Chapter 13

24 8 15
                                    

Kurt's POV

"... Shanie Rose Mendez, this song is for you, baby."

I chuckled when I saw her stunned at where she is standing right now. Siguro nagulat ito dahil tinawag ko uli siyang 'baby' o kaya ito nagulat dahil hindi niya inaasahang kakanta ako para sa kanya.

Actually, ang plano ko lang ay mag confess sa kanya pero dahil pinilit nila akong kumanta, may pangiti at patango pa si Shanie kaya, I surrender. Kakanta ako. Dahil nga kakanta ako, dito ko idadaan ang mensahe ng pag-ibig ko para sa babaeng ito gamit ang kantang 'Simpleng tulad mo' ni Daniel Padilla.

"Alam mo bang may gusto akong sabihin sa'yo🎶
Magmula ng makita ka'y naakit ako..."

Pagsisimula ko ng kanta.

Natatandaan ko nung una kong nakita si Shanie. Bumisita kami no'n sa pinsan kong malapit lang ang bahay sa kanila. Dahil wala akong ginagawa ay napagpasyahan kong lumabas at magpahangin muna.

Habang naglalakad ako ay nabigla ako nang biglang nilipad ng hangin ang sombrero ng babaeng nasa unahan ko. Pinulot ko iyon at nang napaangat ako ng tingin ay ako'y nabighani sa kagandahan ng babae.

She's so beautiful that it made my heart race. She's as beautiful as a goddess... oh scratch that. She's more beautuful than a goddess. I thought silently.

"Sa'yo ba to?" Tanong ko nang nakalapit na ako sa kanya.

"O-oo... s-salamat." Even her voice is beautiful.

"You're welcome! The wind is so nice, it makes me feel comfortable..." sabi ko sabay tingin sa perpekto niyang mukha.

"Yeah it really is nice." Aniya sabay ngiti. Right then, I did not notice that I, too, was smiling.

"Simple lang ang pangarap ko...
Maging ikaw at ako ang tanging ligaya ko
Simpleng tulad mo la la la la la~~🎶"

I was happy that she is my classmate and much better, my seatmate. I got to know her better since the day we met again.

Yes, she's simple and that is why I have fallen for her more. Nung araw na ininterview kami ay hindi ko talaga mapigilan ang sarili kong tumingin sa kanya habang sinasagot niya ang mga tanong ni Chelsea sa kanya.

I watched her kissable lips move everytime she speaks. Nung napansin niyang ako ay nakatingin sa kanya, agad-agad kong binawi ang tingin para di makahalata. Whoo! Muntik na 'yon!

After our interview, even I was shocked when I ran to stop her just to treat her. When I touched her hand, a weird kind of electricity crawled at my nerves. She feels so fragile just by touching her arms.

Ito ang unang pagkakataon na naging masaya ako kasama ang isang babae. Habang nagkwe-kuwentuhan kami at kumakain ay ramdam ko ang puso kong naghuhuramentado sa loob ko.

Ginawa ko pa ngang baguhin ang account name ko. Kurt Sigmund, just like what she suggested.

"Wala na nga kong maihiling pa kundi ikaw....
Ikaw ang kailangan ko...🎶"

Nung intrams, kinakabahan talaga ako dahil finals na at gusto kong manalo. Hanggang sa dumating si Shanie at nanood. Nagpasalamat talaga ako sa kanila ni Micha dahil kahit na kakatapos lang ng game nila ay nagawa pa nilang suportahan kami.

Mas lalo akong naenergize dahil nung nalaman kong hindi siya nanalo sa chess, ang puso ko ang nagdesisyon na papanalunin ko ang larong ito para sa kanya.

Siya ang inspiration ko. Siya lang ang kailangan ko para maipanalo ko ang lahat at kahit ang mundo ko ay ibibigay ko sa kanya. Hindi lang mundo ko, pati na rin ang puso, kaluluwa at buong pagkatao ko.

Beauty in SimplicityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon