Kurt's POV
March 8, my birthday. It has been how many days since the accident that happened to Shanie's kuya, kuya Sean and also when I agreed to break up with Shanie. I asked mom for more time so that I could spend my lovely days with Shanie before our break up.
Hindi ko mapigilang maisip kung ano ang mangyayari kay Shanie kapag nagkahiwalay na kami. Hindi ko rin alam kung kailan kami maghihiwalay ngunit alam kong dapat wag ko na itong patagalin kung hindi baka huli na ang lahat.
Sa araw pagkatapos ng insidente ay napagisipan ko na umarte na okay na ako. Oo, pinoproblema ko ang tungkol sa mangyayaring hiwalayan namin ni Shanie ngunit hindi ko na pinapahalata na iniisip ko iyon. Gusto ko muna maging masaya at magawa ang mga bagay na hindi pa namin ginagawa ni Shanie bilang mag-ibigan bago kami maghiwalay.
"Tuloy tayo sa beach ha!" Excited na anunsyo ni Micha. Magbe-beach kasi kami sa sabado para icelebrate ang 2nd monthsary namin ni Shanie at hanggang don lang kami. Wala ng 3rd monthsary kasi sa beach ko pinaplanong hiwalayan si Shanie.
"Bro, excited na ako!" Sabay siko sa akin ni Jon. "Excited ka rin ba?"
"Oo naman!" Wika ko sabay ngumiti. Tumawa si Jon sabay tapik ng kanyang kamay sa aking balikat.
"Alam ko ang rason kung bakit ka excited..." I frowned. He leaned closer to me and whispered. "...gusto mong makita si Shanie mag swimsuit noh?"
Gagong toh!
Sinikuhan ko siya dahilan ng pagkatawa ni Bruce.
"Ahahaha! Kung ano ano kasi iniisip mo Jon eh! Baka ikaw ang may gustong makita si Micha na magswimsuit?"
"Hoy anong pinaguusapan niyo?! Ba't nasali diyan ang pangalan ko?!"
Natawa nalang kaming tatlo sa pagalit na pagsasalita ni Micha.
"Sige na guys, tama na." Napatingin ako kay Shanie na nasa tabi ni Micha at nag-uusap. "Shanie, uwi na tayo..."
She looked at me and smiled.
"Mauna na kayo ni Bruce, Kurt. May bibilhin pa kasi kami ni ate sa mall."
"Sasamahan kona kayo." Napailing ito ng ulo.
"Hindi okay lang. Kasama rin naman namin si Jon eh." Napatingin agad ako kay Jon.
"Bro wag kang mag-alala. Ako ang bahala sa 'baby' mo. Mag tiwala ka lang."
I scoffed. "Kay Micha at Shanie may tiwala ako, sa iyo wala."
"Ang sama mo talaga birthday boy! Pasalamat ka at birthday mo't hindi kita mababatukan!"
"Sabi ng palaging nababatukan." Pagsasagot ko naman at tumawa silang lahat habang napanguso naman si Jon.
"Nice one Kurt! Mauuna na kami at maggagabi na." Sambit ni Micha. "Promise, iingatan ko tong 'baby' mo." Pagmamalaki nito.
I chuckled. "Dapat lang." Lumapit ako kay Shanie at hinawakan ang kamay niya. "Mag-ingat kayo ha... sigurado ka ba talaga na hindi na kita kailangang samahan?"
"Oo naman. Alam kong magpapaparty pa yung mama mo dahil birthday mo at kailangan mo ring mapahinga..."
"Sige..." hinalikan ko ang noo nito. "Wag magpagabi ha.." Tumango siya bilang sagot saka hinila na ni Micha at lumabas ng classroom.
Kaming dalawa nalang ni Bruce ang naiwan sa classroom. Napatingin ako sa kanya nang bumuntonghininga ito.
"Kurt, magsabi ka nga ng totoo."
My brows furrowed. "What do you mean?"
He tucked his arms in the middle of his chest and raised a brow.
BINABASA MO ANG
Beauty in Simplicity
RomanceHave you met a simple girl before? A girl who is smart, beautiful in her own way, kind and is prioritizing her studies first for her family? If you haven't, meet Shanie Rose Mendez, a simple girl studying at Climent High School. She's a beauty and b...