot ang tingin sa paligid. Siguro ay building nila ito? Pero hindi. Iba ang pangalan ng building na ito. Pero teka, ano ngaba yung pangalan ng kompanya nina Kurt?
Nawala ang katanungang iyon sa aking isipan nang mabilis akong naglakad papuntang elevator kung saan nakatayo na doon sa harapan ng elevator door si Kurt at nang nagbukas ito ay lumingon ito sa akin at napatango na para bang senyales na bilisan ko nang pumunta roon.
Nang nakapasok sa elevator ay walang tao kundi kami lang. Ramdam ko na nagiging awkward ang paligid kaya nagsalita ako para maitanong si Kurt.
"Nandito rin ba ang mama at papa mo?" Sabay tingin ko sa kanya.
"Mag-isa lang akong naninirahan dito. Nasa mansion sila." Gulat kong tiningnan ito at nagsimula namang bumuo ng mga katanungan ang isip ko.
"B-bakit? Umalis ka?"
Tumango ito. "Malalaman mo rin kung bakit pero hindi ngayon. Hindi ito ang tamang panahon para pag-usapan ang nakaraan."
Nakaraan? Tinutukoy niya ba yung hiwalayan namin noon?
BINABASA MO ANG
Beauty in Simplicity
RomantizmHave you met a simple girl before? A girl who is smart, beautiful in her own way, kind and is prioritizing her studies first for her family? If you haven't, meet Shanie Rose Mendez, a simple girl studying at Climent High School. She's a beauty and b...