Chapter 34

17 5 2
                                    

This chapter is dedicated to my friends. I want to thank them for supporting me and giving me a reason to not quit writing💕. God really blessed me with good friends. I love you all always and take care😊.

Kurt's POV

"...siguro may rason kung bakit niya ginawa yon. Why not ask to be sure."

Tanda kong suggest ni Shanie sa akin nung araw na nagkabati na kami. Yes, gusto ko ring tanungin si Mommy kung may iba pa bang rason malalim man o hindi kung bakit niya iyon ginawa pero, hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob nung gabing iyon. I held myself back. Hindi dahil galit parin ako kay Mommy pero dahil... natatakot ako sa malalaman ko.

"Kurt?" Nilingon ko si Shanie na tumawag sakin. Sinusundo ko siya ngayon sa kanila dahil aattend kami sa birthday ni Jon Jr.

As she walk towards me, my worries fade away because of her simple beauty. A breath taking one. Ngumiti siya sakin sabay winave ang kanang kamay. I did the same.

"Sorry at napatagal nanaman ako sa pag-aayos. Si mama kasi... hindi makapili kung ano ang dapat kong suotin." Napatawa ako ng mahina sa sinabi niya.

Obvious naman. Naka floral white dress siya ngayon at heels. It's rare to see her wearing those.

"Okay lang. And Shanie, you look extremely gorgeous today." She blushed and that made me smile.

"Ikaw rin. Mukhang malalim ang iniisip mo kani-kanina lang ah." Wika niya habang pinagbubuksan ko siya ng pintuan at pumasok narin.

"Wala yon. Bilisan na natin. Maya-maya magsisimula na ang birthday party."

"Sige." She agreed. Agad naman akong pumasok sa drivers seat tsaka pinaandar ang sasakyan at nagdrive na papunta sa bahay nina Jon.

"Pupunta rin pala mamaya si Lizzie. Ipapakilala kita sa kanya." I turned my head to look at her.

"Hindi ba kilala na niya ako?" At kilala ko naman itong si Lizzie dahil bukambibig siya ni Shanie sakin.

"Oo pero hindi niyo pa kilala ang isa't isa talaga ng mabuti at para narin maging malapit pa kayo sa isa't isa." Hays... Shanie has a point. Well dahil kaibigan siya ni Shanie, Lizzie is also my friend now. "Pati si Clint!" But not that man!

"Pati siya?" Pati ang noo ko kumunot narin. Muntik na niya kayang makuha si Shanie mula sa akin! Mabuti nalang talaga at minarkahan ko yang puso niya na sa akin lang siya.

"Kailangan magkabati kayo Kurt. Pasalamat ka nga dahil di siya nagalit sakin nung nireject ko siya, ulit. Tsaka nung wala ka at kailangan ko ng pag-aaruga, nandoon siya para sa akin." Again, she has raised a point. Bumuntonghininga ako at tumango nalang. Fine, I surrender. Tsaka sige, magpapasalamat ako sa kanya mamaya dahil iniingatan niya si Shanie.

We had so many conversation hanggang sa makarating kami sa bahay nina Jon.

Sa malayo palang, matatanaw mo agad ang dami nga tao especially ang mga bata. Tapos may mga lamesa pa sa labas at nagsisikain na ang lahat.

Agad naman kaming lumabas sa kotse at pumasok na sa kanilang bahay at nahagip agad ng mata ko ang birthday boy na nakaupo sa upuang nasa gitna ng mesa't kumakain kasama ang mga magulang nito.

"Hahanapin ko muna kung nasaan sina Lizzie tsaka Clint. Mauna kanang pumunta doon sa mesa ng birthday boy." Wika ni Shanie at hindi na hinintay pa ang sagot ko dahil agaran na itong umalis.

Napahinga ako ng malalim at lumakad na palapit kina Jon. Nang mapansin nila ang presensya ko, isang malaking ngiti ang ginawad ng mag-asawa sa akin pero si Junior ay kuryoso lang akong tinitigan. Di pa pala ako kilala ni Junior noh?

Beauty in SimplicityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon