Chapter 31

21 5 11
                                    

Dedicated to:lavegaslunalee

Shanie's POV

At yun nga, si Clint ang naghatid sa akin pauwi. Di ko alam pero parang mas gusto ko pang si Kurt ang maghatid  sa akin pero... Ah! Di ko na talaga alam.

"Shanie, why do you look disappointed?" Gulat sa pagtanong ni Clint, napatingin ako sa kanya. Ganyan na ba ako ka halata?  Nakasakay kami ngayon sa sasakyan niya't pauwi na.

"H-huh?" Umayos ako ng upo at tumawa naman siya ng mahina.

"Disappointed kaba dahil maaga tayong umalis sa party?" Oo, maaga kaming umalis. Pagkatapos nang pagkatapos niyang kumain, umalis na kami agad. Gusto ko rin namang umuwi ng maaga ngunit may... gusto pa akong... pag-usapan namin ni Kurt kanina.

Para hindi na siya magtanong pa, dahil hindi ko naman gustong pahabain pa ang usapan, nagsinungaling nalang ako sa kanya... even though I really want to tell the truth, but I shouldn't.

"Halata ba? Oo... akala ko kasi tatagal pa tayo doon." Minabuti kong maging tunog makalma at mahinahon ang boses ko.

He turned to me and smiled. "Sa susunod. Sa susunod, babawi ako sa iyo."

Pag may susunod pa. Hindi ko nalang iyon sinabi pa. Pakiramdam ko kasi... Oo.. may susunod pa ngunit hindi na si Clint ang aking kasama.

"Pasensya na't umalis tayo agad ha? It's just that... nag-alala ako... Shan. Sa'yo. Nag-alala ako sa'yo. Hindi mo kasi sinabi sa text kung saan yung birthday at kung sino ang sumundo't maghahatid sa iyo." I can sense the concern in his tone. One thing I like about Clint is that... once he's concerned about something, he'll give action to it directly. Hindi nito kayang magpakumbaba lang.

"Hindi, Hindi. Okay lang. Gusto ko narin namang umuwi at magpahinga na." Sagot ko sa kanya. Tumango ito at ramdam kong siya'y napakalma narin.

At naging tahimik narin sa wakas hanggang sa nakarating na ako sa bahay.

"Salamat sa paghahatid." Sabay bigay ko ng ngiti sa kanya at sinarado na ang pintuan ng sasakyan.

"Always welcome, Shanie." Sabay nagbigay rin ng ngiti. I waited for him to leave before I could go inside the house.

Kinabukasan, kagaya ng nakasanayan, maagang nagising at nag-ayos na ng gamit na dadalhin para sa aking pagtuturo. Tinext ko si Clint at sinabihan siyang magco-comute nalang ako papuntang school at pauwi na rin kasi wala rin namang pasok ngayon si Leo. Di ko nga alam kung bakit.

Pagkalabas ko ng bahay, meron akong napansing sasakyan na kulay pula na hindi ko pa nakikita noon. Nakapark ito sa harapan ng bahay na katapat lang ng bahay namin. Siguro bumili sila ng sasakyan. Swerte naman. Mukang pangmayaman pa.

Inirapan ko nalang ito at naglakad na para maghanap ng tricycle para makaalis na. Matagal bago ako makahanap ng tricycle kaya matagal rin bago ako nakarating sa school.

Pagkarating ko roon, napansin ko nanaman uli yung kulay pula na sasakyan. Sinusundan ba'ko nito? O di kaya'y... kapareha lang ng sasakyan nakita ko kanina? O di kaya'y may hinatid rin iti dito sa school... ngunit... wala namang anak yung nakatira sa katapat bahay namin...

Nagsisimula na akong kabahan ngunit may guard naman yung school kaya safe ako rito. Pero pano kung... ah! Hindi. Hindi niya maaaway ang matapang at malakas naming guard sa school na ito!

Pumasok na ako sa school at binalewala nalang ang mgs naiisp tungkol doon sa sasakyang pula. Pag-iyon hanggang pag-uwi ko sinusundan parin ako... lagot yan sa mga pulis! Teka, may numero ba ako ng pulis station namin dito? Kung wala, manghihingi nalang ako kay manong guard mamaya.

Beauty in SimplicityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon