Epilogue

12 3 0
                                    

This chapter is dedicated to God. He guided me as I continue on writing this story. He motivates me and inspires me everytime I feel down and that because of him, nagawa kong mapatapos tong story ko kahit na natagalan (sorry) pero nakayanan parin. To God be the glory!

Kurt's POV

Kasabay ng pagtunog ng kampana ng simbahan ay patuloy rin na kumikibog ng mabilis itong puso ko na hudyat ng kaba. Maya-maya lang ay papasok na rito ang babaeng labis na minamahal at ikinasasabik nitong puso ko. Kaba at saya ang mga damdaming pumapaligid sa loob ng simbahan mula sa lahat ng mga taong imbitado lalo na ang mga kaibigan naming di na makapaghintay sa pagsisimula ng kasal.

Kitang-kita ko panga si Micha na hinahanda ang camera at si Jon naman ay parang may sinasabi kay Micha pero di ito nakikinig sa kanya. Si Bruce naman ang kanyang asawa ay masaya lang na tinititigan sina Jon. Wala ang anak nila ni Micha kasi siya yubg magiging ribg bearer namin. Sa totoo lang, gusto ni Shanie na si Micha ang magiging bridesmaid pero ayaw niya eh tsaka gusto niya pa kasing kunan ng litrato ang anak niya mamaya at si Shanie narin kaya yung naging bridesmaid nalang ni Shanie eh yung asawa ni Kuya Shawn.

"Anak, proud na proud ako sa iyo." Mula sa aking likuran, tinapik-tapik pa ni Dad ang balikat ko nang magsalita ito. "Kinakabahan ka noh?" May kasama pang mahinang pagtawa akong tinukso ni Dad.

"Alam kong kinabahan karin nung ikinasal ka kay Mom, Dad." Halatang sang ayon ito sa sinabi ko dahil siya'y nagulat at tumango na lamang. One reason why I really love my Dad is that this is how he motivates me and even though it's not that much but it still made me feel more at ease.

"Tingnan mo ang Mommy mo. Masaya rin siya para sa iyo." Sa sinabi ni Dad ay sabik kong hinanap si Mom na nakaupo sa corner ng upuang malapit lang rin dito sa altar at nang makita niya ako ay agad siyang ngumiti. It was the a brightest and very gentle smile I've ever received from her. I smiled back.

Pagkatapos ng papropose ko kay Shanie, nagdalawang isip pa si Mom kung kakausapin niya ba si Shanie o kung hindi ito ang tamang oras and I noticed that kaya si Shanie na lamang ang pinapunta ko kay Mom.

Namula pa nga ang mukha ni Mom sa hiya nang si Shanie ang lumapit. They both started on greetings then silence surrounded between them. Ako pa sana ang magsasalita non para hindi awkward but Mom took the chance. Nanghingi ito ng tawad sa kasalanang ginawa at agad naman siyang pinatawad ni Shanie. I was so happy when after the apologies, they both started to get well with each other at pati narin sa mama at kuya ni Shan. Believe it or not, si Mom panga yung pinapili ni Tita, yung mama ni Shanie, ng wedding gown na susuotin niya sa kasal namin. Hindi raw kase sila marunong magpili ng gown kaya confident naman si Mom nung pumipili na siya ng gown at ng susuotin ko narin. Oo, si mama rin yung nagpili ng susuotin ko pero si Tita yung nag desisyon ng them ng kasal at iyon ay sky blue and white in a church wedding.

My heart pounded soundly and fast as the wedding finally started.

Ang malaking pintuan ng simbahan sa wakas ay bumukas na at mas bumilis pa talaga itong pintig ng puso ko. Mababaliw na ata ako sa nerbyos nito.

Unang pumasok ang mga principals and sponsors. Sila yung mga malaki ang chance na magiging ninang o ninong ng mga magiging anak namin. Geez, thinking about me and Shanie having babies is making my heart throb in excitement. Breathe in... breathe out. Mamaya nayang mga babies. Sa kasal muna tayo magfocus.

Ang sunod na pumasok eh yung mga Bridesmaid, Groomsmen at mga Best men kung nasan andyan sina Bruce, Clint, ate Janine, Chelsea, Ella, Ken, si Kayla na yung tumulong sa akin sa pagprepare ng pagpropose ko kay Shanie, tsaka si Liz. Yung mga kaklase rin namin nung collage tsaka highschool na kaclose namin andito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beauty in SimplicityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon