This chapter is dedicated to: MessBenana
Shanie's POV
"Sinabihan ako ni teacher Lizzie na umiyak ka raw kahapon... pwede mo bang sabihin sa akin kung bakit?" Pagtatanong ko kay Jason. Recess nila ngayon pero pinaiwan ko muna siya rito sa classroom. May baon naman siya kaya dito nalang siya kumain.
Umirap ito saka umiling. I chuckled.
"Nahihiya ka ba sa akin? Nahihiya ka bang mag share ng problems mo kay teacher?" Wika ko at tumawa ako ng mahina nang naging pula ang kulay ng pisngi nito. "Jason... hindi ka nga nahiya kay teacher Lizzie eh, ba't pagdating sa akin nahihiya ka?" Pagtatanong ko. He turned his gaze at me then I smiled.
Mga bata ngayon... mabilis nang mag mature.
"So...?" He sighed. Nakakatuwa naman tong si Jason! Ang cute!
"Si mama... tsaka... si papa narinig ko
silang nag-aaway dahil sa... pera..." Habang sinasabi niya ito ay ramdam ko ang lungkot sa boses niya. "Siguro dahil sakin kaya sila... nag-aaway..." ngumuso ako dahil sa sinabi niya."Wala ka namang kasalanan, Jason. Hindi naman nila binanggit ang pangalan mo habang nag-aaway sila, diba?" Tumango ito. "Edi wala kang kasalanan. Kaya nga papapuntahin namin ang mga magulang mo mamaya para makausap sila't mapaintindi sa iyo ang kanilang dahilan bakit sila nag-aaway."
Ngumiti ako sa kanya nang napansin kong titig na titig ito sa akin."Jason, ang pag-aaway ay talagang hindi yan maiiwasan ngunit kailangan parin nilang mag-ingat sa kung saan sila nag-aaway."
"Papagalitan mo po ba sina mama at papa, teacher?" Nag-aalalang tanong nito.
"Naku, hindi. Kakausapin ko lang naman sila, okay?" Napangiti ito kaya ngumiti rin ako. Kasabay non ay ang pagring ng bell senyales na mag-sa-start na ang klase. Lumabas ako sa classroom at pumunta sa faculty room para kunin ang mga gamit ko bago ako pumunta sa classroom ng grade 3.
"Teacher Shanie!" Pagkapasok ko sa faculty, agad akong napalingon ako Lizzie na tumawag sa akin habang madaling naglalakad papunta sa direksyon ko. Kumunot ang noo ko nang nasa harapan ko na to.
"May problema ba, Teacher Liz?" Oo teacher Liz. Kapag kasi nasa school grounds kami at hindi pa dismissal, kailangan naming sabihin ang word na teacher bago ang pangalan.
"May tumawag kanina sa telepono ng school. Sabi raw ay mamayang hapon, pupunta ang mga magulang ni Jason. Ipaalam ko raw sa iyo." Aniya tas sabay kaming naglakad papunta sa mga mesa namin. Magkatabi lang naman ang mesa naming dalawa.
"Ganun ba? Sige, nakausap ko naman si Jason kanina eh."
Bumuntonghininga ito. "Mabuti naman. Sige at may klase pa ako sa grade 1. Bye!"
"Bye!" Wika ko sa kanya at lumabas naman siya sa faculty.
Pagkatapos kong kunin ang mga gamit ko ay lumabas narin ako sa faculty papunta sa grade 3. Sa lahat ng grade levels, ang grade 3 lang ang walang ibang section, ibig-sabihin isa lang ang section nito.
Habang papunta don ay natandaan ko ang sinabi ni Lizzie kanina na mamayang hapon pupunta ang mga parents ni Jason. To be honest, first time kong mag-uusap sa mga parents kaya tuloy ay kinakabahan ako. Pero may something sa kaba ko na pamiliar. Para bang naramdaman ko na ito noon pero hindi ko lang matandaan kung kailan at saan.
Mabilis na lumipas ang oras at hapon na ngayon. Nandito ako sa advisory classroom ko para idismiss ang aking mga estudyante.
"Miss Shanie, totoo bang ipinatawag ang mga magulang ni Jason?" Tumingin ako sa estudyante kong nagtamong.

BINABASA MO ANG
Beauty in Simplicity
RomanceHave you met a simple girl before? A girl who is smart, beautiful in her own way, kind and is prioritizing her studies first for her family? If you haven't, meet Shanie Rose Mendez, a simple girl studying at Climent High School. She's a beauty and b...