Chapter 2

40 11 13
                                        

Shanie's POV

Dismissal time na kaya nagdesisyon na akong umuwi. May mga projects at assignments pa kasing kailangang gawin kaya para makatapos ako ng maaga, pagka dating ko sa bahay, tatapusin ko kaagad ang mga assignments at projects na meron ako. Papara na sana ako ng jeep nang tawagin  ako ni Micha.

"Shanie!!!!!!" Sigaw niya habang tumatakbo papunta sa akin. Pansin ko lang, bakit ngayong araw, napapadalas yata ang pagsigaw ni Micha habang tumatakbo papunta sa akin? May tawag don eh... pero nakalimutan ko so, bahala na.

"Oh ate may kailangan kaba?" Pagtatanong ko sa kanya. Humihingal-hingal pa ito pagkarating sa harapan ko tsaka huminga ng malalim at kinalma ang sarili para magsalita.

"Kinapy mo ba ang pinapagawang assignment ni Sir Louie?" Napakamot siya ng ulo niya habang nagtatanong sa akin.

"Oo bakit?"

"Uhmmm.....hindi kasi ako naka-"

"Copy?" Ako na ang nagtapos ng sasabihin niya. Tumango naman siya bilang sagot at mahiyain pang napatawa. "Hay ate... hanggang kailan talaga tamad ka. Sige na nga." ibinaba ko sa lupa ang bag ko tsaka ko hinanap ang notebook ko. Nasan na ba yon? Siguro-

"Aray!" Napaungol ako bigla nang may tumamang bola sa ulo ko at napaupo ako sa sahig. Ang sakit non ah...

"Ah...eh...sorry ha? Hindi ko sinasadyang tamaan ka. Pasensya kana talaga." Makonsensyang paghihingi ng paumanhin ng kun sinomang ang lalaking nasa harapan ko at naglahad ng kanyang kamay para tulungan ako. Inabot ko ang kanyang kamay para mapatayo ako.

"Hindi okay lang yon..." nung nakatayo na ako, tiningnan ko ang lalaking tinulangan ako. Nabigla ako ng makita ko kung sino siya, si Kurt. Oo si Kurt ang tumama ng bola sa akin at siya rin ang tumulong sa aking tumayo. Mabuti nalang at marunong siyang mag sorry. Ang alam ko kasi, ngayong panahon ng mga melenials, isa narin ako diyan, nawawala na ang respeto ng mga lalaki sa mga babae. Pero sa pinakita sa aking kabutihan ni Kurt, siguro, hindi naman talaga lahat ng lalaki ay nawawala ang respeto.

"Okay ka lang ba? Nasaktan kaba? M-masakit ba yung ulo mo?" nag-aalala nitong wika habang chinechecheck ang ulo ko.

"Okay lang. Masakit pero mawawala rin toh. Thank you pala dahil tinulungan mo akong makatayo." Sabi ko sabay nagbigay sa kanya ng ngiti.

"Hay nako! Sa susunod kasi, pagmaglalaro, maglaro kayo kung saan walang mga taong pwedeng matamaan!" Nabigla naman kami nung bigla nalang sinaway ni ate si Kurt at ang mga kasama nito. "Mag ingat nga kayo palagi! Pag may bukol na tumubo diyan sa ulo ng kaibigan ko maghihiganti talaga ako sa inyo! Hindi lang bola ang ihahagis ko pati na yung ring ng basketball court ipapaputol ko at ihahagis sa inyo!"

"Ate, tama na yan. Okay lang naman ako oh?" Ngumiti agad ako sa kanya pero nabigla ako nang napayuko bigla si Kurt sa harap namin ni Micha.

"Pasensya na at natamaan kita Shanie. Para sana yun kay Bruce kaya lang ikaw ang natamaan..."

"At natamaan siya dahil sa pagkapabaya mo!" Napasinghal naman si Ate at napabuntonghininga na lamang ako.

"Sorry talaga ha...." tumayo na siya ng matuwid. "Sa susunod tatandaan kong maging maingat." He said looking at Micha then he looked at me. "I am really sorry Shanie. Please forgive me..."

"It's okay don't worry and uhm... sure apology accepted."

He smiled then said "thank you" after that, he and his friends left.

"Hay nako! Shanie okay ka lang ba talaga? Gusto mo dalhin na kita sa clinic?"

"Wag kang mag-alala ate, okay lang ako...."

"Sabi mo yan ha....sige na nga, i cocopy ko pa ang assignment natin eh...." tumango nalang ako at kinuha ang notebook at pinahiram yon sa kanya at dumiretso na agad akong umuwi.

Pagkarating sa bahay ay nagpahinga muna ako at nung makontento na sa pahingang nakuha, agad ko namang inilabas ang project ko para tapusin ito. Dahil sa sobrang pagfocus ko sa project, di ko na namalayang gabi na pala.

"Shanie! Lumabas ka diyan sa kwarto mo at kakain na tayo!" Sigaw ni kuya mula sa kusina

"Sige po tatapusin ko lang toh!" Sigaw ko naman pabalik sa kanya't patuloy parin ang paggawa ng project ko sa Mapeh. Kailangan naming gumawa ng bahay yari sa toothpick. Ang hirap nung una pero ngayon nakuha ko na.

"Ninay Shanie..." nagulat ako nung may tumawag sa akin. Nang tingnan ko kung sino yon, nakita ko si Leo na nakasilip mula sa maliit na pagbukas ng pintuan.

"Bakit Leo?" Tanong ko sa kanya.

"Kumain raw muna tayo tapos pagkatapos na po nating kumain saka mo na po yan tatapusin... utos po ni Daddy." napabuntong hininga nalang ako saka tumayo at lumabas na ng kwarto. Napansin ko yatang wala dito si mama kaya tinanong ko si kuya kung nasan siya.

"Kuya, asan si mama?" Tumingin naman siya nang marinig niya ang tanong ko. Umupo muna siya saka nagsalita.

"Andun sa kabilang bahay, nag uusap sila ni aling Jen tungkol sa gagawin para sa nalalapit na piyesta dito sa barangay." Oo nga noh, malapit na ang piyesta. Si aling Jen kasi ang aming barangay captain, at si mama palagi ang hinihingan niya ng ideya dahil maganda raw ang kinalalabasan ng piyesta pag si mama ang nag paplano.

"Gusto talaga ni aling Jen ang mga ideya ni mama noh?"

"Kaya nga." Pagsasang ayon naman ni kuya. Nagpatuloy na kami sa pag kain hanggang sa matapos na kami. Pinuntahan muna nina kuya at Leo si mama para makakain na siya at ako naman, dumiretso sa aking kwarto. Dahil busog pa naman ako, napagdesisyonan ko na mamaya ko na muna tatapusin ang project ko. Mag o-online muna ako sa facebook ko.

Nang makaonline na ako, una kong nakita ang friend request. Merong isang nag friend request sa akin pero bago ko yun tingnan, tiningnan ko muna ang aking messenger sakaling may importanteng messages ang mga teachers namin pero wala naman kaya tiningnan ko na ang nag friend request sa akin.

Huh? Bakit parang koreano ang itsura tapos ang pangalan ay  'Kurt Lac'. Binuksan ko ang account nayun at may nakita akong post na nagsasabing. 'My first day of school!😄😘😃' tapos ang picture... ay school namin! So taga amin siya? Sino kaya toh? Parang may kapangalan siya ah? Tumingin pa ako sa ibang photos pero wala akong nakikitang mukha niya. Puro mga bola o pagkain lang ang nakapost dito. Bakit naman siya mag sesend ng friend request kung hindi ko naman siya kilala? Pero, may feeling ako na familiar ang name niya. Parang malapit sa pangalan ni... sandali... siya ba to? Facebook account mo ba to,

Kurt Sigmund Lacson?

Beauty in SimplicityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon