LUIS POV:
Nasa kalsada na kami ni Manoy para tunguhin ulit ang tanggapan ng kapulisan. Pasado alas singko y media na ng umaga kaya medyo nakakaramdam pa ako ng antok.
Mabuti't hindi mabagal ang usad namin dahil sa hindi gaano kadaming sasakyan ang nasa kahabaan ng aming tinatahak. Balak ko kasing dalhan ng pagkain at kausapin si Lloyd tungkol sa kan'yang pagdakip dati.
Alam ko kasing inosente siya dahil sa mga sinabi niya kagabi. Isang salita na kapani-paniwala at walang butas ang makakasira no'n dahil sa solido niyang pagkanta sa mga likod ng mga patayan na nagaganap sa aming paaralan.
[ Flashback ]
"Ikaw ba ang pumatay kay John Paul Reyes?" una kong tanong sa kan'ya habang nakatalim ang aking mata sa kan'ya.
"Hindi Luis!" matigas niyang sambit na pilit iwinawaksi ang mga paratang na gusto kong marinig.
"Ipaliwanag mo kung bakit hindi ikaw ang pumatay sa lalaki" mahinhin kong usal.
"Hindi ko po kilala si John Paul dahil inaya lang ako ni Kye."
"Alam mo bang patay na si Kye?" taas noo kong tanong sa kan'ya habang siya'y tila nagulat sa aking kwestyon.
"Ano!?"
"Anong patay!? Buhay siya Luis! Buhay siya Luis 'diba?" palabas na ang kan'yang maliliit na butil na luha sa kan'yang maamong mukha na nagmimistulang walang alam sa nangyayari habang siya'y ginagawang puppet ng EASY.
"Patawad Lloyd, patay na si Kye dahil siya ang sunod na biktima ng EASY."
"Hindi totoo yan," binagsak niya ang isang kamao sa mesang aming pinag-uusapan. "Hindi ako makakapayag na namatay siya! Childhood friend ko siya at alam kong buhay pa siya." dugtong niya habang pinipigilan niyang lumuha.
"Wala na siya Lloyd kaya tinatong kita kung sino ang kumidnap sa'yo para mahuli na ang may sala sa pagkamatay ng kaibigan mo!" sigaw ko sa kan'ya.
"Wag kang mag-alala, wala ng mamatay kung sasabihin mo ang alam mo!" dugtong ko na mas lalo niyang maisawalat ang totoong salarin.
Lumipas ang ilang saglit at sinabi niya ang salitang pwedeng magdugtong sa mga nangyayaring ito.
"Matagal ko ng kilala ang may kasalanan na ito" mahina niyang tugon na napatigil sa aking pag-iisip.
"Sino?"
"Si Arson Mcduffie ang may sala ng lahat"
"Hindi pwedeng mangyari yan dahil siya ang pangatlong biktima" mabilis kong responde sa kan'yang sinabi.
"Ano!?" hindi siya makapaniwala na iyon ang ikatlong biktima.
"Lahat ng kasama mo sa canteen habang naganap ang pagpatay kay John Paul Reyes ay patay na"
Ang kaninang walang emosyon niyang mukha ay napalitan ng hindi mailarawang mukha. Halatang hindi niya alam pero siya ang bumaril no'n. Nililito niya ba ako? Isa ba itong patibong para ito'y aking kagatin?
"At ang sinisisi mong si Arson ay patay na dahil ikaw ang bumaril ng mga oras na 'yon, tama ba 'The Mastermind of all' ?" mas pinunto ko ang aking sinambit para dama ang panabik sa bawat salita. Hindi na ako magkakamali dahil siya na nga ang hinahanap ko.
"Hindi ko alam 'yung sinasabi mo Luis!? Maniwala ka!" agad niyang harang sa mga patalim kong sisi sa kan'ya.
Isa lang ang ibig sabihin nito, kung hindi siya ang bumaril, sino? Marami bang galamay ang pinapagalaw ng EASY? Kung marami, sinu-sino? Bakit sila pumapatay ng inosente? Bakit tila ako balak nilang paglaruan? May galit ba sila sa akin? May ginawa ba akong masama?
![](https://img.wattpad.com/cover/136522115-288-k766349.jpg)
BINABASA MO ANG
Detective Intelligent Club ( DIC )
Mystery / Thriller#1- Detective ( 05-25-19) Isang club na may mithiing sagutin ang misteryong bumabalot sa kanilang paaralan. Pinamumunuan ito ng SSC President na si Luis Huiloz. Hinahanap nila ang suspek sa bawat kaso na kanilang nahahawakan. Mga case na ginawa ng E...