Shanie's POV
New day, new start. Pumunta na ako sa school at hinanap agad si ate. Hindi parin maalis sa isip ko si Kurt Lac. Bakit ba kasi naputol ang apelyedo eh pwede namang buo ang apelyedo eh. Pumunta nalang muna ako sa library para kumuha ng libro na makakapagpaaliw sa akin. Pagkapasok ko sa library, agad kong hinanap ang shelves ng mga branches of Science. Favorite ko kasi ang Science eh at ang paborito kong branch ng Science ay Biology. Popular nayon sa lahat ng tao dahil kahit saan kaman mapunta, merong mga bagay na related don. Nung nakita ko na ang shelves ng mga branches of Science, agad kong kinuha ang Biology book nanasa harap ko lang. Naghanap ako ng bakanteng table para makapagbasa doon nang may tumapik sa balikat ko. Tumalikod ako at nakita ko si Ate at tinuro sa akin yung table kung nasaan si Chelsea. Si Chelsea ay isa sa mga kilalang bookworm sa classroom namin. Nagulat pa ako kase nandito lang pala si Ate. Hinanap-hanap ko pa siya kanina.
"Halika don." Aya sa akin ni ate.
Tumango naman ako bilang sagot at agad na pumunta nakami doon sa table at umupo ako sa harap ni Chelsea, si Ate naman ay tumabi sa akin.
"Hi." Sabi ko kay Chelsea at ngumiti naman siya sakin.
Sinimulan ko na ang pagbabasa nang magsalita si Ate
"Anong libro ang binabasa mo Shanie?" Tanong nito sa akin.
"Biology." Diretso kong sagot sa kanya
"Tungkol sa ano nga ang Biology?"
"It is about the study of living organism's."
"Ah... kagaya ng aso?" Taas kilay niyang tanong
"Oo kaya nga humihinga sila eh kasi LIVING organisim sila." Diniin ko pa ang living sa pagsagot ko sa kanya na napansin kong ikinatawa naman ng mahina ni Chelse.
"Ah... ganoon ba? Pero alam mo Shanie, mahilig mangtukso ang mga aso."
"Bakit?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Kasi palaging nakalabas ang kanilang dila! Hahaha!" Natatawang sabi niya na hindi naman namin gets ni Chelsea.
"Ganoon ba?" Yun nalang ang sinagot ko. Alam kong magagalit siya pero, hindi naman ako natawa sa sinabi niya eh.
Tiningnan muna kami ni ate bago siya magsalita.
"Ano bayan, kahit isang tawa lang, wala akong matatanggap?" Pagrereklamo nito
"Ha-ha-ha! O ayan tatlong tawa nayan ha." Pag sasagot naman ni Chelsea sa kanya na ikinatawa ko dahil sa reaksyon ni Ate.
"Uy halika na!!" Sigaw sa akin ni Ate tapos tumakbo papuntang Cafeteria. Lunch na kasi namin ngayon at dahil hindi nag recess ang babaeng yon, nagutom tuloy kaya naman kanina, sumakit ang tyan. Inilahad ko na nga sa kanya ang isa ko pang sandwich kanina hindi naman tinanggap hindi raw kasi gutom eh ano ang tawag sa kanya ngayon? Hay...
Bumuntong hininga ako tsaka narin tumakbo papunta sa Cafeteria. Medyo hinihingal ako pagkadating ko sa counter sabay pumila.
"Uy, ano ang kakainin mo?" Tanong sa akin ni Ate
"Hmm... siguro tinolang manok nalang at rice tapos tubig kasi napagod ako kakatakbo papunta rito." Sagot ko at tumango naman siya.
Mayamaya lang ay nakaorder na kami at dumeretso sa table na walang nakaupo.
"Uhm...Ate, may nag-friend request ba sa iyo na ang pangalan ay Kurt Lac?" Biglaang tanong ko sa kanya. Napaisip naman siya tsaka umiling.
"Bakit?" Tanong nito
"Kasi... baka kilala mo eh. Taga rito kasi yun. Nagbabasakali lang naman."
"Well, wala naman akong kilalang Kurt Lac dito. Baka naman ikaw...?" Tanong niya natitig-natitig sa akin.
"Huh?" Kumunot ang noo kong pagtatanong sa kanya.
"Baka naman kilala mo since, ikaw naman ang sinend ng friend request diba?" Sabi nito saka sumubo ng pagkain. May punto siya.
"Hindi ko nga alam eh...."
"Edi wag monalang i-accept! Sus, simpleng problema." Medyo inis na sabi nito tsaka tinuro ang pagkain ko. "Kumain kana nga lang." Tumango nalang ako sa kanya bilang sagot.
Feeling ko talaga kasi na si Kurt Lac ay si Kurt Lacson eh. Hayst bahala na nga. Bawal pagintayin ang pagkain. Umiling nalang ako saka dumirestso sa pagkain.
"Nga pala Shanie..." biglang tawag sa akin ni Ate. "Natapos mo na ba ang bahay na yari sa toothpick? Yung pinagawa ni Ms. Mae?" Dugtong nito
"Hmmm...malapit ko nalang matapos. Bakit mo naman natanong?" Sabay taas ko ng kilay
"Eh...kasi....hindi ko pa natapos ang akin eh...." nakapout na sabi nito.
"Edi, tulungan nalang kita." Pagsasuggest ko sabay ngiti kaya naman sumaya ang kanyang mukha.
"Sure ka? Eh yung iyo? Alam mo namang bukas nayon ipapasa diba?"
"Tatapusin ko nalang yon bukas ng umaga. Sa hapon pa naman ang MAPEH subject natin eh." Sabi ko kaya naman napatili siya sa saya.
"Yieee! Ang swerte ko naman sa best friend ko!" Masayang winika nito. Willing akong tumulong kay Micha kahit na alam kong mahihirapan ako sa sarili ko namang project ngunit mas mahihirapan siya kaya tutulungan ko nalang siya.
"Shanie." Medyo seryosong pagtawag ni Ate ng pangalan ko.
Napakunot ako ng noo at tinitigan siyang nakayuko't nakatitig sa pagkain niya.
"Mhm?"
Nagpa-pout itong inangat ang mukha na ikinatawa ko naman ng mahina. Ito ang mga pagkakataon kung saan parang hindi siya yung ate sa aming dalawa. Ako na ang ate pagganito siya umasta.
"Minsan talaga, napapaisip nalamang ako kung ano ang gagawin ko pag hindi ikaw ang naging kaibigan ko. Pano nalang yung mga assignments at projects ko?" Parang mas concern pa ata siya sa mga gawain niya sa school kesa sa friendship namin. "Ano nalang ang gagawin ko pag wala ka eh wala ring tutupong sakin?" Gusto ko sanang sabihin na hindi niya naman kailangan ng tulong kung sisipagin siya at di na magpapadala sa katamaran. Minsan nga eh naiisip ko na parang pinapasanay ko si Ate na dumipende sakin sa halos lahat pero may mga pagkakataon rin naman na ako ang dumidepende kay ate eh kaya patas na iyon ngunit siguro, lilimitahan ko ang pagtutuling sa kanya para maturuan niya rin ang sarili niyang maging independent at disiplinado.
"Laking salamat ko talaga at hulog ka ng langit sakin Shan." I chuckled at her words.
"Hulog talaga ng langit? Hindi naman eh."
"Oo kaya! Hulog ka ng langit sakin noh! May mga nakaibigan ako noon ngunit ikaw lang yung tumutulong sakin sa lahat kaya feeling grateful ako at nakilala kita. Ikaw, do you feel grateful rin ba at nakilala mo ako?" What a silly question.
I smiled at her. "Bakit naman hindi?" Then we both laughed like crazy while our food, still waiting for us to finish.
BINABASA MO ANG
Beauty in Simplicity
RomansaHave you met a simple girl before? A girl who is smart, beautiful in her own way, kind and is prioritizing her studies first for her family? If you haven't, meet Shanie Rose Mendez, a simple girl studying at Climent High School. She's a beauty and b...