CHAPTER 34: BREAD LIRD

342 8 2
                                    

LUIS POV:

Dumating na ang mga nagreresponde ng kami'y nakaalis na nang parking lot. Ramdam ko pa rin ang pagkakilabot habang iniisip ko ang mukha ni Rocelle. Hindi ako maaaring magkamali na si Rocelle iyon kahit black tinted ang salamin. Alam ko sa sarili ko na binabagabag na ako ng konsensya ko. Gusto ng aking puso na kailangan na talagang harapin ang may gawa nito kahit sino pa siya. Marami nang napapahamak o hindi kaya ay namamatay sa larong ginaganap ng aking club na DIC at EASY.

Nag-iisa na lang ako sa office dahil pinauwi ko na ang aking membro. Hindi rin nila nalaman na nasa loob si Rocelle sa nasabing kotse na sumabog. Ang tanging alam lang nila ay isa lang iyon na trap ng EASY para sa akin kung malapit ako sa pinangyarihan.

Bumuntong hininga na lang ako sa ganitong sitwasyon. Ang hirap pala, down na down na ako eh. Gusto ko nang magising sa bangungot na ito, gusto ko ng tanggalin ang tinik sa aking puso pero kahit kailan hindi mangyayari iyon dahil masahol pa sa halimaw ang may kagagawan nito.

Nilabas ko ang aking cellphone para muling tingnan ang huling mensahe ng EASY sa akin. Nang nag-sink-in na ang pang-unawa ko ay bigla ko na lang itong kinukubli sa aking sarili.

****

HELLO LUIS,

KUNG GUSTO MO AKO MAKITA

PUMUNTA KA SA CODE NA

IPAPASAGOT KO SA IYO

CODE:

BREAD LIRD

****

Ano ba yung bread lird? Lito ako sa ganitong encryption pero kailangan ko itong i-decipher para maka-face to face ko ang may sala. Gusto ko siyang patayin kahit ikabubulok ko pa sa bilangguan, hindi ako magsisi. Kahit na ipatapon pa ako sa impeyerno, hindi ako hihingi ng tawad. Gusto ko siyang magdusa gamit ang aking kamay. Kamay na ngayon ay mababahiran na nang dugo. Dugo ng iisang mamatay tao.

Alam kong hindi mababawasan ang mamamatay tao sa mundo kahit pumatay pa ako ng kahit isang mamamatay tao katulad ng leader ng EASY.

Paulit-ulit kong sinasalaysay sa aking isipan ang bread lird. Ano bang meron doon sa salitang iyon?

Sakal ako ng malademonyong katahimikan habang nag-iisip ng sagot sa palaisipan na ito. Bread lird o baka drug lord? Nagkamali sila ng spelling. Nalilito ako sa ganitong code. Bakit may ganto pa? pwede namang i-send nila kung saan kami magkikita.

Kahit na hindi ako bihasa sa ganitong bagay ay sinubukan ko pa rin pero kahit anong pang-decode ko dito wala pa ring makaka-solve. Nag-search na rin ako sa google pero ang lumabas ay mga bakery dahil na rin sa salitang 'bread'. Tsaka kahit bakery pa ang sagot sa ganitong code ay mali pa rin dahil una ay maraming bakery dito sa labas ng campus at pangalawa ay ano naman ang salitang lird?. Ang alam ko ay may lugar siyang tinutukoy na iisa lamang at doon kami magkikita.

Muli akong tumingin sa wall clock at pasado hatinggabi na. Kailangan kong mahanap kung saan kami magkikita. Syempre dala ko na ang caliber 45 ko na nakasukbit sa aking sinturon sa bandang kanan.

Kahit namumugto na ang aking mata dahil sa pagpupuyat ko ay hindi ko na inalintana iyon dahil mahalaga pa ang misyon na ito kaysa sa aking buhay. Ayaw ko rin i-send sa GC ng DIC sa messanger ang code na binigay ng EASY. Gusto ko lang ay ako ang makakaharap ng leader ng EASY na 'yon. Hindi na rin ako hihingi ng tulong sa pulis at NBI na sakop ni kuya. Alam kong kaya ko na ito.

Ang tanong....ano bang ibig sabihin ng BREAD LIRD?

Binalikan ko ulit ang mga alala na pinagsasabi ni Henry at Lorenze sa code na ang resulta ay next victim na si Arson Mcduffie.

Detective Intelligent Club ( DIC )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon