This chapter is dedicated to: nglcryl
Shanie's POV
Nagenjoy talaga ako ngayong araw! Pagkatapos naming kumain sa cafe kanina ay napadpad naman kami sa mall. Si ate, imbis na mamili ng mga gamit para sa kanya ay si Baby Jr. ang binilhan niya. Well normal lang naman iyon tutal nanay na siya.
Si Lizzie naman puro sa Penshoppe, H&M at Guess namili. Magastos talaga tong si Lizzie eh. Ako naman ay simpling tingin-tingin lang. Kung mamimili man ay kaunti lang ang aking mga binibili at ang mga mura lang. Kahit na may trabaho na ay kailangan paring magtipid for future use.
Antagal naming matapos mamili ng mga gamit, especially ate and Lizzie. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit minsan naiinis ang mga lalaking sumama sa mga babaeng magshopping o dikaya'y hindi na nitong papayagan ang babaeng maglibot-libot pa dahil ang paglilibot namin sa buong mall ay aabot pa ng ilang oras.
"Uuwi naba tayo? Wala na ba kayong pupuntahan pa?" Pagtatanong ko sa kanila. Si ate ay tumango lamang habang si Lizzie ay nagthumbs-up. Naglalakad kami ngayon palabas na ng mall.
"Sabay nalang kayo sa akin tutal may sundo ako." Masayang sambit ni Lizzie.
Ate looked at Lizzie and shyly shooked her head. "Naku Liz, nakakahiya naman." Napatango rin ako dahil sang-ayon ako sa sinabi ni ate.
Napatawa si Lizzie at tumigil sa paglalakad. "Hay! Kayo pa ang nahiya. Mga kaibigan ko kayo eh syempre dapat sabay tayong uuwi para safe narin diba?" At naglakad na ito muli. Nagkatinginan kami ni ate at napakibit-balikat na lamang. Well... marami rin naman kaming dala. Pero hindi ako. Dalawang paper bag lang ang dala ko habang anim kay ate at walo naman kay Lizzie. Oo nga noh... mahihirapan nito si ate.
Pagkalabas ng mall ay dumiretso kami agad sa may parking lot para hanapin ang sasakyan ng sundo ni Lizzie. Nang napagod kami sa kakahanap ay napaupo muna kami sa malapit na bench at nagdesisyon si Lizzie na tawagan ang kanyang sundo.
"Kumusta na pala si Junior, ate?" Napatingin si ate sa akin nang marinig niya ang tanong ko.
"Hmm... okay lang naman siya. He keeps on growing. Ang chubby na nga niya eh." I chuckled at what ate said. "Namiss mo na siya noh?"
Napatango ako. "Oo, namiss ko na si Junior."
"Eh... siya, namiss mo ba?" Napakunot noo ako sa tanong ni ate.
"Sinong siya?" Ate smirked. I frowned even more.
"Si Kurt. Namiss mo ba siya?"
"H-huh?"
"Hay nako Shanie. Wag mo na ngalang sagutin." Ngumiti agad si ate at napairap.
Bakit nasali si K-kurt sa usapan? Namiss ko ba siya? Hindi ko alam... o hindi ako sigurado.... Basta! Wag mo nalang isipin pa Shanie.
Maya-maya ay tumayo na kami nung dumating na ang sundo ni Lizzie. Ako ang una nilang hinatid pauwi. Dala ng pagod ay napahiga ako sa kama ko nang makarating sa bahay. Pero hindi talaga maalis sa isipan ko ang tanong ni ate kanina. Namiss ko ba siya? Oo... hindi...?
Sa kakaisip ay nakatulog ako.
Kinabukasan ay maaga pa akong nagising dahil may klase pa ako. Hinatid ako ni Clint sa school at si Leo naman ang ihahatid niya pagkatapos.
"Mamayang hapon, makakahintay ka ba? Baka kasi matagalan ako sa meeting eh." Si Clint.
Ngumiti ako. "Oo, sige. Pero itext mo lang ako kasi baka hindi mo ako masusundo. Makakacommute naman ako eh."
Napatango si Clint sabay ngumiti. "Sige. Ingat ka ha. Alis na kami." The window at the back seat opened and it revealed Leo's face.
"Bye Ninay!" He said those with a charming smile that made me smile too.

BINABASA MO ANG
Beauty in Simplicity
RomanceHave you met a simple girl before? A girl who is smart, beautiful in her own way, kind and is prioritizing her studies first for her family? If you haven't, meet Shanie Rose Mendez, a simple girl studying at Climent High School. She's a beauty and b...