Chapter 14

23 8 0
                                    

Shanie's POV

Tulala ako ngayong nakatingin sa labas ng bintana habang ang aking kamay ay dinadama ang aking labi.

It's been a week since Kurt sang for me, he confessed and the thing that I really can't forget is that, I got my first kiss from him. I was shocked when he made the move but when I heard him say 'I love you' I automayically recovered from my shocked then smiled.

Nung gabing iyon ay hinatid ako ni Kurt sa bahay. Pagkarating namin sa bahay ay si mama ang bumukas ng pinto. Taas kilay niyang tiningnan si Kurt. Halatang nagtataka kung bakit siya yung kasama ko.

Agad ko naman itong pinakilala kay mama at nagulat kaming dalawa nang sabihin ni Kurt na nanliligaw ito sa akin. Akala ko ay sesermonin kami ni mama pero yun, pinapasok niya sa bahay si Kurt at don na pinakain ng hapunan at proud pa na ipinakilala ito kay kuya.

"Naku nak! May gwapong manliligaw yung bunso mo!!" Sigaw ni mama.

"Mas gwapo naman ako ma." Pagsasagot ni kuya na ikinatawa namin ni Kurt.

I looked at him and smiled. He smiled back then reached my hand to hold it.

"Ay anak, mas gwapo yang apo kong si Leo! Diba, Leo?" Tanong ni mama sabay tiningnan si Leo na nasa tabi ni Kurt.

"Opo!" Sabi ni Leo tapos tumingin sa kay mama at ngumiti. Napatawa sa Kurt at tiningnan akong nakataas ang kilay.

Nabigla ako nang napalapit ang mukha nito sa akin at napabulong sa tenga ko. "Sinong mas gwapo, pamangkin mo o ako?" Tanong nito at ramdam ko ang hininga nitong dumampi sa leeg ko. Naamoy ko rin ang mabango at mala lalaki niyang amoy.

I can feel my face heated as I whispered back to him. "Ikaw." Walang pag-aalinlangan kong sagot. Tumawa ito at ngayon napatuwid na ng upo at kumain na.

I smiled as I think about that night, again and again at hindi akong magsasawang isipin iyon kahit na tumanda pa ako.

I shrieked when I felt a hand patting my head. I looked up and saw Kurt. He giggled while I pouted.

"Good morning!" Sabi nito.

"Why pat my head Kurt?" I asked placing a playful smile on my face.

"Want a hug instead?" Sabi nito tapos binuka ang mga kamay na para bang inaaya akong yumakap sa kanya.

Ever since Kurt started to court me, napapansin kong nagiging sweet siya. Well, mas sweet kasi sweet naman siya noon pero ngayong nanliligaw na ito sa akin mas naging sweet pa ito.

Minsan nga natatawa nalang ako sa kanya dahil magsasabi palang ako na gutom ako ay biglang tatakbo yun papuntang cafeteria. Pagkabalik, may dala-dala na itong Fries tsaka coke.

He knows my favorites already. Minsan nagiging clingy rin itong lalaking toh. Pagbibili ako ng pagkain at iba ang kasama ko ay bigla itong susulpot tapos hahawakan ang kamay ko. Truth to be told, I like him holding my hand. It feels comfortable and I can feel that I am always safe whenever this hand is holding me tightly.

I admit, gwapo si Kurt, mabait at matalino kaya habulin ng mga babae. Sabi nga ni ate swerte raw ako dahil ako ang pinili ni Kurt pero, may kaba talaga akong nararamdaman na para bang hindi magtatagal ay may masamang mangyayari para masira kaming dalawa but, I trust Kurt. Alam kong mahal niya ako at naniniwala ako don.

Pagkadismissal ay nagpagpasyahan namin na pumunta ng National bookstore para mamili ng kakailanganin namin sa group project sa math kung saan kaming lima ay magkakasama sa isang grupo.

"Bakit hindi nalang tayo sa expression? Mas mura pa don." Rinig kong pagrereklamo ni Jon habang naglalakad kami papuntang National.

"Ikaw talaga Jon, puro ka reklamo! Kung gusto mo, don ka sa expression basta kami sa National!" Angal ni ate sabay hatak sa akin papuntang National at dahil magkahawak kamay nanaman kami ni Kurt ay pati siya nakasama sa pag hahatak sakin ni ate.

I chuckled when Jon is stomping his feet, forcing himself to go with us inside the National.

Tumigil kaming lahat sa seksyon ng mga cartolina.

"Shanie, pink or whi- oh Jon, ba't nandito ka kala ko sa expression ka?" Napatigil si ate sa pag-uusap sa akin nang makitang nasa likod namin si Jon.

"Micha, tama na nga yan at kumuha kana ng cartolina. Maglilibot muna kami ni Shanie." Pagtitigil sa kanila ni Kurt at napatikom naman si ate ng bibig tsaka tumango. I heard Bruce sigh.

"Sige na Bro, ako na ang bahala sa dalawang ito kung sakaling mag-aaway nanaman." Bruce said, patting Kurt's shoulder. Napatango naman sa kanya si Kurt at dinala na ako sa seksyon ng mga notebook. Wait, wala namang notebook sa requirements na kailangan namin sa project ah?

"Uhm... Kurt, kailangan mo ba ng notebook? I-i mean, wala naman kasing notebook na nakalagay sa requirements natin auh?" Pagtatanong sa kaniya at napatingin naman ito sa gawi ko. He chuckled.

"I need this for an another project." Napabalik ang tingin nito sa mga notebook habang ako naman ay naiwang nagtataka habang nakatingin sa kaniya.

"Nag-iisa lang naman ang project natin auh?"

"Project ko lang." Sabi nito tapos kinuha yung notebook na may nakalagay na 'Loving her is what I like.' I stared at him still not keeping up at whatever he said.

"A-anong project?" Tanong ko at napatingin narin sa mga nakadisplay na mga notebook. From the corner of my eye, I saw him looked at me so I turned my gaze at him.

Bumuntong hininga ito sabay napatawa ng mahina. I frowned.

"What?" I asked confusingly.

"Ang project ko na tungkol sa pagpaplano ko ng mga gagawin ko bilang manliligaw mo." He smiled as I can feel my cheeks turn red. Jeez, ilang beses ba sa isang araw plano niyang papablushin ako? I shook my head as I chuckled at my thought.

"I really love to see you smile, Shanie." I blushed again! This time, I managed to slap his shoulder. "Aray!" Reaksyon nito na ikinawala ng ngiti ko.

"M-mahina lang naman yon ah... sorry."  Guilty kong sinabi sabay himas ng kanyang balikat. Ang hina kaya non. Aksidente ko bang napalakasan?

My guilty look wear off when I saw him laugh.

"Don't worry Shanie, mahina nga ang hampas mo." Humalakhak uli ito at napabuntonghininga nalang ako. Palabiro talaga tong lalaki to pero salamat at hindi nga masakit ang hampas ko.

"Sorry na, Shan. Para makabawi ako, ikaw na ang pumili ng notebook para sa project ko." Sabi nito tsaka hinigpitan ang paghawak ng kamay ko.

I smiled at him. "I thought I slapped you hard. Don't ever act like that again, okay?" I said and pointed my finger at him. Para bang binabalaan ko siya. He nodded as an answer.

Pinili ko yung notebook na may nakasulat na 'Loving her is what I like." Bagay yon para sa project niya. Napatawa ako kakaisip kung ano kaya ang isusulat niya don.

Pagkatapos naming bumili ay hinatid ako ni Kurt pauwi. May sundo siya kaya isinama nalang ako nito. Nung una ay ayaw kong sumama kasi nahihiya ako pero nung sinabihan ako ng driver na okay lang ay sumakay nalang ako.

"Bye2!" Sabi ko kay Kurt nung nakarating na kami sa bahay at nasa harap na ng pintuan namin. "Ay wait." Sabi ko nung maalala na may picture kaming pinrint ko na nasa kwarto. Pwede niya iyon ilagay sa notebook.

Mabilis akong napatakbo sa kwarto at agad na kinuha ang picture na nasa computer desk ko lang at napabilis ako ng takbo pabalik sa labas.

Nang nasa harap na ako ni Kurt ay inalalayan ako nito gamit ang paghawak sa mga siko ko. I showed him the picture that we took last friday and smiled.

"Ilagay mo to sa notebook mo." I suggested. Tinanggap niya ang picture. In-obserbahan niya muna ito tapos ngumiti. Ngiting abot tenga sabay tumingin uli sa akin.

"I will." And with that, we hugged each other as we bid our goodbyes.

Beauty in SimplicityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon