This chapter is dedicated to: Yuuchan16
Shanie's POV
"Thank you for today, Clint. I had fun, really!" Masayang pagpapasalamat ko kay Clint dahil nagdate kami. I really had fun this day dahil hindi niya ako dinala sa isang magarang restaurant kundi sa isang amusement park.
"Always welcome, Shan. Mabuti naman at napasaya kita. I had fun seeing you smile earlier." At don ko na naramdaman ang pagkaguilty ko. Mabuting tao si Clint. Pero bakit hindi ko siya kayang mahalin? Ngayon at bumalik na si Kurt.
"Clint... hindi ka ba nagsasawa?"
Napatigil ito sa paglalakad at tumingin sa akin.
"Nagsasawa sa ano?"
Tumingin ako sa mga mata nitong nag-aalala.
"Kakaintay sa akin?" Finally, I've said it. Bumabagabag na sa akin ang katanungang ito mula nang malaman ko na... hindi ko kayang mahalin si Clint ng higit pa sa kaibigan.
Napabuntonghininga si Clint at lumapit sa akin. "Shan.."
"Natatakot ako... Clint dahil alam ko sa huli, masasaktan lang kita. Clint, ang bait bait mo sa akin ang at ang sarap maramdaman ang iyong pagmamahal pero... sigurado ka bang para talaga sa akin yan?"
Instead of being sad, Clint smiled.
"Hindi ako magsasawang maghintay sa iyo... kahit na masaktan lang ako. I know I'll be fine since I'm with you. At oo Shanie, unang titig palang sa iyo, nakuha mo na ang pagmamahal ko kaya... please... hayaan mo akong hintayin ka. Give me a chance."
"Clint..." I sighed when my phone rang. Tiningnan ko muna si Clint para ipaalam na sasagutin ko ang tawag at tumango naman siya.
I fished the phone out of my sling bag and saw Ate's name on the screen.
"Ate?" Pagsasagot ko ng tawag.
"Shanie! I miss you!" Napangiti ako sa sinabi nito.
"I miss you too." I heard ate giggled.
"Aaawww! Ang sweet mo talaga! Since miss natin ang isa't isa, magkita tayo bukas!"
"Saan? Sure kaba diyan? Pano si baby Junior?"
"Sunday naman bukas, kaya walang trabaho si Jon. Siya nalang ang magbabantay kay Junior isa pa kanina nga ay nakipagkita sila ni Bruce eh. Tayo naman!"
"Talaga? Nakipagkita sila ni Bruce?"
"Oo."
"Ganun? Oh edi sige! Magkita rin tayo bukas!" I can't stop myself for saying those words with excitement. "Pwede ko rin bang isama si Lizzie?" Lizzie and Ate are close since nagkita rin naman sila once and I'm sure they'll be happy to see each other again.
"Sure! Nako namiss ko rin yang anak mayaman na iyan!" Napatawa ako sa sinabi ni ate.
"I'm sure namiss ka rin no'n, ate."
"Aba! Dapat lang kasi parang magkambal na kami non."
Oo nga. Parang magkambal sila dahil pareho lang naman sila ng ugali kaya nga naalala ko palagi si ate kay Lizzie.
"O sya sya! Kita kits nalang tayo bukas! Isesend ko lang sa iyo ang time at kung saan tayo magkikita. Maghahanda oa kasi ako ng kakainin ng mag-ama. Bye! Ingat ka."
"Ikaw rin ate! Bye! Pakisabi 'I love you' kay Junior mula sa akin!"
"Aye aye!" Huling salita ni ate bago in-end ang call. Pinasok kong muli ang cellphone ko sa bag at napaharap kay Clint na hanggang ngayon, nakatitig parin sa akin.
BINABASA MO ANG
Beauty in Simplicity
RomanceHave you met a simple girl before? A girl who is smart, beautiful in her own way, kind and is prioritizing her studies first for her family? If you haven't, meet Shanie Rose Mendez, a simple girl studying at Climent High School. She's a beauty and b...