Chapter 26

23 6 2
                                    

This Chapter is dedicated to: lauracesumalinog

Shanie's POV

Kagaya ng nakasanayan, maaga ako nagising para maghanda sa trabaho.

Pagpapunta sa school ay kasama ko si Leo. Nag commute lang kami dahil hindi kami mahahatid ngayon ni Clint. Maaga siyang nagtrabaho ngayon. Well, okay lang naman dahil malapit lang ang school na pinapasukan ni Leo sa eskwelahang tinatrabahuan ko. Funny how Leo grew up so mature. Hindi kagaya ni kuya. Nagmana siguro sa lahat kay Ate Janine.

Kani-kanina lang nung nagtext si Clint na masusundo niya naman ako mamayang hapon. Si Leo naman ay sinusundo ni Ate Janine.

"Ninay Shanie, dito nalang ako." Kakababa lang namin at naglalakad palang papuntang school nila nang nagsalita si Leo kaya napatigil ako mula sa paglalakad. Wala pa naman kami sa harap ng school ah? Ba't hanggang dito lang? Tumingin ako sa building kung saan kami tumigil. Isa itong store na ang mga binebenta ay mga school supplies.

"May bibilhin ka ba rito, Leo?" Lumingon ito sa likuran niya para tingnan ang store. Bumalik ang tingin nito sakin at tumango.

"Oo... para sa project." Napangiti ako sa sinabi nito.

"May pera ka bang gagamitin pambili?"
Napatawa ako ng mahina nang napaestatwa ito. "Wala noh?"

Binuksan ko ang aking bag at hinanap ang aking wallet. Baon lang kasi ang ibinigay ni kuya kay Leo. Pag gamitin niya yon ngayon, baka kakaunti lang ang kakainin niya mamaya.

"Oh eto. Ang baon mong pera, ipambili mo ng maraming pagkain para mabusog ka ha?" Wika ko sabay abot sa kanya ng pera.

Parang ayaw niya pa tong kunin nung una pero, sa huli kinuha niya nalang.

"S-salamat, Ninay..." Umirap pa ito sabay nahihiyang nagsalita. I reached for his head to pat it.

"Sige, mauuna na si ninay ah? Mag-ingat ka."

"Ikaw rin, ninay!" Aniya sabay kinaway ang kanang kamay. Nang pumasok na ito sa store ay dun nako nagdesisyong maglakad.

It took me a while before I can reach the school. Mabuti nalang at hindi masyadong mainit ngayon. Siguro nga ay uulan mamaya.

As I entered the school, students started to greet me a good morning so I greeted them back. Dumiretso ako ng paglalakad papuntang faculty room.

Papasok palang sana ako nang may humawak sa kamay ko kaya napatigil ako sa paglalakad. Parang may nangyari ring ganito noon ah? Pero hindi ko maalala.

Napalingon ako sa humihingal habang nakayuko na kaibigan kong si Lizzie.

"Oh, Teacher Liz magandang umaga." I cheerfully said.

"Hindi ba ako late?" Tanong nito at humihingal parin. Napatawa ako ng mahina at sasagutin na sana ang tanong niya nang sakto lang ay nag ring na ang bell hudyat na magsisimula na ang klase.

"Hindi pa Liz, nakaabot ka."

Napabangon ito mula sa pagkayuko at ngumiti.

"Mabuti naman! Akala ko late na ako... nanood pa kasi ako ng sine kagabi at late nang nakatulog."

"Uhm... teacher Liz, malelate tayo sa klase kapag hindi pa tayo papasok sa faculty para kunin ang mga gamit natin." Wika ko dahil hawak-hawak niya parin ang kamay ko. Ang ibang teacher ay nagsilabasan na para pumunta sa mga klase nila habang kami ay papasok palang.

Binitawan ni Liz ang kamay ko at nahihiyang tumawa.

Pagkapasok namin sa faculty ay agad naming kinuha ang aming mga gamit at pumunta na sa mga classroom na kaklasehan namin.

Beauty in SimplicityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon