Chapter 33

15 5 7
                                    

This chapter is dedicated to my family. For the support that they gave and for the motivation they make for me to continue on writing. I love you fam!❤️

Shanie's POV

Dalawang araw na ang nakalipas simula nung nag-usap kami ni Kurt. Bago ko siya binigyan ng permission na manligaw ulit sa akin, sinabihan ko siya na kailangan kong kausapin si Clint tungkol dito. At sana ay hindi siya magalit at tanggapin niya nalang ito. Dahil mula nung una, ayaw ko naman siyang payagan na manligaw sa akin dahil may pakiramdam ako na may pangyayaring kagaya nito.

Napag-usapan namin ni Clint na sa Restaurant malapit sa school lang kami magkikita dahil may klase pa ako at magkikita kami doon pag alas-kuwatro na at mula kanina ay hindi ko mapigilang makabahan.

"Shanie! Jusko gurl hintay!" Sabay tingin ko sa sumigaw habang tumatakbo na si Lizzie. Palabas na ako ng school ngayon at siguro pati narin siya. Halata naman dahil dala-dala niya yung malaki niyang bag.

"Oh, Lizzie?"

Humingal-hingal ito sabay napangiwi.

"Sandali lang sumakit yung mga paa ko." Tumawa ako ng mahina sa sinabi niya.

"Ba't mo ba kasi kailangan pang tumakbo. Nakaheels ka pa." She smirked.

"Anong nangyari nung wala ako?"

"H-huh?"

"Ah... wala. Nevermind!" Sabay tumawa. Di ko alam kung ano ang iniisip niya kaya binaliwala ko nalang ito. Pero parang ang weird ng tanong niya. Siguro nag-aalala lang ito sa akin ngunit base sa tono ng pagtatanong niya, parang hindi.

"Ah, nagkausap pala kami kanina ni Micha sa telepono. Inimbitahan niya akong pumunta sa birthday ni baby Junior! Waaah! Naeexcite ako!"

Oo nga pala... birthday na ni Junior sa susunod na bukas. Ang bilis lang talaga ng panahon at ang dali lang lumaki ng mga bata.

"Mabuti yon. I'm sure we'll have fun."

"Syempre Shan! Nandoon kaya ako! Party girl comin'!" Napailing ako sa kanyang sinabi.

"Tandaan mo Liz, kids party iyon hindi bar." Awkward na napatawa ito at humarap sa akin.

"O-oo naman! I know that. Hehe..." We giggled after what she said. At kasabay non ay ang pagpark ng service ni Lizzie sa harapan namin.

"Oh, andyan na pala si manong. Sabay ka samin?"

I waved my hand out of disagreement.

"Hindi na." Simpleng sagot ko.

"May pupuntahan ka pa?" Tanong nito habang nakahawak na sa pinto ng sasakyan.

"Oo. Nasa malapit lang." Tumango-tango ito sa sagot ko at ngumiti.

"Ah sige. Mag-ingat ka. Bye!" At pumasok na siya sa sasakyan.

"Ikaw rin!" Sabay gumawad ng ngiti at kumaway.

Whoo... okay, papunta na ako doon. Kalma lang, makakaya mo ito... Shanie. Just tell him the truth and it'll be fine.

Me trying to calm myself pero, hindi yata umepekto dahil habang papunta doon sa restourant na kikitain namin ay matindi na ang kibog ng puso ko dahil sa kaba.

Kumalma ka... sarili ko. Kaya mo to!

Pero wala talagang effect eh! Nandito na ako ngayon sa harapan ng resto at kinakabahan parin.

Whoo! Maaayos mo to, Shanie!

Oo maaayos ko to pero paano ko ba sisimulan ang usapan?

Pumasok na ako sa resto at hinanap agad si Clint. Nasa pinakadulo siya at nasa katabi ng bintana nakapwesto ang mesa. He's wearing a plain black tee and blue jeans. Chill lang habang nakaupo at tumitingin sa labas ng bintana.

Beauty in SimplicityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon