Chapter 19

22 8 0
                                    

Shanie's POV

"Are you ready Shanie? You're next." Wika ni ate sa akin sabay upo sa upuan sa tabi ko. Nasa likod kami ng stage na nasa field at gabi na. Talent portion na ngayon ng rampa at no. 4 contestant ako.  Napansin ko na puro kanta ang talent ng mga kalaban ko. Ako lang yata dito ang sasayaw.

"Parang hindi ako ready... ako lang yata ang sasayaw kaya kinakabahan ako.." It's true. Marunong nga akong sumayaw pero hindi naman ako magaling. Nung practice nga ay palagi akong pinapagalitan ni ate Joshepen kasi ang tigas raw ng katawan ko. Pinapayoga pa nga ako para lumambot itong katawan ko. Ang hirap ng yoga, parang binabalian.

"Eh? Bakit ka naman nakakabahan eh mas mabuti nga na ikaw lang ang sasayaw! Unique! Panigurado, best in talent makukuha mo!" Pagrarason ni ate sa akin. I'm not sure though, na mapapasaakin ang best in talent award pero sure ako na gagawin ko ang best ko dito.

"Shanie, ayusin ko uli yang make-up mo." Lumapit sa akin si ate Janine saka inayos ang make up ko. Ate Janine is Kuya's wife. Kakauwi niya lang nung Sunday galing abroad at nung nalaman niya na magrarampa ako ay agad siyang nagvolunteer na tutulong sa pag-aayos sa akin. Sila ni ate at ate Joshepen ang nag-ayos sa akin ngayon.

Nga pala, ang gown na susuotin ko mamaya ay red long gown. Nung una akala ko ang susuotin kong gown ay yung puting gown na sinuot ko nung sinorpresa ako nina Kurt pero hindi. Itong gown na ito ay galing sa pera ng mga classmate ko na tinipon-tipon nila para sa akin. Thankful nga ako kasi todo support ang mga kaklase ko sa akin.

"Ayan! Okay na! Ganda-ganda talaga ng sister-in-law ko!" Natawa ako sa sinabi ni ate Janine. Somehow, it lessen my nervousness. Being happy really does make you feel good.

I smiled. "Thank you ate Janine!" Wika ko sakanya naikinangiti niya ng malapad.

"Thank you contestant no. 3! A round of applause please!" I stiffened as I heard the announcement of the host. Ako na!
"And now for the next contestant, let us welcome Shanie Rose Mendez of grade 10!" Dugtong pa ng host na mas ikinakabahan ko pa.

"Go Shan! Kaya mo to!" Sabay na sambit nina ate at ate Janine. I looked at them and smiled. I sighed deeply as I step on the stairs, going up to the stage.

Pagkaakyat ko ng stage ay pakiramdam ko nawawala na ang aking kaba dahil sa mga hiyaw ng mga kaklase ko. Malakas ang hiyaw nila ngunit mas nangingibabaw ang boses ng lalaking minamahal ko.

"Go Shanie! Kaya mo to! Magtiwala ka at mananalo ka rin! I love you!" Sabay tili ng mga tao dahil sa anunsyo ni Kurt dahilan ng pagkamula ng aking mga pisngi.

Pumwesto na ako sa sentro ng stage at nang marinig ang musika ay agad na akong nagsimulang sumayaw.

While dancing, I was smiling because of the cheers of my classmates and my family. Hinihingal ako pagkatapos kong sumayaw, still I managed to bow and smile to the judges and audiences.

Bumaba na ako sa stage at pumunta sa classroom ng grade 10 para mag ayos para sa last segment ng show which is the long gown competition at parte na rin doon ang Q&A portion.

Nagmamadali nila akong inayusan dahil pagkatapos ng intermission number ng grade 8 ay masusunod na ang long gown segment.

I nearly tripped when I hurredly wear my gown. Crap! I thought I ruined my gown but thankfully, it's still good and beautiful.

"You look so beautiful... anak." Nilingon ko si mama at ningitian. I'm glad I have a supportive mother.

"Thank you, mama." Nagulat ako ng bigla akong niyakap nito ng mahigpit.

"Manalo man o matalo, proud parin ako sa iyo. I love you, anak."

"I love you too, mama." I declared as I hugged her back.

Beauty in SimplicityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon