Chapter 17

21 8 0
                                    

Kurt's POV

"Sige pa! Igewang mo yang bewang mo, hija!" Pasigaw na sabi ng trainor ni Shanie sa pagrarampa.

"O-opo!" Nauutal nitong sagot sabay rampa uli.

Nagpapractice siyang magrampa dahil siya ang pinili naming representative ng grade 10 para sa darating na Ms. Climentallian this year na magaganap sa last week ng January. Pinili namin si Shanie dahil maganda siya at matalino.

January 6 na ngayon at second day na ng practice niya.

Nung pinili namin si Shanie bilang representive ay ayaw niya pero sa huli pumayag ito dahil wala na kaming mapipiliang mas mabuti na kandidata para maging representative kundi si Shanie lang.

Pinapanood ko siya ngayon magpractice dito sa clasroom at kasama ko si Jon at Bruce. Syempre dahil manliligaw ako, kailangan supportive. Speaking of manliligaw, kahit na January na ngayon at matagal-tagal narin nung unang araw ko na manligaw ay hindi parin ako sinasagot ni Shanie. Pero kahit na ganon ay willing parin akong maghintay dahil ganon ko siya kamahal.

"Tumayo ka uli! Lakad." Umusbong ang boses ng trainor ni Shanie sa buong classroom na si Joshepen nang natipalo si Shanie na ikinagulat din namin. Ang pag pronounce ng Joshepen ay Jow-she-pen at oo, bakla ito. Kinuha namin siyang trainor para kay Shanie dahil hindi siya marunong magrampa. "Sige! Igewang mo ang bewang mo." Dugtong pa ni Joshepen nang tumayo uli si Shanie at nagsimulang maglakad sabay napahinga ako ng maluwag.

Alam kong hindi madaling sumuko si Shanie. Kaya niya to.

"Ano ba yang si Joshe- pen pen desarapin!" Pagrereklamo sabay tukso ni Jon.

"Bakit? Na kutsilyo de armasin ba?" Pagsasagot naman ni Bruce na ikinatawa ko.

"Hindi ka bagay magbiro, Bruce."

Napalingon kami kay Micha na nagsalita habang ito ay nakatayo sa likod namin.

"O, andito kana pala Micha. Kanina kapaba diyan?" Pagtatanong ko.

"Hmm..hindi nagtagal." Sagot nito sabay upo sa tabi ni Bruce.

"Kumusta na ang practice mo sa Folk dance?" Folk dance kasi ang sinalihan ni Micha.

Ngumuso ito. "Ang hirap. Parang ayaw ko nang sumali sa susunod. Sana naghiphop nalang ako katulad ninyo para half day lang ang practice."

Hiphop ang sinalihan namin nina Bruce total wala naman kaming ibang masalihan pa at marunong din naman kaming sumayaw. Nagtatabling pa nga itong si Jonathan eh.

Half day lang ang practice namin dahil college student pa ang nagtuturo sa amin kaya nag-aaral ito kada hapon. Marami pa namang araw ang natira para sa pagpapractice kaya okay lang.

"Eh sana sumali ka! Sino nga yung partner mo? Yung bungi diba? Ay oo, siya nga! AHAHAHA!" Napailing nalang ang ulo ko kay Jon dahil nagsisimula naman itong manukso kay Micha. Siya nanaman ang magsisimula ng away nila. Mabuti at hindi sila magkatabi kung magkatabi sila ay sigurado akong palalabasin sila ng trainor ni Shanie at syempre, idadala rin kami nito.

"Ikaw Jon ha, hindi kita ginagalaw diyan. Baka gusto mong istapler ko yang bibig mo!!" Mahina pero pasigaw na sabi ni Micha. Pagmalakas niya tong sinabi ay sigurado akong magagalit talaga itong si Joshepen.

"Aba't sige ba! Tingnan natin kung may stapler kang dala!" Pagsasagot muli ni Jon na mas ikinagalit pa ni Micha. Wala bang araw na hindi sila mag-aaway?

"Huy tama na nga yan. Magagalit yung trainor ni Shanie lagot tayo isa pa, baka kayo pa magkatuluyan niyan." Pagsasaway ko sa kanilang dalawa at napatikom naman sila ng bibig.

"Sabi nila sa field raw gaganapin ang Ms. Climentallian this year." Naagaw ni Micha ang atensyon namin.

"Oo eh."

"Huh?! Sa field aba, sabihan niyo si Shanie na hindi ako makakasupport sa kanya kung ganun." Reklamo uli ni Jin sabay napaumismid sa upuan. Heto nanaman siya.

"At bakit naman?" Sabay naming tanong ni Bruce.

He frowned. "Ang init kaya!"

I was about to talk when Micha did the pleasure to scold Jon.

"Hoy gag*! Sa gabi gaganapin ang event! Okay ka lang? At tsaka, maitim kanaman eh kaya ba't ka matatakot sa araw?" She raised a brow.

"Ganun ba?" Sabay nagkibit-balikat na sabi ni Jon. "Eh, baka matipalo yang si Shanie kasi magrarampa sila sa field! Bato-batuhan kaya ang field. Kurt, bro dapat malapit ka sa kanya para masalo mo kung sakaling mahulog. Hehe..." Me and Bruce shook our head in disbelief because of what he said.

"Jon! Bobo kaba?! Sa tingin mo, hahayaan ba ng mga teacher ma may maaksidente sa mga kandidata? Syempre maglalagay sila ng stage!" Pasigaw at iritang sagot ni Micha.

"Ay, sorry po di ko alam. Tao lang ako..." nag peace sign pa si Jon.

"Nakakairita kang bobong tao, Jon." Sabi ni Bruce at hindi na sumagot pa si Jon. I chuckled.

Rinig ko ang pagbuntonghininga ni Micha kaya napatingin ako sa kanya. "May problema ba, Micha?" Tanong ko.

Tumingin siya saakin at tumango tapos ay bumaling ito kay Bruce."Uhm... Bruce, palit tayo ng pwesto. May sasabihin ako kay Kurt." Aniya sabay napatayo.

"Sige..." Tumayo si Kurt at nagpalitan na sila ng pwesto.

Micha leaned closer and was about to say something when Jon spoke.

"Nagsisicreto naman kayong dalawa! Ba't di niyo kami isali?" Nakahalukipkip na tanong nito. My brows furrowed as I reach for his arm and pinch it.

He winced. "Just shut the f*ck up." Seryoso kong sambit sa kanya kaya muli itong napatikom ng bibig.

Napatingin uli ako kay Micha. She rolled her eyes, lips mumbling something. Alam ko na naiinis ito kay Jon kaya ito may sinasabi sa sarili.

Muli, pinalapit niya ang sarili sakin sabay napabulong.

"Si Shanie kasi...." pagsisimula niya at napakunot naman ang noo ko.

"Oh?"

"Eh kasi... diba birthday niya sa 10, at Friday yun. Eh... 18th birthday niya at gusto sana ni tita na magdedebut ito ng magara ngunit ayaw naman ni Shanie kasi daw magastos tsaka may practice sa buong araw kaya hindi pwede."

Because of what she said, I turned my gaze at Shanie who is now practising her intro. Knowing Shanie, ayaw nitong magparty kaya imposibleng papayag siyang magkaroon ng magarang party. Sana hindi sinabi ni tita na magara ang party para kahit papaano ay papayag naman si Shanie kapag simple lang. I sighed.

"Pwede naman sa gabi auh."

"Oo nga, sinabihan ko rin si Shanie kaya lang syempre pagod yun galing sa pagpapractice kaya... imposible...."

Napaisip ako kung ano ang gagawin ko para maicelebratevang birthday ni Shanie. She deserves a very special party yet I don't think she'll like it instead, maybe she'll get mad from all the money we'll spend.

"Eh sa sabado?"

"Hindi ko alam eh. Kurt, 10 ang birthday niya hindi 11..."

I sighed. "Kaya nga. Para hindi halata. Sa gabi natin iheheld ang party. Okay naman dahil diba, may practice siya nun sa hapon?"

"Hmm... oo! Alas singko daw yun matatapos. Eh, anong plano mo?" Makikita mo sa kanyang mga mata ang kuryosidad ngunit may excitement rin na nakahalo rito.

"Hmmm...." napaisip uli ako. A plan came up in my mind that made me smile. "May naisip nako! Bruce, Micha at Jon listen carefully..." lumingon sila Bruce at Jon ng tinawag ko sila si Micha naman ay napangiti narin.

"Salamat at sasali narin kami sa usapan." Jon sighed in relief while Bruce chuckled.

My smile turned into a grin. "We're gonna make Shanie love surprises."


Beauty in SimplicityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon