Shanie's POV
"Class dismiss!" Anunsyo ko sa mga estudyante ko bilang sinyales na uwian na. Nagsimula na akong magligpit ng aking gamit at lumakad pabalik sa faculty room.
It's been 7 years since Kurt and I broke up. Pagkatapos niya akong iwan doon ay para akong mamamatay. Mamamatay sa lungkot at sa galit dahil sa hindi niya sinabi ang rason kung bakit niya ako hiniwalayan.
It's for your own good, huh? I don't know if I'm going to believe those words.
Umiyak ako ng sobra habang pinapanood ko siyang unti-unti nang lumalayo sa akin. Gusto ko siyang pigilan ngunit dahil sa sakit na aking dinadamdam ay hindi ko na kinaya.
Bumalik ako nun sa cottage, kinakabahan kasi andun si Kurt ngunit wala siya pagkarating ko roon. Sabi ni ate ay umuwi na raw siya. Alam narin nila nina ate, Bruce at Jon ang paghiwalay namin. Hindi na kami nagtagal sa beach at pagkasikat ng umaga kinabukasan ay agad rin kaming umuwi.
Galit rin si ate dahil sa ginawa ni Kurt ngunit itong si Jon, ayon sa kanya, hindi raw gagawa ng mali si Kurt ng walang rason.
Bruce kept on telling me to trust and believe on Kurt. It hurts that time so I don't know if my heart is still willing to trust or believe him.
"Hey Shanie!" Lizzie's voice filled the faculty room when I entered. I chuckled and greeted the teachers I walked pass with.
Si Lizzie ay college friend ko. Coincidence nga na pareho kami ng school na pinasukan ng trabaho.
We are both grade 2 teachers in Capili elementary school. Dalawa kasi ang section ng grade 2. Section 1 ako at section 2 naman siya. Ang school na ito ay malapit lang sa Climent high.
Marami nang nagbago sa loob ng pitong taon. Kasal na si Bruce sa kay Carlie ang college friend niya. Maniwala man kayo o hindi si ate ay nakasal kay Jon! Sabi na ngaba at sila ang magkakatuluyan. May baby boy na sila at ang pangalan niya ay Jonathan Jr. Ahahha natawa nga ako dahil pinag-awayan pa talaga nila ang pangalan ng kanilang anak. Ayon kay ate, baduy raw ang pangalan ngunit gusto iyon ni Jon kaya pinilit niya ang kanyang asawa. Sumang-ayon nalang si ate dahil mahal niya raw si Jon.
Sa kasal nila ay hindi umatend si Kurt. Dismayado nga si Jon dahil inaasahan niyang pupunta ang kanyang kaibigan ngunit hindi ito nagpakita.
I feel guilty in behalf kasi baka ako ang rason kaya hindi siya pumunta. Dahil alam niyang invited ako ay hindi nalang siya pumunta. That made me more doubtful if am I going to trust Kurt or not.
Tungkol naman sa pamilya ko ay marami ang nagbago. Grade 4 na si Leo. Bilis niyang lumaki. Napagtanto nga naming matalino itong batang ito dahil 1st honor siya simula kinder hanggang ngayon. Syempre proud kami dahil masipag siya.
Si ate Janine naman ay hindi na nag-aabroad dahil hindi na siya pinatrabaho ni Kuya. Housewife na siya ngayon at tinututok niya nalang ang kanyang sarili sa pag-aalaga kay Leo.
Si Kuya naman ay... naging weird siya simula nung nagsimula akong magtrabaho. Nung isang araw kasi bibisitahin ko sana siya sa companyang kanyang pinagtratrabahuan ngunit pinagalitan niya ako at sinabihan na wag na wag raw ako pupunta sa companyang pinagtatrabahuan niya. Alam ko ang address ng companya ngunit hindi ko alam ang pangalan. Tinanong ko naman si Kuya pero hindi niya talaga sasabihin.
Mas naging protective kuya narin siya. Pati narin kay mama.
Si mama naman ay nagpapahinga nalang sa bahay. Lalabas lang kung kakausap sa kapitbahay o kung sasama kay Ate Janine sa palengke.
"Oy Shanie! Saan ba kasi tayo kakain?" Si Lizzie. Naglalakad kami sa sidewalk papuntang mall kasi magshoshopping kami pero kakain muna. Mabuti nga dahil malapit lang ang mall sa school.

BINABASA MO ANG
Beauty in Simplicity
RomanceHave you met a simple girl before? A girl who is smart, beautiful in her own way, kind and is prioritizing her studies first for her family? If you haven't, meet Shanie Rose Mendez, a simple girl studying at Climent High School. She's a beauty and b...